backup og meta

Tips Sa Bagong Buntis, Anu-Ano Nga Ba Ang Dapat Mong Malaman?

Tips Sa Bagong Buntis, Anu-Ano Nga Ba Ang Dapat Mong Malaman?

Solenn Heusaff, Buntis Muli!

Masayang ibinalita ng Kapuso actress-model na si Solenn Heussaff at ng kanyang asawa na si Nico Bolzico na magkakaroon na sila ng second baby. Makikita ang anunsyo na ito mula sa Instagram stories ng aktres kasama ang tummy-bearing photo na nagsasabi na 16 weeks na siyang buntis.

Maraming netizen ang natuwa at na-excite para sa incoming baby at pregnancy journey na muling pagdadaanan ni Solenn. Dahil diyan, atin munang ibaling ang usapan sa pagbubuntis.

Ano nga ba ang mga tip na pwede nating magamit para maging ligtas tayo sa panahon ng pagbubuntis? Ano ang maaari nating gawin para maging safe at happy ang ating pregnancy? Alamin sa artikulong ito.

Mga Tips Sa Bagong Buntis

Kaakibat ng pagbubuntis ang maraming pagbabago sa babaeng nagdadalang-tao, gaya ng pagtaas ng kanilang timbang, pagkakaroon ng mood swings at pregnancy symptoms. Maganda kung malalaman natin ang mga bagay na pwedeng makatulong sa isang buntis upang matulungan natin sila at maharap ng maayos ang mga hamon at discomfort na hatid ng pregnancy.

Narito ang ilang mga tips sa bagong buntis na dapat mong malaman para makayanan at maharap ang pregnancy symptoms:

Pagkahilo At Pagsusuka

Isa sa mga kilalang sintomas ng pagbubuntis ang pagkahilo at pagsusuka. Kadalasan tinatawag na “morning sickness” ang ganitong sintomas ng pagbubuntis. 

Para maharap ang sintomas na ito narito ang ilang tips sa bagong buntis na pwede nilang gawin:

  • Iwasan ang mga amoy at pagkain na nakapagtri-trigger ng iyong pagkahilo at pagsusuka
  • Kumain ng crackers o iba pang bland foods para makatulong ng pagbawi ng lakas sa pagkahilo
  • Mag-take ng vitamin B-6 para malabanan ang pagkahilo subalit huwag itong iinumin sa gabi dahil pwedeng maging sanhi ito ng pagkaantok.
  • Maaaring kumonsulta sa isang doktor para malaman ang anti-nausea medications na pwedeng gamitin ng mga buntis.

Pagkapagod

Totoong nakakapagod ang pagbubuntis dahil kailangan mong asikasuhin ang iyong sarili na higit pa sa dati. Sapagkat may isa pang buhay na nakasalalalay sa’yo at patuloy na umuunlad sa’yong sinapupunan. Ipinapayo sa lahat ng buntis na magpalakas at panatilihing malusog ang kanilang katawan.

Narito ang ilang tips sa bagong buntis na dapat mong malaman para sa pagharap ng pagkapagod:

  • Kumain ng mga masustansyang pagkain na mayaman sa iron at protina.
  • Uminom ng sapat na tubig
  • Magkaroon ng fitness routine na angkop sa kondisyon habang nagbubuntis
  • Matulog nang sapat at iwasan ang pagpupuyat
  • Magpahinga sa oras na makaramdam ng fatigue
  • Gawin ang mga bagay na magbibigay ng comfort at kaginhawaan sa buntis, gaya ng pag-upo at pagtayo.

Stress At Mood Swings

Ang mga buntis ay maaaring makaranas ng stress at mood swings dahil sa hormonal changes na nagaganap sa kanilang katawan. Narito ang ilang tips sa bagong buntis para maharap ito nang maayos:

  • Makipag-usap sa mga mahal sa buhay tungkol sa mga bagay na iniisip at nararamdaman.
  • Mag-relax sa pamamagitan ng pagsasagawa ng breathing exercises at meditation upang mapakalma ang pag-iisip.

Paglakas Sa Pagkain

Normal lamang sa isang buntis na maging malakas silang kumain kaysa dati. Sapagkat ang kanilang mga kinakain ay napupunta rin sa kanilang baby. Sa madaling sabi, nagkakaroon ng kahati ang ina sa mga pagkain na kanyang kinokonsumo. Maganda kung magte-take ng multivitamins si mommy upang maging healthy si baby at maging handa sa panganganak. Narito ang mga multivitamins na pwedeng inumin:

Tandaan lamang na magpakonsulta pa rin sa doktor para masigurado ang kaligtasan ng pag-inom ng alinmang multivitamins.

Maganda rin kung kakain ang isang buntis ng seafoods dahil mayaman ito sa vitamins at minerals na kailangan ng ating katawan upang maging mas malusog at malakas.

Mga Hindi Dapat Gawin Kapag Ikaw Ay Buntis

Hinihikayat ang mga buntis na mag-ingat sa kanilang mga kakainin at habit dahil anumang bagay na kanilang gawin ay makakaapekto sa kanilang baby.

Narito ang ilang mga bagay na hindi mo dapat gawin kapag buntis ka:

  • Huwag manigarilyo
  • Iwasan o ihinto ang pag-inom ng alak
  • Pagtigil sa pagkain ng raw meat
  • Kontrolin ang pag-inom ng mga inuming may caffeine

Dapat Ba ‘Kong Magpakonsulta Sa Doktor?

Kinakailangan na magpakonsulta ang mga buntis sa doktor upang mabigyan sila ng mga payo para malagpasan at makayanan ang hamon ng pagbubuntis. Sila rin ang mga taong maaaring makapagbigay ng angkop na medikal na atensyon kinakailangan ng buntis.

Dapat ding maging maingat ang mga buntis sa pag-inom nila ng gamot dahil baka makasama ito sa kanilang baby. Maganda kung aprubado ng doktor ang lahat ng medications na kanilang ite-take.

Key Takeaways

Ang pagbubuntis ay isang malaking hamon sa mga kababaihan dahil sa mga pagbabago na maaaring maranasan sa sarili. Kaya naman maganda kung mabibigyan natin sila ng suporta para maharap nila ang mga pagsubok sa pagdadalang-tao. Mainam din kung magpapakonsulta sa doktor ang mga buntis para sa medikal na payo, treatment at diagnosis.

Larawan kuha mula sa Instagram

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

First-Time Pregnancy: 7 Tips New Moms Should Follow, https://ferny.com/life-style/tips-for-first-time-pregnancies/, Accessed July 4, 2022

Alcohol and Your Pregnancy, https://www.niaaa.nih.gov/publications/brochures-and-fact-sheets/alcohol-and-your-pregnancy, Accessed July 4, 2022

Prenatal yoga: What you need to do, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/prenatal-yoga/art-20047193, Accessed July 4, 2022

Pregnancy and exercise: Baby, let’s move! https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-and-exercise/art-20046896, Accessed July 4, 2022

Prenatal vitamins: Why they matter, how to choose, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/prenatal-vitamins/art-20046945, Accessed July 4, 2022

Pregnancy and fish: What’s safe to eat? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-and-fish/art-20044185, Accessed July 4, 2022

Pregnancy nutrition: Foods to avoid during pregnnacy, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-nutrition/art-20043844?pg=1, Accessed July 4, 2022

Working during pregnancy: Do’s and Don’ts, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy/art-20047441, Accessed July 4, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Safe ba ang covid vaccine sa buntis? Alamin dito ang mga fact

Sintomas Ng Maselang Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement