backup og meta

Prutas Para Sa Buntis: Heto Ang Mga Dapat Kainin

Prutas Para Sa Buntis: Heto Ang Mga Dapat Kainin

Maaaring ang pagbubuntis ay nagdudulot sa iyo ng mga cravings. Tandaan na kahit na kumakain ka para sa dalawa, hindi ibig sabihin na maaari kang kumain ng kahit ano. Mahalagang kumain ng balanseng pagkain ng mga prutas at gulay para masiguro ang mabuting kalusugan ng iyong sanggol at ligtas na panganganak. Narito ang mga angkop na prutas para sa buntis. Alamin kung bakit ito ay mabuti para sa ina at sanggol.

Mga Benepisyo ng Prutas sa Nutrisyon

Ang mga prutas ay mahusay na pinagmumulan ng mga bitamina at mineral na mahalaga sa paglaki ng isang sanggol. Kabilang dito ang:

  • Beta-carotene. Ang beta-carotene ay isang mahalagang nutrient para sa pagbuo ng tissue at isang malakas na immune system
  • Fiber. Ang pinakamainam na prutas na makakain kapag buntis ay kasama ang maraming fiber. Nakakatulong ang fiber sa pag-alis ng constipation at hemorrhoids. Bukod pa rito, nagpo-promote ito ng digestion at healthy levels ng cholesterol habang binabawasan ang risk na magkaroon ng sakit sa puso.
  • Vitamin C. Ang mga prutas na mayaman sa bitamina C ay tumutulong sa sanggol na magkaroon ng malakas na buto at ngipin. Itinataguyod din nito ang pagpapagaling ng sugat. Panghuli, ito ay nagtataguyod ng iron absorption. Tandaan na ang iron ay isang mahalagang bahagi ng diyeta ng isang buntis.
  • Potassium. Ang ilang prutas ay naglalaman ng potassium, na mahalaga sa pagpapanatili ng balanse ng fluid at electrolyte ng buntis. Bukod pa rito, maaaring maiwasan ng potassium ang mga leg cramp, isang karaniwang pangyayari sa panahon ng pagbubuntis. Nakakatulong din ito sa pagpapagaan ng pagduduwal at pagsusuka.
  • Folate. Para sa isang buntis, ang folate ay napakahalaga. Hindi lamang nito pinipigilan ang mga depekto sa neural-tube sa mga sanggol, ngunit nakakatulong din ito sa pagbuo ng mga red blood cells.

Ngayong mayroon ka ng ideya tungkol sa kahalagahan ng mga prutas, talakayin natin ngayon ang mga pinakamagagandang prutas para sa buntis.

Mga Prutas na Dapat Kainin Kapag Buntis

Banana

Ang saging ay isang pangkaraniwang prutas na Pilipino. Hindi lamang ito madaling bilhin, ngunit ito rin ay napaka-abot-kaya. Isa ito sa pinakamagandang prutas para sa buntis dahil naglalaman ito ng mga sumusunod na sustansya:

  • Potassium
  • Vtamin C
  • Vitamin B6
  • Folate
  • Magnesium

Bayabas

Guava or bayabas ay isang kilalang prutas sa mga Pilipino dahil kilala itong nakakatulong sa pagpapagaling ng sugat. Ito ay isang magandang prutas para sa buntis dahil ang bayabas ay mayaman sa: 

  • Vitamin C
  • Carotenoids (tulad ng beta-carotene)
  • Mga flavonoid na may antioxidant effects

Bukod pa rito, tinutulungan ng bayabas ang mga ina na mapanatili ang mahusay na panunaw at nakakatulong na palakasin ang immune system ng sanggol. Ang isang kapansin-pansin na bagay tungkol sa bayabas ay mayroon itong 4 na beses na dami ng bitamina C kaysa sa isang orange.

Mansanas

Ang pinakamainam na prutas na makakain kapag buntis ay kinabibilangan ng mga mansanas dahil naglalaman ang mga ito ng:

  • Vitamins A, E, at D
  • Zinc
  • Fiber
  • Phenols ( napakahalaga para sa kalusugan ng puso)

Ang bitamina A ay mahusay para sa lumalaking paningin ng sanggol, habang ang bitamina D ay mahalaga para sa pagbuo ng buto. Sa kabilang banda, sikat ang bitamina E dahil ito ay isang kilalang antioxidant, habang ang zinc ay popular sa kakayahan nitong palakasin ang immune system.  Panghuli, ang mga mansanas ay kilala na nakakatulong na maiwasan ang wheezing at hika sa paglaki ng bata.

Atis ( Custard Apples)

Ang atis, o custard apple, ay isang napaka-refreshing na prutas dahil sa tamis nito. Mahusay din ito para sa mga buntis dahil mayaman ito sa:

  • Vitamin A
  • Vitamin C

Ang isa pang magandang bagay tungkol sa atis ay itinataguyod nito ang cognitive development ng sanggol.

Avocado

Ang avocado ay nananatiling isa sa pinakamagagandang prutas para sa  buntis dahil mayroon itong:

  • Folate
  • Vitamins C, B, at K
  • Iron
  • Choline

Tandaan na ang avocado ay may mas mataas na nilalaman ng folate kaysa sa karamihan ng mga prutas. 

Sa kabilang banda, ang bitamina K ay mahalaga upang maiwasan ang pagdurugo. Ang choline ay mahalaga para sa development ng utak ng sanggol. Subukang palitan ang cheese o mayo ng mashed avocado; maaari mo ring isama ang mga diced avocado sa mga salad.

Mangos

Sino ang hindi gustong kumain ng sariwa, matamis na mangga? Ang mga mangga ay mainam para sa mga buntis dahil mayroon silang:

  • Vitamin C
  • Fiber
  • Beta-carotene
  • Antioxidants

Bukod sa mga ito, nakakatulong din ang mangga sa panunaw sa pamamagitan ng pag-iwas sa constipation. Sa ilang antas, ang mga mangga ay nag-aalok din ng proteksyon laban sa ilang mga impeksyon. Ito ang mga dahilan kung bakit isa ang mangga sa pinakamasarap na prutas para sa buntis.

Watermelon

Karaniwang iniisip bilang isang prutas sa tag-araw, ang pakwan o watermelon ay masarap kainin, lalo na kapag buntis. Ito ay mayaman sa:

  • Vitamins A, C, at B6
  • Potassium
  • Magnesium
  • Fiber
  • Isang assortment ng mineral
  • Lycopene, na isang mahusay na antioxidant

Makakatulong din ang pakwan na maiwasan ang heartburn, paginhawahin ang mga cramp ng kalamnan, at bawasan ang pamamaga.

Oranges

Refreshing kainin ang orange, lalo na sa isang humid na araw. Gayunpaman, para sa isang buntis, inirerekomenda ito dahil mayroon itong:

  • Vitamin C
  • Potassium
  • Folate

Kung mayroon kang mga problema sa iyong presyon ng dugo, ang pagkain ng orange ay maaari ring makatulong sa pagkontrol nito.

Grapes

Ang isang bungkos ng mga ubas ay magbibigay sa isang buntis ng mga sumusunod na bitamina at mineral:

  • Iron
  • Calcium
  • Folic acid
  • Vitamins B1, B2, at B6
  • Magnesium
  • Fiber
  • Iba’t ibang antioxidant

Dahil ang ubas ay isa sa pinakamagandang prutas na kainin kapag buntis, siguraduhing piliin ang mga ito kapag naghahanap ng masustansyang meryenda.

Chico

Sikat sa matamis na amoy at lasa nito, mayaman ang chikoo sa mga sumusunod:

  • Electrolytes
  • Vitamin A
  • Assortment of nutrients

Ang Chico ay perpekto sa ina at sanggol para sa sapat na enerhiya. Bukod pa rito, nakakatulong din ito sa paggagatas, mahalaga para sa mga ina na gustong magpasuso. Isa rin ito sa pinakamasarap na prutas na kainin kapag buntis dahil nakakatulong ang chikoo sa iba’t ibang digestive disorder tulad ng irritable bowel syndrome at diarrhea.

Paalala

Upang matiyak na makukuha mo ang buong benepisyo ng pagkain ng prutas, gawin ang sumusunod:

  • Hugasan ng maayos ang mga prutas upang maalis ang mga residue o pestisidyo, putik, o dumi.
  • Maaari kang gumamit ng isang brush ng gulay upang matiyak ang kalinisan ng mga prutas.
  • Huwag gumamit ng sabon o detergent kapag naglilinis.
  • Alisin ang mga nabugbog na bahagi ng mga prutas bago kainin.

Key Takeaways

Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t-ibang uri ng prutas, kaya naman marami ka laging mapag pipilian. Tandaan, kumain ng masustansyang dami at iba’t ibang prutas bawat araw. Mabuti ang mga ito sa iyong katawan at sa iyong sanggol. Inirerekomenda ng mga doktor ang pagkain ng 5 servings ng prutas at gulay sa isang araw. Kapag pupunta sa palengke, tingnan ang listahang ito ng mga pinakamagagandang prutas na makakain kapag buntis. Kumonsulta sa iyong doktor o dietician upang matiyak na hindi ka mag-overeat at magkaroon ng gestational diabetes. Ito ay dahil ang ilang prutas ay mayroon ding mataas na sugar content.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eating During Pregnancy
https://kidshealth.org/en/parents/eating-pregnancy.html

Accessed June 10, 2020

Healthy Eating
https://www.momjunction.com/articles/nutritious-fruits-to-eat-during-pregnancy_0075720/Accessed June 10, 2020

Can You Consume All Fruits During Pregnancy? Experts Suggest Fruits To Avoid
https://food.ndtv.com/health/can-you-consume-all-fruits-during-pregnancy-experts-suggest-fruits-to-avoid-1872945
Accessed June 10, 2020

Top 6 Foods to Eat During Pregnancy
https://www.healthywomen.org/content/article/top-6-foods-eat-during-pregnancy

Accessed June 10, 2020

 

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement