Sa kasamaang palad, kahit na pagkatapos niyang malaman na mayroon akong BPD, hindi naintindihan ng isa sa mga katrabaho ko kung bakit handang magbigay ng allowance para sa akin ang aming mga boss. Madalas niya akong pinagtatawanan, hanggang sa umabot sa punto na mag-panic attack ako tuwing kailangan kong pumasok sa opisina. Bilang resulta, nawalan ako ng interes sa aking trabaho at labis na naapektuhan ang aking mga gawa. Gumaan ang pakiramdam ko noong pinakawalan ako ng kumpanya noong katapusan ng Oktubre, dahil nangangahulugan iyon na hindi ko na kailangan pang harapin ang pambubulas ng aking isang katrabaho.
Ang BPD ay isang napakakomplikadong karamdaman. Kaya’t, sa katunayan, na kahit na ang mga itinuturing na matalino ay nahihirapang maunawaan ito. Gayunpaman, sinusubukan ko ang aking makakaya upang turuan ang mga nakapaligid sa akin sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng maging borderline sa pinakasimpleng posibleng paraan. Minsan gumagana, minsan hindi.
Ano ang nagawa mo upang makayanan ang BPD? Tinanggap mo na ba ito?
Palagi kong alam na kailangan ko ng tulong, ngunit hindi ko talaga nakuhang hilingin ito hanggang matapos ang aking ikaapat na pagtatangkang magpakamatay. Nang ma-diagnose ako ni Doc Randy na may BPD, nabuhayan ako ng loob na sa wakas ay malagyan ko na ng pangalan ang lahat ng nararamdaman ko. Pagkatapos kong umalis sa kanyang klinika noong araw na iyon, nagbasa ako sa BPD. Kung mayroon akong piso sa bawat oras na sinabi kong “ako ito” habang ginagawa ito, mas mayaman ako kaysa kay Elon Musk. Kaya oo, tinanggap ko ito nang mabilis.
Sa simula, lubos akong umasa kay Doc Randy para mapanatili ang aking katatagan. Ngayon na hindi ko na kailangang makita siya nang madalas, nakaya ko sa ibang mga paraan, ang ilan ay ipinakilala niya sa akin.
Bilang panimula, umaasa ako sa gamot para labanan ang aking pagkabalisa at depresyon. Dati ay natatakot ako sa mga antidepressant at sa mga posibleng epekto nito, ngunit naintindihan ko ang ideya na inumin ang mga ito pagkatapos ipaliwanag sa akin ni Doc Randy ang ilang bagay. Sinabi niya na ang tamang gamot para sa akin ay magkakaroon ng kaunting epekto, na siya namang totoo.
Hindi madaling ipaintindi sa iba
Bagaman nakatulong ang gamot at talk therapy, mahirap pa rin para sa akin ang mga bagay-bagay dahil hindi sineseryoso ng aking mga kamag-anak ang aking kalagayan, noong una’t-simula pa lamang. Ang isa sa aking mga tiyahin ay nagmungkahi pa sa aking ina (na nag-iisang kampeon ko noong panahong iyon) na ako ay namemeke ng sintomas upang magamit ko ang BPD bilang dahilan para gumawa hindi nila gustong asal at pag-uugali. Nagalit iyon sa akin, ngunit hindi ako tumigil sa pagsisikap na turuan sila. Sa kabutihang palad, naunawaan nila pagkatapos ng ilang sandali.
Lalong bumuti ang kalagayan ng aking pamilya nang ang aking tiyo (isa sa mga kapatid ng aking ina) ay nagpakasal sa kanyang asawa. Nagkataon na siya ay isang counselor. At sa nakaraang taon o higit pa ay pinupuntahan ko siya para humingi ng payo at suporta. Itinuro niya sa akin ang ilang mga mekanismo ng pagkaya na naging talagang epektibo at nakakatulong, tulad ng pamamaraan ng “Wise Mind.” Ginagamit ko ito upang pigilan ang aking pagkabalisa at panic attacks. Salamat sa kanya, nagagawa ko na ngayong tumugon sa mga bagay sa mas lohikal na paraan.
Pinapalibutan ko rin ang sarili ko ng mga bagay na gusto ko—mga libro, pelikula, musika, at palabas sa TV. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto para sa aking sarili at sa aking ina ay tumutulong din sa akin na manatiling matatag. Talagang hindi ako si Jamie Oliver, ngunit ang pagluluto ay isa sa aking mga paboritong paraan para mag-cope. Nagsimula akong magluto ilang linggo pagkatapos ng aking unang pagbisita sa klinika ni Doc Randy. Nagbigay ito sa akin ng pakiramdam ng kontrol sa panahong nararamdaman kong napakagulo ng aking buhay.
Ano ang masasabi mo para sa ibang mga tao na mayroog BPD? May maipapayo ka ba?
Kung pinaghihinalaan mo na ikaw o may isang taong kilala ka na maaaring may BPD, humingi ng tulong. Hindi ko mabigyang sapat na diin iyon. Ang BPD ay hindi isang bagay na maaari mong labanan sa iyong sarili. Ang tanging dahilan kung bakit ko ito isinusulat ngayon ay dahil kina Doc Randy, ang aking ina na si Tinna Bonifacio, at marami pang iba. Sila ang sumuporta sa akin noong ako ay nasa hindi magandang estado.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap