backup og meta

Glutathione Habang Breastfeeding, Ligtas Ba Sa Ina At Baby?

Glutathione Habang Breastfeeding, Ligtas Ba Sa Ina At Baby?

Matapos ang panganganak, maaari mong mapansin ang mga pagbabago sa iyong balat. Dahil dito, naisip mong manumbalik sa pag-inom ng glutathione upang gumanda muli ang iyong kutis. Ngunit, bago mo ito ituloy, bigla kang napatanong ligtas ba ang paggamit ng glutathione habang breastfeeding para sa iyo at para sa iyong anak. Halina’t talakayin natin ito. 

Ano Ang Glutathione?

Bago tayo tumungo sa bisa at kaligtasan ng paggamit ng glutathione habang breastfeeding, kilatisin muna natin kung ano ang glutathione at para saan talaga ito. 

Bagaman maraming kumikilala sa glutathione bilang sangkap na pampaputi, marami pa itong ginagawa sa iyong katawan higit pa sa pagpapaputi lamang. 

Ang glutathione ay tumutukoy sa isang tripeptide na binubuo ng tatlong amino acid (cysteine, glutamic acid, at glycine). Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa mammalian tissue. Maraming ginagampanang papel ang glutathione sa katawan, kabilang ang mga sumusunod:

  • Antioxidant
  • Free radical scavenger
  • Detoxifying agent

Bukod pa rito, ilang mga pag-aaral at pananaliksik ang nagbahagi kung paano nakatutulong ang naturang compound sa iba’t ibang kondisyon.

  • Pag-iwas sa pag-unlad ng cancer sa katawan
  • Pagbawas ng cell damage sa liver disease
  • Pagpapabuti ng insulin sensitivity sa diabetes
  • Pagbawas ng ulcerative colitis damage
  • Pagbawas ng sintomas ng Parkinson’s disease
  • Paggamot ng autism spectrum disorders
  • Pagbawas ng mga sintomas ng respiratory disease
  • Paglaban mula sa mga autoimmune disease

Ilan lang ito sa mga posibleng dahilan kung bakit interesado ang ibang mga nanay sa pag-inom ng glutathione habang breastfeeding. 

Ligtas Ba Ang Pag-Inom Ng Glutathione Habang Breastfeeding?

Sa katotohanan, isang malaking katanungan pa rin kung posible bang uminom ng glutathione habang breastfeeding ang bagong ina. Walang sapat na pag-aaral na nagbibigay pahintulot sa mga ina na ituloy ito. 

Ngunit, nabanggit ng isang pananaliksik na nakatatanggap ang mga sanggol ng glutathione mula sa gatas ng kanilang ina. Para sa mga bagong silang, ang breastmilk ang nagiging mahalagang pinagmumulan ng kanilang dietary glutathione na siyang kailangan nila sa buhay.  Isang bagay na maaari nating isaalang-alang sa diskusyon na ito.

Dapat ding makonsidera kung ang nanay ay sensitibo sa pag-inom ng oral glutathione. Kung kaya, mainam na konsultahin ang iyong doktor tungkol dito. Maaaring payagan ka niya basta hindi ito makakaapekto sa kasalukuyang kondisyon mo at ng iyong anak. Kung hindi man, maaari ka rin niyang alukin ng alternatibo para rito. 

Paano Pataasin Ang Glutathione Levels Sa Natural Na Paraaan

Kung nais mo talagang magkaroon ng glutathione habang breastfeeding hindi lang para sa iyong sarili kundi para na rin matanggap ng iyong sanggol ang nasabing nutrisyon, maaari mo namang ikonsidera ang pagsasagawa nito sa natural na paraan. 

Kumain Ng Mga Pagkain Na Sagana Sa Sulfur

Ang sulfur ay nagaganap sa ilang amino acid, kabilang ang methionine at cysteine. Ang dalawang ito ay kinikilala bilang mga precursor para sa glutathione, samakatuwid nag-aambag sa synthesis nito.

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga kabute ay kabilang sa mga pinakamahalagang pinagmumulan ng glutathione at ergothioneine, na ang huli ay isang sulfur amino acid. Gayunpaman, ang mga antas ng mga compound na ito ay maaaring mag-iba nang malaki depende sa mga partikular na kabute.

Bukod sa kabute, maaari ka ring kumain ng mga sumusunod:

Mag-Ehersisyo

Alam mo ba na makatutulong ang pag-eehersisyo upang matamasa ang glutathione habang breastfeeding? Sa katunayan, inirerekomenda ito ng ilang mga doktor sa kanilang pasyente upang masuportahan ang pisikal at mental na kalusugan ng bagong ina. 

Iminumungkahi rin ng pananaliksik na ang ehersisyo ay mabisa sa pagbabawas ng oxidative stress sa pamamagitan ng pagtaas ng mga glutathione levels. Sa isang pag-aaral noong 2014, naobserbahan ng mga mananaliksik na ang mga matatanda na lumahok sa regular na pisikal na aktibidad sa buong buhay nila ay mayroong mas mataas na antas ng glutathione.

Key Takeaways

Higit sa pagiging mabisa na pampaputi, gumaganap ang glutathione ng ilang mahahalagang tungkulin upang masuportahan ang pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Ngunit, dahil ito ay bumababa habang tumatanda, nangangailangan ng ibang mga pagkukunan nito. Ang pagkain ng mga pagkaing sagana rito at pag-eehersisyo ay mainam upang mapanatili ang sapat na antas nito. 
Kausapin ang iyong doktor kung interesado kang uminom ng oral glutathione habang breastfeeding upang malaman kung ligtas ito. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Pagiging Ina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Glutathione, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-drug/def/glutathione, Accessed July 5, 2022

Human breastmilk storage and the glutathione content – N A Ankrah, R Appiah-Opong, C Dzokoto, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/10822938/, Accessed July 5, 2022

Glutathione: a key player in autoimmunity – Carlo Perricone, Caterina De Carolis, Roberto Perricone, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19393193/, Accessed July 5, 2022

Psoriasis Improvement in Patients Using Glutathione-enhancing, Nondenatured Whey Protein Isolate: A Pilot Study – Ronald Prussick, Lisa Prussick, Jimmy Gutman, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24155989/, Accessed July 5, 2022

Glutathione metabolism in type 2 diabetes and its relationship with microvascular complications and glycemia – Fallon K. Lutchmansingh, Jean W. Hsu, Franklyn I. Bennett, Asha V. Badaloo, Norma McFarlane-Anderson, Georgiana M. Gordon-Strachan, Rosemarie A. Wright-Pascoe, Farook Jahoor, Michael S. Boyne, https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0198626, Accessed July 5, 2022

The relationship between the level of glutathione, impairment of glucose metabolism and complications of diabetes mellitus – Ismail Hakki Kalkan and Murat Suher, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3817774/, Accessed July 5, 2022

The Antioxidant Role of Glutathione and N-Acetyl-Cysteine Supplements and Exercise-Induced Oxidative Stress – Chad Kerksick and Darryn Willough, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2129149/, Accessed July 5, 2022

Glutathione supplementation improves oxidative damage in experimental colitis – C Loguercio, G D’Argenio, M Delle Cave, V Cosenza, N Della Valle, G Mazzacca, C Del Vecchio Blanco, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/14563185/, Accessed July 5, 2022

A clinical trial of glutathione supplementation in autism spectrum disorders – Janet K. Kern, David A. Geier, James B. Adams, Carolyn R. Garver, Tapan Audhya, and Mark R. Geier, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3628138/, Accessed July 5, 2022

Glutathione Metabolism and Parkinson’s Disease – Michelle Smeyne and Richard Jay Smeyne, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3736736/, Accessed July 5, 2022

Role of Glutathione in Cancer Progression and Chemoresistance – Nicola Traverso, Roberta Ricciarelli, Mariapaola Nitti, Barbara Marengo, Anna Lisa Furfaro, Maria Adelaide Pronzato, Umberto Maria Marinari, and Cinzia Domenicotti, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3673338/, Accessed July 5, 2022

Efficacy of glutathione for the treatment of nonalcoholic fatty liver disease: an open-label, single-arm, multicenter, pilot study – Yasushi Honda, Takaomi Kessoku, Yoshio Sumida, Takashi Kobayashi, Takayuki Kato, Yuji Ogawa, Wataru Tomeno, Kento Imajo, Koji Fujita, Masato Yoneda, Koshi Kataoka, Masataka Taguri, Takeharu Yamanaka, Yuya Seko, Saiyu Tanaka, Satoru Saito, Masafumi Ono, Satoshi Oeda, Yuichiro Eguchi, Wataru Aoi, Kenji Sato, Yoshito Itoh, and Atsushi Nakajima, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5549431/, Accessed July 5, 2022

Glutathione in foods listed in the National Cancer Institute’s Health Habits and History Food Frequency Questionnaire – D P Jones, R J Coates, E W Flagg, J W Eley, G Block, R S Greenberg, E W Gunter, B Jackson, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1574445/, Accessed July 5, 2022

Roles of sedentary aging and lifelong physical activity in exchange of glutathione across exercising human skeletal muscle – Michael Nyberg, Stefan P. Mortensen, Helena Cabod, Mari-Carmen Gomez-Cabrera, Jose Viña, Ylva Hellsten, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S089158491400224X?via%3Dihub, Accessed July 5, 2022

Oxidation Resistance of the Sulfur Amino Acids: Methionine and Cysteine – Peng Bin, Ruilin Huang, and Xihong Zhou, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5763110/, Accessed July 5, 2022

Glutathione! – Joseph Pizzorno, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4684116/, Accessed July 5, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Kahalagahan Ng Breastfeeding: Bakit Ang Breast Milk Ay "Best" Sa Mga Baby

Benepisyo ng Breastfeeding Para Kay Mommy, Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement