Have you ever been gaslighted? Hindi ba’t ang traumatic at nakaka-frustrate ang maging biktima nito. Kaya naman people keep asking how to deal with a gaslighter at paano maiwasan na ma-gaslight nila? Dahil hindi biro ang psychological effects nito sa isang tao at maaaring maging dahilan ito ng pagkasira ng mental health ng isang tao.
In addition, according to the experts ang gaslighting ay isang form ng “emotional abuse” at “mental manipulation” na maaaring humantong sa pagtatanong mo sa iyong sariling halaga at kung mali ka sa lahat ng argumento na kinasangkutan mo.
Kung saan maaaring ma-consider na ang isang tao ay biktima ng gaslighting kung nakakaranas siya ng emotional manipulation sa kanyang abuser. Isa ito sa mga senyales ng gaslighting na madalas ay hindi pinapansin ng bawat indibidwal na dahilan ng pagpapatuloy ng abuser sa paggawa ng mental manipulation sa isang tao.
Hindi rin aware ang ibang tao sa konsepto ng gaslighting kaya patuloy itong lumalaganap sa iba’t ibang sitwasyon. Kaya naman, in order to have a deep understanding about gaslighting and how we can avoid it, dapat alamin natin ang mga sign nito.
Patuloy na basahin ang article na ito.
Ano ang gaslighting?
“The person who’s perpetrating it may or may not know they’re doing it, but for the person it’s being done to, it can feel confusing and very damaging. You start to question your self-worth, your self-esteem and your own mental capacity,” pahayag ni Chivonna Childs, PhD, isang psychologist.
Dagdag pa rito, ayon na rin sa iba’t ibang artikulo ang gaslighting ay isang paraan ng pagmamanipula na kadalasang nagaganap sa mga mapang-abusong relasyon. Ito ay isang “covert type” ng emosyonal na pang-aabuso kung saan mini-mislead ng bully o abuser ang target. Kung saan lumilikha ang abuser ng isang false narrative na dahilan upang pagdudahan ng biktima ang kanilang mga paghatol at katotohanan.
5 Senyales ng gaslighting ayon kay Dr. Kilimanguru
Ayon kay Winston Tiwaquen, MD isang general practitioner na kilala rin bilang Dr. Kilimanguru may 5 senyales ng gaslighting na pwede natin makita sa isang gaslighter, narito ang mga sumusunod na signs na mapapanood rin sa kanyang reels sa facebook:
- pinipilit mo na ikaw ang tama pero ‘di mo naman tinatanggap kung ano ang facts o ang perspective ng iba;
- binabaluktot mo ‘yung kwento para mapagbintangan ang ibang tao;
- lagi mo na lang sinasabi na “masyado ka namang sensitive” at iniinvalidate ang nararamdaman ng iba;
- pinipilit mo may sinabi o ginawa ang isang tao kahit alam mong hindi naman totoo ‘yun; at
- dine-deny mo na may nagawa ka o nasabi ka kahit klarong-klaro ang ebidensya
Dagdag pa ni Dr. Kilimanguru, ang gaslighter ay madalas na ayaw mag-take ng accountability ng kanilang sariling mga salita at aksyon.
Bakit nagaganap ang gaslighting?
Maaaring kasama sa gaslighting ang isang hanay ng mga taktika gaya ng mga sumusunod:
- pagsisinungaling
- pang-aabala
- pagtanggi
- paninisi
Nangyayari madalas ang gaslighting dahil sa karaniwang layunin ng gaslighter na magmanipula at mangontrol. Ang ganitong uri ng natutunang pag-uugali ay kadalasang nag-uugat sa psychopathy o isang personality disorder tulad ng narcissistic, antisocial, at borderline, ayon sa artikulo ni Sherri Gordon na minedikal rebyu ni Ami Morin.
Paano iwasan ang gaslighting?
Maaari mong maiwasan ang gaslighter at ang kanilang pagmamanipula sa pamamagitan ng pag-alam ng mga senyales ng gaslighting. Ang pagiging malay sa bagay na ito ay makakatulong para mapangalagaan ang iyong mental health at hindi mo kwesyunan ang iyong self-worth. Dahil ang primary goal ng gaslighter madalas ay pagmukain ka na mali at may pagkukulang.
Sa oras na mabiktima ka ng gaslighter, maaari kang makaranas ng depresyon at pagkabalisa dahil sa negative impact ng kanilang mental at emotional manipulation.