Pagkatapos ng childbirth at delivery, ang mga babae ay posibleng makaranas ng mga partikular na pagbabago na maaaring kakaiba sa umpisa. Isa na dito ang discharge pagkatapos manganak. Ito ay napaka-typical at hindi dapat ipag-alala. Normal ba ang yellow discharge pagkatapos manganak?
Oo, normal ito. Ang tawag dito ay lochia, ang vaginal discharge pagkatapos ng vaginal delivery. Ang lochia ay halos kapareho ng paglabas ng regla. Magsisimula ito sa dark red na kulay. Sa mga susunod na araw, ito ay magiging pinkish hanggang brownish. Sa ika-14 na araw, magkakaroon ka ng creamy yellow discharge.
Pagdurugo Pagkatapos ng Panganganak: Ano ang Normal?
Maaaring nakakatakot ang bright red na discharge na may mga namuong dugo, pero ito ay napaka-normal! Ang karaniwang kailangan mo dito ay mga hospital-grade pad. Ngunit pagkatapos ng ilang linggo, maaari kang magsuot ng mga regular na pads. Tandaan lamang na ang sanhi ng mas malakas na pagdurugo ay ang paggalaw. Kaya kailangan mong magpahinga.
Ang lochia ay tulad ng regla. Ito ay dahil ang pagdurugo ay karaniwang sanhi ng uterine lining shedding at pagpapanumbalik nito. Ito ay 70% na dugo. Pagkalipas ng ilang araw, magiging mas lighter, mas creamier ang kulay dahil ang dugo ay unti-unting mapapalitan ng mucus.
Ang dapat mong ipag-alala ay kapag ang pagdurugo ay nagiging masyadong malakas para i-manage. Gayundin kung ang discharge pagkatapos manganak ay lubhang mabaho. Maaaring ito ay impeksyon. Ang lagnat, pagkahilo, at hindi regular na tibok ng puso ay maaaring maranasan. At kapag nangyari ito – oras na para kumonsulta sa iyong doktor.
Mga Posibleng Dahilan ng Abnormal na Discharge Pagkatapos Manganak
Kapag naganap ang mabigat na pagdurugo, na higit sa inaasahan at normal na dami, ito ay karaniwang tinatawag na postpartum hemorrhage. Ang patuloy na blood loss ay maaaring mangyari alinman sa pamamagitan ng vaginal delivery o cesarean delivery. Ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng abnormal na lochia ay:
- Uterine rupture
- Uterine inversion
- Masyadong paggalaw at stress
- Retained placentas
- Uterine atony
- Nagsilang na ng ilang anak dati
Maaaring hindi mo kailangang mag-alala maliban kung mayroon kang anuman sa itaas. O kung nakagawa ka ng mga mabibigat na gawain ilang linggo pagkatapos manganak. Kung wala kang dilaw na discharge pagkatapos manganak, maaaring isa itong alalahanin, lalo na kung patuloy ang pagdurugo.
Kailangan mong humingi agad ng tulong medikal. Makakatulong ang maagang aksyon sa mga ganitong sitwasyon.
Paano ka matutulungan
Maraming treatment para sa postpartum hemorrhage. Pero isa sa mga pangunahing bagay na dapat agad alamin ay ang eksaktong dahilan kung bakit may mga abnormal na level ng discharge pagkatapos manganak. Generally, matutulungan ka ng mga doktor sa mga paraan tulad ng:
- Magrereseta ng gamot na makakatulong sa uterine contraction
- Tanggalin ang mga piraso ng inunan sa iyong matris
- Magbigay ng pagsasalin ng dugo
- Magsagawa ng laparotomy
Panghuling mga Paalala
Ang pagkakaroon ng isang sanggol ay isa sa mga pinaka makabuluhang pagbabago at pag-unlad na maaaring maranasan ng isang babae.
Pagkatapos ng panganganak, dapat mong laging bigyan ng oras ang iyong sarili para mag-adjust. Huwag pilitin ang iyong sarili na magsimulang magtrabaho muli pagkatapos manganak o gumawa ng nakakapagod na mga aktibidad. Palaging pinapayuhan na makipag-ugnayan sa mga doktor, pamilya, at mga kaibigan kung kailangan mo ng tulong.
[embed-health-tool-ovulation]