backup og meta

Kailan Dapat Mag PT? Mga Dapat Tandaan Pagdating sa Pregnancy Test

Kailan Dapat Mag PT? Mga Dapat Tandaan Pagdating sa Pregnancy Test

Ang pagkuha ng pregnancy test ay ang kadalasang unang ginagawa ng mga kababaihang nasa reproductive age kapag hindi sila dinatnan ng buwanang dalaw. Ito ay pinakamabilis na paraan para malaman nila kung sila ay nagdadalantao, lalo na kung sila ay aktibo sa sekswal na aspeto. Ngunit, bukod sa hindi dumating na buwanang dalaw, kailangan pa ang tamang panahon para kumuha ng pregnancy test. Kailan dapat mag PT ang babae, at paano nga ba gumagana ang test na ityo? 

Ano ang Pregnancy Test? 

Ang pregnancy test ay nagsasabi kung ang isang babae ay buntis sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang pregnancy hormone na human chorionic gonadotropin o hCG ay makikita sa ihi o dugo. 

Kapag buntis ang isang babae, ang kanyang katawan ay magsisimulang magprodyus ng hCG kapag ang fertilized na itlog ay nakakabit na sa uterine wall. Habang lumalaon ang pagbubuntis, ang lebel ng hCG ay patuloy na tumataas hanggang sa first trimester. 

Paano Gumagana ang Pregnancy Test? 

Ang sumusunod ay ang dalawang uri ng pregnancy test na makapagtutukoy ng pagkakaroon ng hCG sa katawan. Bago natin sagutin ang tanong kung kailan dapat mag PT, narito muna ang detalye kung paano gamitin ang mga kits. 

Urine Test 

Ang urine test ay isang accessible na uri ng pregnancy test na mabibili over-the-counter. Ito ay maaaring gamitin sa bahay o sa klinika ng doktor. 

Ang mga urine test ay madaling gamitin at nagbibigay ng tamang resulta kung tama ang pagkakagawa. Gayundin, ang ilang pregnancy test kits ay mas sensitibo sa iba at kayang matukoy ang hCG sa ihi bago pa man hindi datnan ng buwanang dalaw ang isang babae. 

May iba’t ibang mga brand ng pregnancy tests sa mga pamilihan, at narito ang tatlong paraan para isagawa ito: 

Pregnancy Dipstick Tests 

  • Hawakan ang strip at itapat ito sa mismong daloy ng ihi sa loob ng 7 hanggang 10 segundo. Kadalasan, ang resulta ay makikita matapos ang 1 hanggang 2 minuto, ngunit ito ay nakadepende sa kung anong brand ang iyong ginagamit. Makalipas ang ilang minuto, ang strip ay magsisimulang magbago ng kulay at ito ang magsasabi kung positibo ba o negatibo sa pagbubuntis. 
  • Para sa dipstick tests na may kasamang sample cup, kolektahin ang ihi sa cup at isawsaw ang test strip sa cup sa loob ng 7 hanggang 10 segundo. Maghintay ng ilang minuto hanggang sa maging handa na ang resulta. 

Dropper Pregnancy Test 

  • Ang dropper pregnancy test kita ay kadalasang may kasamang sample cup, isang dropper, at ang pregnancy reading strip. Para  isagawa ang test, kolektahin ang ihi sa sample cup, pagkatapos ay kumuha ng kaunting sample ng ihi mula sa cup gamit ang dropper at maglagay ng dalawang patak sa reading strip. Pagkatapos nito, maghintay sa loob ng 3 hanggang 5 minuto para sa resulta. Karaniwang ang resulta ay lalabas bilang isang linya para sa negatibo at dalawang linya para sa positibo. 

Blood Test 

Bagaman ang blood test ay mas matagal gawin kaysa sa urine test, mas may katumpakan ito, at kaya rin nitong tukuyin maging ang kakaunting hCG sa katawan nang mas maaga kaysa sa urine test. Ang mga babae ay maaari lamang sumailalim sa blood test sa hospital o sa klinika ng doktor. 

May dalawang uri ng pregnancy blood test na maaaring gawin, ito ay ang: 

  • Qualitative hCG blood test na nagsusuri kung ang pregnancy hormone na hCG ay makikita sa dugo. Sa karamihan ng mga sitwasyon, ang qualitative hCG test ay kasing tumpak ng urine test. 
  • Ang quantitative blood test o beta hCG test ay may kakayahang sukatin ang antas ng hCG sa dugo, at kaya rin nitong alamin ang gestational age o kung gaano na katagal ang pagbubuntis. 

Kailan ang Tamang Panahon para Kumuha ng Pregnancy Test? 

Maraming mga pregnancy test kits na mabibili over-the-counter ang naghahatid ng tumpak na resulta isang araw lamang matapos hindi dumating na buwanang dalaw. Gayunpaman, para sa mas mapagkakatiwalaang resulta, hinihikayat ang pagkuha ng pregnancy test isang linggo matapos ang hindi dumating na buwanang dalaw. 

Ngunit, kung mayroon kang irregular na buwanang dalaw, may mga pregnancy test kit na mabibili na kayang magbigay ng resulta sa pamamagitan ng pagkuha nito matapos ang hindi bababa sa dalawang linggo pagkatapos ng pakikipagtalik. Maaaring mahabang panahon ito, ngunit ang antas ng hCG sa katawan ng babae ay nakikita lamang dalawang linggo matapos ang pagdadalantao. 

Kung ikaw ay gagamit ng home pregnancy test kit, mainam na kunin ito dalawa hanggang tatlong linggo matapos ang pagdadalantao para maiwan ang pagkakuha ng hindi tumpak na resulta. Bagaman ang mga home pregnancy test kita ay 97% hanggang 99% tama, ang pagkuha ng blood test pa rin ang pinakamainam na paraan para kumpirmahin ang pagbubuntis. 

Mga Senyales na Kailangan mong Kumuha ng Pregnancy Test 

Kailan dapat mag PT? Narito ang limang sintomas na makapagsabi sa isang babae na kailangan na niyang kumuha ng pregnancy test: 

Hindi Dumating na Buwanang Dalaw

Ang hindi pagdating ng buwanang dalaw ay kadalasang ang pinaka-karaniwang sintomas ng pagbubuntis. Mas kapansin-pansin ang sintomas na ito kung binabantayan ng isang babae ang kanyang menstrual cycle kada buwan. 

Tandaan na bukod sa pagbubuntis, ang hindi pagdating ng buwanang dalaw ay maaari ding magresulta sa hindi maayos na paraan ng pamumuhay, stress, at hormonal imbalances. 

Malalambot na Dibdib 

Ang pagiging malambot ng dibdib ay maaaring dahil sa pagbabago sa hormones na dulot ng pagbubuntis. Kadalasan, ang mga buntis ay nagsisimulang makaramdam ng pamimigat ng kanilang dibdib, isa o dalawang linggo matapos magdalantao. 

Ang pagiging malambot ng dibdib ay mananatili hanggang sa ang katawan ay makapagprodyus ng progesterone habang lumalaon ang pagbubuntis. Dahil ang pagiging malambot ng dibdib ay isa ring senyales ng parating na buwanang dalaw, ang sintomas na ito ay kadalasang napagkakamalian bilang senyales ng pagbubuntis. 

Mild na Cramps (implantation cramps) 

Ang mga babae ay kadalasang nakararamdam ng pananakit ng puson kapag mayroon silang buwanang dalaw. Gayunpaman, ang mga mild cramps sa ibabang bahagi ng puson at sa ibabang bahagi ng likod ay maaari ding maging indikasyon ng pagbubuntis. 

Ang mga mild cramps na ito o implantation cramps ay nangyayari kapag ang fertilized na itlog ay inilalagay ang kanyang sarili sa uterine lining. Minasan, ang implantation cramps ay sinasamahan ng implantation bleeding na tumatagal sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. 

pregnancy spotting vs miscarriage

Bloating 

Ang bloating ay isang karaniwang sintomas ng premenstrual syndrome o PMS dahil sa hormonal fluctuations kapag may buwanang dalaw. Ngunit bukod sa buwanang dalaw, ang bloating ay isa ring maagang senyales ng pagbubuntis. 

Ang mga pregnancy hormones ay nagpapa-relax sa digestive system na nagiging dahilan ng pagbagal ng pagtunaw ng pagkain. Maaari itong magdulot ng constipation na siyang sanhi ng bloating. Karamihan sa mga babae ay napipilitang tiisin ang bloating mula pa lamang sa first trimester hanggang sa sila ay manganak. 

Nararamdaman mong Buntis ka 

Para sa mga babaeng aktibo sa sekswal na aspeto, ang pagkaramdam ng pagbubuntis ay kadalasang isang maagang senyales ng pagbubuntis. Kapag sinabing pagkaramdam ng pagbubuntis, ito ay kapag ang isang babae ay nagsisimula nang makaramdam ng pagkapagod, pagiging antukin, at pagduduwal nang mas madalas kaysa sa karaniwan. 

Ang mga sintomas na ito ay maaaring hindi lamang indikasyon na pagod ang isang babae mula sa trabaho, kayat hindi magiging kawalan ang pagkuha ng pregnancy test para makasiguro. 

Tandaan

Kailan dapat mag PT at paano gumagana ang pregnancy test kit? Ang mga home pregnancy test kits ay naghahanap ng hCG na makikita sa ihi ng babae. Gayunpaman, ang pregnancy blood test ay mas may katumpakan. Ipinapayo ng mga doktor na ang pinakamainam na panahon ng pagkuha ng pregnancy test ay matapos ang isa o dalawang linggo ng hindi dumating na buwanang dalaw o pagtatalik. 
Gayundin, tandaan na pagkatapos makumpirma ang pagbubuntis sa pamamagitan ng pregnancy test, mainam na pumunta kaagad sa doktor upang makasiguro na ikaw at ang iyong anak ay ligtas at malusog. 

Matuto ng higit pa ukol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pregnancy Tests https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/pregnancy-tests Accessed November 10, 2020

When is the Right Time to Take a Pregnancy Test? https://wexnermedical.osu.edu/blog/best-time-to-take-pregnancy-test Accessed November 10, 2020

How Soon Can I Do a Pregnancy Test? https://www.nhs.uk/common-health-questions/pregnancy/how-soon-can-i-do-a-pregnancy-test/ Accessed November 10, 2020

Pregnancy Test https://medlineplus.gov/lab-tests/pregnancy-test/ Accessed November 10, 2020

Symptoms of Pregnancy: What Happens First https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/symptoms-of-pregnancy/art-20043853 Accessed November 10, 2020

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Perineal Massage At Paano Ito Nakatutulong Sa Buntis?

Herbal Para Sa Buntis: Heto Ang Mga Safe Na Herbs


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement