Matapos manganak at dumaan sa siyam na buwang punong-puno ng mga pagbabago sa katawan, ang mga bagong ina ay maaaring magkaroon ng maraming iniisip. Ang mga ito, kasabay ng pagbabago sa hormones dahil sa pagbubuntis, ang dahilan kung bakit ang mga ina ay nakararanas ng Postpartum o Puerperal Psychosis. Bagaman mas kilala ang depression sa panahon ngayon, ang psychosis, sa kabilang banda, ay lubos na maselang mental kondisyon na dapat gamutin agad sa oras na makita o mapansin ng mga miyembro ng pamilya. Alamin pa kung ano ang puerperal psychosis dito.
Hindi magkapareho ang puerperal psychosis sa pagkabaliw o pagiging aloof. Kung hindi makokontrol agad, maaari itong ikamatay ng ina at ng bata. May magkakaibang salik na nagsasama-sama na maaaring ma-diagnose bilang puerperal psychosis. Kaya naman mahalagang maunawaan kung ano ang mga senyales na dapat makita at paano ito makokontrol.
Tingnan natin kung ano ang puerperal psychosis:
Pagkakaiba ng Puerperal Depression sa Puerperal Psychosis
Ang malaking pagkakaiba ng psychosis at depression ay nawawala sa realidad ang may psychosis. Ibig sabihin, ang taong nakararanas ng anumang uri ng psychosis ay nagha-hallucinate o nagkakaroon ng realidad na iba sa mga taong nasa paligid niya. Nagkakaroon ng maling akala at madalas na nauuwi sa malalang sitwasyon.
Ano ang puerperal psychosis? Ang ibig sabihin ng puerperal psychosis ay nalulungkot o hindi masaya ang bagong ina sa bagong dagdag na ito sa kanyang buhay at ang kalungkutang ito ay nauuwi sa nakapipinsalang mga iniisip. Maaaring mauwi sa permanenteng pinsala sa utak ang puerperal psychosis kung hindi magagamot agad nang tama. Nakadepende sa tiyak nitong kondisyon ang gamutan. Magkakaiba ang gamutan sa bawat babae.
Ang postpartum depression naman sa kabilang banda, ay kapag palaging hindi motivated, malungkot, mapanglaw, miserable, at sobrang nagsisisi na nagkaroon ng anak ang isang ina. Ang mga sintomas nito ay pwedeng lumitaw kahit pagkatapos pa lang ng isang buwan matapos manganak. May suicidal tendencies din ang mga babaeng may postpartum depression.
Parehong pwedeng mag-overlap sa ilang punto ang puerperal psychosis at postpartum depression. Hindi mapangalanan ng mga eksperto ang yugtong ito at hindi rin kailangang dumaan sa alinman o sa parehong sitwasyon ang mga babae. Ngunit kung makita mo ang mga sumusunod na sintomas na talata sa ibaba, agad na kumonsulta sa psychiatrist.
Mga Sintomas ng Puerperal Psychosis
Maaaring maging pareho ang mga sintomas ng puerperal psychosis sa postpartum depression at postpartum blues. Kaya naman makatutulong sa iyo ang paghingi ng tulong para sa kondisyong ito ang pakikipag-usap sa therapist at psychiatrist:
- Palaging malungkot
- Guilt
- Mapanglaw at pamali-maling pagkilos
- Insomnia
- Matinding pagkapagod
- Walang gana
- Pagkalito
- Hallucination at delusional actions
- Hindi malapit sa bata o walang koneksyon sa bata
- Naiirita at pagkabalisa
- Iregular ang pagkain at matinding pagbabago sa ganang kumain
- Pakiramdam na walang emosyon
- Marahas at nakapipinsalang mga iniisip
Ang mga episode ng puerperal psychosis ay pwedeng magkapareho sa taong may bipolar disorder. Ito ay dahil halos nabubuhay ang ina sa negatibong mundo ng pantasya na may agresibong pag-iisip na maaaring makapanakit sa sanggol. Lahat ng nabanggit sa itaas na mga sintomas ay maaaring mauwi sa mas mapanganib na mga sitwasyon.
Diagnosis ng Puerperal Psychosis
Tanging mga psychologist at psychiatrist lamang ang dapat na mag-diagnose ng puerperal psychosis. Depende sa kung gaano kalubha ang problema at kung kailangan ng mga gamot para dito.
Dahil hindi makontrol ang thyroid level pagkatapos manganak, ito ang titingnan ng doktor. Ang mga problemang ito sa hindi makontrol na mood ay maaaring epekto rin ng thyroid hormones.
Sa prosesong ito ng diagnosis, malaki ang tsansang tanungin ng doktor ang mga bagong ina ng mga tanong tungkol sa kasalukuyan nitong nararamdaman. Ipinapayong sabihin sa doktor ang anumang nararamdaman mo at huwag mahiya. Ang wastong diagnosis ay makatutulong sa iyo paglaon at maaaring makapagligtas sa relasyon mo sa iyong anak.
Isa pang paraan ng diagnosis para sa puerperal psychosis ay sa pamamagitan ng depression o psychosis test. Tutukuyin nito ang tindi ng kondisyong ito. Mga routine questions ito, na nagsusuri kung gaano kalalim ang iyong problema at anong gamutan ang maaaring ibigay sa iyo.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na wala sa mga nabanggit sa itaas na virtual at actual test ang nakapanghahamak sa anumang paraan. Ang mga counsellor at psychiatrist ang palaging pinakamagandang lapitan upang matulungan kang solusyunan ang problema. Problemang maaaring maging sanhi ng permanenteng pinsala.
Mga Panganib
Minsan, dahil sa umiiral na mga salik, mayroong mas mataas na tsansang magkaroon ng puerperal psychosis ang mga babae. Maaari itong mauwi sa pagbabago sa mood na susundan ng malungkot at walang kasigla-siglang pakiramdam. Ito ang mga unang dapat maisulat ng sinuman sa miyembro ng pamilya, at tanungin ang buntis sa kanyang family history.
Ang mga sumusunod ang posibleng makapagpatindi ng mga panganib ng puerperal psychosis:
- History ng pamilyang may bipolar disorder. Isa itong genetic disorder na mayroon ang pamilya.
- May history ang pamilya ng schizophrenia o pre-condition ng schizophrenia.
- Puerperal psychosis o depression sa unang pagbubuntis
- Kapag tumigil ang buntis sa pag-inom ng gamot para sa anumang mental issue
Mga Gamutan para sa Puerperal Psychosis
Maraming mga paraan kung paano isasagawa ang gamutan para sa puerperal psychosis. Ito ang in-the-hospital treatment, gamot na iinumin sa bahay, therapy, at ECT.
Sa ospital
Dahil nakikita ang puerperal psychosis sa loob ng unang tatlong linggo mula manganak, maaaring simulan ang gamutang ito sa ospital.
Kung makita agad, maaaring paghiwalayin ng kuwarto ang ina at ang sanggol hanggang sa maging maayos na ang ina. Hindi ibig sabihin nito na paglalayuin sila sa mahabang panahon. Makikita ng mga ina ang kanilang mga anak araw-araw.
Mga Gamot
May iba’t ibang uri ng gamot na ginagamit upang gamutin ang puerperal psychosis. Ito ang mga antipsychotic drug, antidepressant, at mood stabilizer. Ginagamit ito at kino-customize depende sa kondisyon. Ipinapakiusap na kumonsulta muna sa doktor bago gumamit ng alinman sa tatlong nabanggit.
Therapy
Ang psychotherapy ang pinakakaraniwang paraan ng gamutan para sa mga mental condition tulad ng puerperal psychosis. Ang pakikipag-usap sa isang neutral person o tagapamagitan ay maaaring makatulong na maresolba ang maraming hindi masabing mga usapin, at makapagbibigay ng pagbabago sa mga ikinikilos. Bago maggamot, tanungin ang iyong doktor kung ang psychotherapy ang dapat unang maging hakbang sa paggaling.
ECT o Electroconvulsive Therapy
Gumagamit ang prosesong ito ng electromagnetic stimulation upang balansehin ang mga kemikal sa utak na nagulo. Kaya lamang, ito ay huling option na at ginagawa lamang para sa mga may malubhang depression o kaso ng psychosis.
Kailangang palaging tingnan ng pamilya ang ina. Makatutulong ito upang makita ang mga senyales ng paglitaw ng puerperal psychosis at mahuli ito nang maaga.
Kaya naman, pansinin ang anumang hindi karaniwan habang nanganganak at tiyaking maipapaalam ito sa doktor. Ito ang magliligtas sa ina at sa sanggol.
Matuto pa tungkol sa pagkontrol ng postpartum dito.