Cesarean Section
Ang cesarean section, o ang C-section, ay isa pang kilalang paraan ng panganganak. Dito, isinasagawa ang operasyon sa tiyan ng ina, sa lugar ng matris upang maipanganak ang sanggol.
Bagama’t maaari itong planuhin weeks ahead para sa naka-iskedyul na c-section, posible ring maging abdominal delivery sa oras ng pagsubok ng labor. Maaaring ito ay dahil ang cervical dilatation ay hindi umuusad o ang ulo ng sanggol ay hindi bumababa. Habang nasa panganganak, maaari ding bumaba ang tibok ng puso ng sanggol. May mga dahilan kung bakit pinipili ng ilan ang isang c-section. Madalas ito ay ginagamit dahil sa mga kadahilanang medikal.
Ang mga babaeng na-cesarean na ay pinapayuhan na gawin din ito para sa mga susunod na panganganak. Ito ay kung ang naunang indikasyon para sa CS ay ganoon din (maliit na pelvis, malpresented baby, inunan na tumatakip sa birth canal atbp.). Karaniwang mas mahabang oras ang recovery ng mga nagkaroon ng c-section delivery kaysa sa vaginal delivery. May posibilidad din na ang peklat mula sa operasyon ay makikita lalo na kung ang ina ay madaling magkaroon ng keloid.
Assisted Home Birth
Ang isa pang paraan ng delivery ay ang assisted home birth. Ito ay karaniwang panganganak sa loob ng iyong sariling bahay. May midwife o tradisyonal na hilot na tumutulong sa iyo sa buong proseso.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap