backup og meta

Masturbation Habang Buntis: Safe Ba Ito Para Sa Fetus?

Masturbation Habang Buntis: Safe Ba Ito Para Sa Fetus?

Maraming mga buntis ang nahihiya na pag-usapan ang tungkol sa masturbation habang buntis. Ang ilan ay nangangamba kung ligtas ba ang masturbation habang buntis? Ano ba ang mga epekto ng masturbation sa maagang pagbubuntis? At maaari bang magsimula ng labor ang masturbation?

Lingid sa alam ng nakararami, ang masturbation habang buntis ay nakapagbibigay ng maraming benepisyo sa parehong nanay at fetus. Gayunpaman, ang mga buntis ay kailangan ding mag-ingat at tandaan ang ilang mga problemang pwedeng maidulot nito.

[embed-health-tool-ovulation]

Masturbation Habang Buntis: Ayos Lang Ba?

nakakabuntis ba ang first time

Ang ilang mga babae ay maaaring makaranas ng pagbaba ng sex drive habang buntis. Samantala, marami sa mga nagbubuntis ang nakararamdam ng pagtaas ng sex drive dahil sa hormones tulad ng estrogen at progesterone na mas mataas kaysa sa normal habang nagbubuntis.

Gayunpaman, ang mga kapareha ay hindi laging maibibigay ang iyong pangangailangan. Ang ilan ay maaaring natatakot na makipagtalik habang buntis dahil sila ay nangangamba na masaktan ang baby o ang kanilang kapareha. Kaya’t ating alamin, maaari nga bang mag-masturbate ang mga buntis?

Base sa ilang pag-aaral, ang mga buntis ay maaari pa ring mag-masturbate. Ang masturbation habang buntis ay kinokonsiderang ligtas dahil hindi nito naaapektuhan ang baby at hindi nagbibigay ng pressure sa katawan, maliban na lamang kung maselan ang pagbubuntis ng isang ina.

Bilang karagdagan, marami sa mga babae ang nagsasabi na ang “masturbation habang nagbubuntis” ay epektibo sa pagpapababa ng stress.

Ang ilang mga babae ay nakararanas ng cramping matapos ang orgasmic sex o masturbation. Ang sensation na ito ay kaugnay ng muscle contraction at maaaring mag-trigger ng Braxton Hicks contractions, o uterine contractions (na hindi senyales ng totoong labor) na paunti-unti ring mawawala.

Ano Ang Benepisyo ng Masturbation Habang Buntis?

Ang masturbation habang buntis ay nakatutulong na mawala ang hindi komportableng sintomas ng pagbubuntis tulad ng:

Maliban sa mga ito, ang masturbation habang buntis ay nakapagbibigay rin ng mga benepisyo tulad ng:

1. Maaaring makapagbigay ng intense na pleasure ang masturbation

sex sa first trimester

Ayos lang bang mag-masturbate habang nagbubuntis? Kung nasa isip mo na ang orgasms ay magandang bagay para mas mapalapit sa iyong partner, ganun din ang self-love. Ito ay mas umiigting. Ang ilang eksperto ay ipinaliwanag na kung ang buntis ay nag-masturbate, ang mataas na daloy ng dugo sa ari at ang dagdag na hormones na napo-produce sa katawan dulot ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng orgasm na mas masarap pa kaysa sa normal.

2. Maaaring magpadagdag ng oxytocin

Ang hormone na oxytocin ay may abilidad na mapabuti ang mood at psychological na kalusugan, na nakatutulong sa mga buntis na ma-overcome ang ups at downs na maaaring maranasan habang nagbubuntis. Ang hormone na ito ay napo-produce ng mas marami kung ikaw ay nakarating sa climax habang nakikipagtalik.

Kaya’t kung hindi mo nais makipagtalik, ang masturbation habang nagbubuntis ay maaaring makatulong sa katawan na magpalabas ng ganitong hormone.

3. Nakatutulong ang masturbation habang nagbubuntis sa pagpapalakas ng resistensya

Ang mga buntis ay karaniwang interesado sa nutrisyon habang nagbubuntis o marahan na ehersisyo upang mapataas ang resistensya ng katawan at masiguro ang malusog na development ng kanilang baby.

Isa pang paraan upang makatulong na mapabuti ang kalusugan ay ang masturbation habang buntis, dahil ang ilang pag-aaral ay nagsasabi na ang self-pleasuring ay nakatutulong sa katawan na gumawa ng antibodies laban sa infections at colds habang buntis.

4. Nakababawas ng stress ang masturbation habang buntis

Ang ilang mga nagbubuntis ay nakararanas ng stress ngunit hindi nakahahanap ng paraan upang makapagrelax. Bakit hindi subukan ang “self-pleasuring”? Ang gawain na ito ay nakatutulong na ma-stabilize ang iyong mood dahil ang endorphins (o happy hormones) ay mapo-produce ng mas marami.

5. Nakababawas ng sakit kaugnay ng pagbubuntis ang masturbation habang buntis

Naniniwala ang ilang eksperto na ang self-pleasuring ay hindi lang nakapagdadagdag ng pleasure hormones, nakatutulong din ito makabawas ng sakit. Sa pagbubuntis, makatutulong ito na mawala ang cramping o ma-relax ang sakit o tight muscles sa kahit na anong parte ng katawan.

Ano Ang Mga Dapat Tandaan ng Buntis Kapag Magma-masturbate?

Kahit na marami itong benepisyo, kailangan mong iwasan ang masturbation habang buntis kung:

  • Pumutok na ang panubigan
  • Ang fetus ay mababa sa iyong uterus
  • Ikaw ay may banta ng preterm birth o delivery
  • Ikaw ay nakararanas ng pagdurugo habang nagbubuntis
  • Ang iyong pagbubuntis ay classified bilang “high risk”

Karagdagan, ang mga buntis ay kailangan ding tignan ang mga sumusunod na banta:

1. Kung nagma-masturbate maging maingat sa paggamit ng mga sex toys

Ang ilang mga tao ay gumagamit ng toys tulad ng vibrator upang mag-masturbate habang buntis. Kung nais gumamit ng ganitong device, kailangan mong maging maingat at linisin ito mabuti bago gamitin upang maiwasan ang infection sa puki habang nagbubuntis.

2. Alamin kailan hihinto

Laging tandaan na kung makaranas ng sakit o hindi pagiging komportable mula sa pagma-masturbate, agad na huminto. Kapag nagpatuloy ang sakit kinalaunan, kailangan mo na pumunta agad sa doktor.

3. Huwag gumamit ng foreign objects sa pagma-masturbate

Ang ilang mga tao ay nais magkaroon ng bagong karanasan, kaya’t gumagamit sila ng foreign objects na ipinapasok sa kanilang puki o puwet upang mag-masturbate sa halip na sex toys. Maaaring maging mapanganib sa katawan ang pagsasagawa nito dahil ang ari ay masyadong sensitibo.

Ang mga objects na hindi dinisenyo para sa self-pleasure ay may banta ng infection, pinsala sa vaginal wall kung ito ay may matatalim na kanto, o maging ang maiwan ito o ang parte nito sa loob ng puki, na magiging sanhi ng mas seryosong kumplikasyon.

4. Huwag mag-masturbate habang buntis kung ikaw ay nangangamba

Nakasasabik na panahon ang pagbubuntis, ngunit ito rin ay may dulot na pangamba. Kaya’t kung ikaw ay masyadong nagangamba tungkol sa pagbubuntis, o hindi ka lubos na tiwala tungkol sa kaligtasan ng masturbation habang buntis, huwag mo na itong subukan upang maiwasan ang sanhi ng dagdag na anxiety.

Para sa kahit na anong pagdadalawang isip o alalahanin, pakiusap na kumonsulta sa isang pinagkakatiwalaan na Obstetrician at Gynecologist

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sex and Pregnancy: A Perinatal Educator’s Guide

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1595041/ Accessed December 20, 2021

Is Masturbation Good For You?

https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/masturbation/masturbation-good-you Accessed December 20, 2021

14 Things You Need to Know About Masturbation and Pregnancy

https://www.babycentre.co.uk/blog/mum_stories/14-things-you-need-to-know-about-masturbation-and-pregnancy/ Accessed December 20, 2021

I was masturbating and now I think I might be pregnant. Is that possible? https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/i-was-masturbating-and-now-i-think-i-am-pregnant-is-that-possible Accessed December 20, 2021

Masturbation | Facts About Male & Female Masturbation https://www.plannedparenthood.org/learn/sex-pleasure-and-sexual-dysfunction/masturbation Accessed December 20, 2021

Kasalukuyang Version

06/20/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Dapat Gawin Pagkatapos Manganak: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Ina

Dapat Gawin Kung Nakunan: Gabay Para Sa Mga Ina


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement