Ang pagiging isang mommy ay maituturing na “magical moment” sa buhay ng babae — kung saan inaasahan ng bawat ina ang pagkakaroon ng “lukso ng dugo” sa mga anak. Ngunit, paano na lamang kung wala kang maramdamang lukso ng dugo sa kanila? Nangangahulugan ba na sila ay hindi mo tunay na anak?
Sa pagiging ina, maraming damdaming ang nakaabang na maaari mong maranasan. Mahalaga para sa mommies na maramdaman ang lukso ng dugo. Dahil para sa kanila at sa ibang tao, isa ito sa mga patunay ng matinding pagmamahal at koneksyon sa mga anak.
Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa lukso ng dugo.
Ano Ang Maternal Ambivalence?
Ang mga damdaming nararamdaman ng isang babae nauugnay sa karanasan ng pagiging isang ina ay komplikado.
Ayon pa sa mga eksperto, ang tawag sa extreme emotion conflict na nararamdaman ng isang ina sa kanyang anak ay tinatawag na “maternal ambivalence,” mula sa matinding pagmamahal at affection hanggang sa frustration at galit. Maaari itong maranasan ng isang ina sa iisang pagkakataon.
Ipinakita rin sa published data ng National Library of Medicine na ang 40% ng mga ina nanganak ng isang sanggol at 25% na nanganak ng higit pa sa isang sanggol, ang nagsabi na “feeling indifferent” o wala silang maramdamang malasakit sa kanilang baby sa una. Sa madaling sabi, walang lukso ng dugo. Ngunit ayon sa mga eksperto ang ganitong pakiramdam o maternal ambivalence ay normal lamang.
Relasyon Ng Maternal Instinct Sa Lukso Ng Dugo
Ang paniniwala ng karamihan ay ang babae ay may “maternal instinct” — kung saan ito ang nagpapahintulot sa kanila para natural na maalagaan ang anak. Ang nosyon at paniniwalang ito ay naging permanente, dahil sa kawalan ng bukas na talakayan para rito at sa pagkakaroon ng mixed emotions sa pagiging ina. Nakadagdag pa rito na ang rosier side ng motherhood ay “walang katapusan” na ipinakita sa’ting social media feeds. Kaya’t lalong lumalaki ang mga bagay na inaasahan na maramdaman ng isang ina sa kanyang anak. Bilang isang ina, pinaniniwalaan na dapat nararamdaman nila ang pangangailangan ng isang anak.
Dagdag pa ni Dr. Catherine Monk, isang psychologist at propesor, ang maternal instinct ay tumutukoy sa otomatikong innate knowledge at set of caregiving behaviors ng isang ina.
Ayon pa kay Dr. Iyer, ang lipunan ngayon ay madaling nakapagbibigay ng label sa unnatural feelings na mga ina. Sinasabi na ito ay mali dahil bilang isang ina inaasahan na ikaw ay may consistent feeling of fulfillment sa’yong motherhood journey. Ang ganitong pagla-label ay nagreresulta ng “guilt o pagkahiya” ng mommies. Iniisip nila na may mali sa kanila bilang isang ina dahil sa standard na na-set ng lipunan. Sa pagkakaroon ng maternal instinct, kinakailangan dapat na makaramdam sila ng lukso ng dugo sa anak — lalo sa panahon naipanganak na sila.
Pero lagi pa ring tandaan na ayon sa mga eksperto NORMAL lang sa isang ina na hindi makaramdam ng lukso ng dugo o maternal ambivalence. Kung wala ka mang maramdamang lukso ng dugo sa’yong anak hindi ibig sabihin nito ay hindi mo sila anak.
Bakit Nga Bang May Mga Ina Na Hindi Maramdaman Ang Lukso Ng Dugo Sa Anak?
Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “An Exploration of the Ways in Which Feelings of ‘Maternal Ambivalence’ Affect Some Women” nakita sa pananaliksik na ang babaeng nakaranas ng pagkawala ng kalayaan at confidence noong sila ay maging ina ay konektado sa maternal ambivalence. Sinasabi na ang mga ganitong karanasan ay nauugnay sa “pagkawala ng sarili” o “loss of self”. Maaari itong magresulta sa mga hindi ginustong damdamin at sama ng loob sa sarili at sa kanilang mga anak.
Dahil din dito, sinasabi na pwede rin nila maranasan ang hindi inaasahang pakiramdam ng pagkabagot at anxiety sa pagiging ina, ayon sa pag-aaral. Ito ang isa sa dahilan kung bakit kung minsan ay walang maramdamang lukso ng dugo ang isang ina sa anak.
Paano Nalalagpasan Ng Isang Ina Ang Pagsubok Na Dala Ng Maternal Ambivalence?
Ang mga ina ay maaaring maranasan ang “reemergence of self” sa paglipas ng panahon. Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng kanilang abilidad na simulan ang sarili na balansehin at tanggapin ang kanilang ambivalent feelings sa pagiging ina. Sa ganitong klaseng paraan ay nalalagpasan ng isang ina ang hamon ng maternal ambivalence.
Ano Ang Tulong Na Maaaring Ibigay Sa Mga Ina Na Dumadaan Sa Hamon Ng Maternal Ambivalence?
Narito ang mga mahahalagang tulong na maaaring ibigay para malagpasan ang pagsubok na dala ng maternal ambivalence:
- Pag-normalize ng mismong lipunan na okay lang na walang maramdamang lukso ng dugo sa bagong panganak na baby at anak.
- Pag-validate ng kanilang mga nararamdaman na ang maternal ambivalence ay natural at pangkaraniwan.
- Pagsuporta ng kanilang asawa sa lahat ng aspeto.
- Paghingi ng tulong sa mental health practitioner (espesyalista sa pagbubuntis at pagiging ina).
Key Takeaways
Ang pagbubuntis at panganganak ay hindi biro. Isa itong proseso na sumusubok sa pagkababae at pagiging ina ng isang indibidwal. Laging tandaan na hindi dahil wala kang maramdamang lukso ng dugo sa’yong anak ay hindi mo na sila anak. Ang mga hindi ginustong damdamin na ito ay maaaring dulot ng iyong mga karanasan sa pagiging ina. Mainam na humingi ng suporta sa mga mapagkakatiwalaang tao at iyong doktor para sa mga payo at rekomendasyon na iyong kinakailangan.
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Ina dito.