backup og meta

Anu-ano Ang Mga Dapat Tandaan Sa Pagpili Ng Therapist?

Anu-ano Ang Mga Dapat Tandaan Sa Pagpili Ng Therapist?

Isang big decision ang pagpili ng therapist dahil ang pakikipagtulungan mo sa kanila ay maaaring maging isang mahalagang bahagi ng pagbawi ng iyong buhay at pagpapanatili ng kagalingan. Dahil ang therapist na kailangan ng bawat isa ay isang tao na tutulungan tayo na i-recognize ang ating pinagdadaanan at matutunan na harapin ito. Sila rin ang mga tao na inaasahan na gagabay sa ating pag-unlad nang hindi hinuhusgahan ang ating mga paghihirap.

Ang mga unang bagay na nabanggit tungkol sa therapist ang ilan sa mga dahilan bakit mahalaga na makahanap tayo ng angkop na therapist para sa atin. Kaya naman narito ang ilang mga tip sa mga dapat tandaan kung paano pumili ng therapist.

4 Tips Sa Pagpili ng Therapist

Ang therapy na may mahusay na therapist ay kabilang sa mga pinakakapaki-pakinabang at epektibong paraan upang maka-recover ka mula sa iyong mga pinagdadaanan sa buhay. Sa pagpili ng therapist na kailangan mo, maraming factor ang dapat na isaalang-alang gaya ng kanilang espesyalidad, personalidad, gastos, at pag-iiskedyul para maging matagumpay ang iyong paglalakbay sa pagpapagaling. 

Kaya naman upang matulungan ka narito ang mga dapat tandaan sa pagpili ng therapist:

1. Pag-consider ng kanilang academic at professional background

Ang lahat ng mga therapist ay inaasahang dumaan sa akademiko at klinikal na pagsasanay, para maging kapaki-pakinabang sila sa mga taong nangangailangan ng kanilang tulong — at mas maunawaan ang kanilang pinagdadaanan.

Para malaman ang higit pa tungkol sa akademiko at propesyonal na mga kwalipikasyon ng isang therapist, pwede mong tingnan ang kanilang impormasyon sa website. Mahalaga na malaman mo ang kanilang mga espesyalisasyon upang malaman mo kung sila ba ang pinakaangkop para sa iyong mga pangangailangan.

2. Pag-validate ng kanilang lisensya

Sa panahon ngayon marami na ang manloloko kaya mas maganda kung masigurado mo na tunay ang lisensya ng iyong therapist, lalo na ikaw ay magbabayad sa kanilang serbisyo. Lagi mo ring tandaan na ang lisensya ay mahalagang patunay ng mga kredensyal at kredibilidad ng isang therapist. 

Ang isang mahusay na therapist ay inaasahang magkaroon ng lisensya, at ito ay ipinapakita kung saan sila nagtatrabaho. Dahil ito ang isa mga patotoo na sila ay isang mapagkakatiwalaang propesyonal. 

Sa pangkalahatan din, ang mga lisensyadong therapist ay kinikilala ng estado bilang nasa mabuting katayuan. Sapagkat sila ay inaasahan na magpapakita ng kanilang kakayahan at pagsunod sa batas at sa pinakamataas na pamantayan ng “code of professional ethics covering their practice.”

3. Therapist’s Personal Qualities

Bagama’t hinihikayat at hindi dapat personal na magkakilala ang therapist at pasyente, mahalaga pa rin na ikonsidera ang pag-uugali ng isang therapist para sa pagiging komportable ng pasyente sa bawat sesyon. 

Maaari mong maramdaman na siya ang therapist na para sa’yo kung malaya kang nakapagpapahayag ng iyong tunay na nararamdaman dahil sa kanyang mapagkakatiwalaang pag-uugali. Maaaring makita mo ito sa anyo ng pag-aalala, at pagprotekta ng iyong mga impormasyon.

Ang magandang relasyon ng therapist at pasyente ay nakapagpapataas ng tsansa na maging mabisa ang bawat session.

4. Halaga ng pagbabayad

Isa ito sa dapat mong ikonsidera sa kung paano pumili ng therapist. Kaya kapag sa palagay mo ay nakahanap ka ng isang therapist na maaaring makatulong sa iyo o sa taong malapit sa’yo. Huwag kang mahiya na magtanong tungkol sa “cost of therapy”, makakatulong ito para makapaghanda ka sa bayarin o mas mapag-isipan pa kung siya na ba talaga ang taong hihingan ng tulong.

Payo mula sa mga doktor

Ang pangangalaga sa emotional at mental health ay isang mahusay na hakbang para mapabuti ang overall health ng isang indibidwal. Kaya naman ang pakikipag-usap sa isang therapist ay makakatulong upang maunawaan ang sariling damdamin at pinagdadaanan. Tandaan mo rin na ang pag-unawa sa mga emosyon na nararanasan ay makakatulong para maproseso ito, at makamit ang paggaling mula sa mga masasakit na alaala at trauma. Huwag kang mahiya sa paghingi ng tulong lalo’t hindi naman nakakahiya ang pagkakaroon ng mental health issues. Mas makakabuti na humingi ka ng tulong para matulungan kang makabangon muli sa buhay. Ang simpleng pag-alam din ng mga dapat tandaan sa pagpili ng therapist ay malaking bagay rin upang makasigurado na magiging ligtas at confidential ang iyong mga datos at pagkuha ng treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How To Choose a Therapist, Counselor, & Psychologist, https://www.choosingtherapy.com/how-to-choose-a-therapist/ Accessed January 31, 2023

How To Choose Psychologist, https://www.apa.org/topics/psychotherapy/choose-therapist Accessed January 31, 2023

How To Choose The Best Therapist Or Counselor for You, https://www.goodtherapy.org/blog/how-to-find-a-therapist/ Accessed January 31, 2023

10 Questions to ask when choosing therapist, https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/10-questions-to-ask-when-choosing-a-therapist Accessed January 31, 2023

Patient-Provider Therapeutic Alliance Contributes to Patient Activation in Community Mental Health Clinics, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5735851/ Accessed January 31, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Emosyonal At Pisikal Na Sintomas Ng Social Anxiety, Ayon Kay Dr. Willie Ong?

6 Na Trauma Na Posibleng Makuha Dahil Sa Pagiging Doktor


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement