Ang unang paghawak mo sa iyong anak pagkatapos ng panganganak ay maaaring isang emosyonal na karanasan. Nais mo siyang alagaan at hindi hahayaang masaktan. Pero hindi ibig sabihin na pababayaan mo na ang sariling kalusugan. Tandaan na kailangan mong maka-recover pagkatapos manganak. Narito ang mga dapat gawin pagkatapos manganak. Ito ay para pangalagaan ang iyong sarili pagkatapos mong magpa-C-section.
Mga dapat gawin pagkatapos manganak: Huwag Pilitin ang Iyong Sarili
Sa oras na ipinanganak mo ang iyong baby, gusto mo laging nandyan ka para sa iyong anak. Bagama’t maaaring demanding ang newborn baby, dapat matutunan mong magpahinga, lalo na pagkatapos ng C-section.
1. Gawing priority ang recovery.
Maraming kababaihan ang nananatili sa ospital nang humigit-kumulang 2-4 na araw kapag nagre-recover mula sa isang C-section. Maaari mong gamitin ang oras na iyon para makipag-bonding sa iyong sanggol at ipahinga ang iyong katawan.
2. Matulog kapag natutulog si baby.
Maaaring marinig mo ang mga tao na nagsasabi sa iyo na dapat kang matulog tuwing natutulog ang iyong sanggol. Magandang sundin ito para makapag pahinga ka. Lalo na’t ang iyong sanggol ay magpapahinga rin ng maraming oras.
3. Iwasan ang mabibigat na gawain.
Hindi ka dapat gumawa ng anumang bagay na mabigat. Lalo na kapag nakakaramdam ka ng sakit o soreness. Ideally, dapat mong iwasan ang pagdadala ng anumang mas mabigat kaysa sa iyong sanggol hanggang sa gumaling ka.
Kahit na gustong-gusto mong kumilos at lumibot, tandaan na naoperahan ka. Normally, tumatagal ng 6-8 linggo bago gumaling. Dapat mong iwasan ang mabigat na aktibidad, tulad ng core muscle exercises hanggang sa sabihin ng isang doktor na ito ay okay.
Mga dapat gawin pagkatapos manganak: Pagharap sa Blood Clots, Infection, at Cramps
Madalas na humaharap ang mga babae sa blood clots at pagdurugo pagkatapos manganak. Dapat kang magpatingin sa doktor kung may mga nakababahalang sintomas. Halimbawa, heavy bleeding at malalaking blood clots.
1. Blood Clots
Isa pang dapat malaman ng mga bagong panganak ay kung anong gagawin sa blood clots sa mga ugat. Ang mga babae ay may higher risk ng blood clots 12 linggo pagkatapos manganak.
Gayunpaman, ang pagkakaroon ng blood clot o potensyal na deep vein thrombosis pagkatapos manganak ay mas malamang mangyari kapag hindi gumagalaw nang mahabang panahon o overweight.
Makatutulong na bumangon, kung maaari, at maglakad-lakad upang maiwasan ang pamumuo ng dugo. Kung ang isang babae ay hindi makagalaw, gumamit ng special cuffs. Maaaring ilagay sa binti para matulungan ang dugo na gumalaw.
2. Bleeding
Habang nasa hospital ka, imo-monitor mabuti ng doktor at nurse ang iyong cesarean incision para tingnan ang mga sintomas ng impeksyon habang sinusuri ang vaginal bleeding. Ang pagdurugo ay maaaring tumagal ng 4-6 na linggo pagkatapos manganak at magiging mas mabigat sa unang ilang araw.
3. Cramps
Normal na makaramdam ng sakit sa gilid ng incision sa unang 24 na oras. Habang lumiliit ang matris, maaaring makaramdam ang ilang kababaihan ng mga cramp pagkatapos ng panganganak. Ang mga cramp ay kadalasang parang mas matinding menstrual cramps.
Postpartum Recovery Tips: Pangangalaga sa Peklat
Ang sugat mula sa iyong C-section ay maaaring sumakit sa loob ng mga 1-2 linggo. Maaari ka ring makaramdam ng panghihina sa muscle na pumapalibot sa sugat. Pinakamabuting magtanong sa doktor tungkol sa pain medication habang nagpapasuso. Ito ay para maiwasang mapinsala ang kalusugan ng iyong sanggol.
Mga Uri ng C-Section Incisions
May 2 uri ng incisions na maaaring gawin para sa iyong C-section. Ang una ay isang pahalang na paghiwa, ang pfannenstiel incision, na tinatawag ding bikini cut. Ito ang madalas na ginagawa sa karamihan ng mga cesarean. Ang hiwa ay ginagawa sa pinakamababang bahagi ng matris, na makakatulong na bawasan ang pagdurugo. Ang vertical incision ay tinatawag ding classical C-section. Noong araw, ito ay mas common kaysa sa bikini cut. Ngayon, ito ay ginagamit sa mas partikular na mga kaso. Ang mga ganitong uri ng incisions ay maaaring tumagal nang kaunti bago gumaling at maaaring mas masakit ang pakiramdam.
Kadalasan ang isang doktor ay gagamit ng mga natutunaw na tahi. Gayunpaman, maaaring gumamit ang isang doktor ng mga hindi natutunaw na tahi na kakailanganing alisin ilang linggo pagkatapos mong manganak. Mayroon ding iba pang mga paraan para isara ng doktor ang paghiwa, tulad ng pandikit o staples.
Cesarean Scars
Kadalasan ang isang peklat mula sa isang cesarean ay maaaring gumaling ng maayos. Gayunpaman, maaari kang magkaroon ng mga isyu sa pagkakapilat kapag ang iyong katawan ay lumampas sa proseso ng pagpapagaling. Ito ay mas malamang na mangyari kung maitim ang balat mo o mas bata sa 30 taong gulang.
Ang unang uri ng peklat na maaari mong makuha ay isang keloid scar. Nangyayari ito kapag ang tissue ng peklat ay lumampas sa original boundaries ng sugat. Maaari itong lumikha ng mga bukol ng peklat sa paligid ng hiwa.
Ang pangalawang uri ng peklat na maaari mong makuha ay isang hypertrophic scar. Kung ikukumpara sa isang normal na peklat, ito ay raised, firmer, at mas makapal ngunit ito ay mananatili sa incision line.
Pangangalaga sa Sugat
Kapag naligo ka — mas mabuti nang isang beses sa isang araw o ayon sa direksyon ng iyong doktor. Panatilihing malinis ang iyong sugat sa pamamagitan na hayaang tumulo ang tubig na may sabon patungo sa iyong sugat nang hindi ito kinukuskos nang husto. Maaaring i-pat dry ang area gamit ang malinis na tuwalya kapag tapos ka na.
Para mas mapabilis ang healing process, mas mabuti na iwasan ang tight-fitting na mga damit. Dahil posibleng ma-irritate ang incision. Maari kang magsuot ng maluwag na damit gaya ng pajama, jogging pants, baggy shirt, atbp.
Sasabihin sa iyo ng ilang doktor na iwanang walang takip ang sugat at hayaan itong gumaling nang natural. Gayunpaman, sasabihin ng ibang mga doktor na maaari kang mag-lagay ng petroleum jelly o isang topical ointment at gumamit ng bendahe para bahagyang takpan ang sugat. Mabuting tanungin ang iyong doktor kung ano ang pinakamahusay na paraan para sa peklat.
Key Takeaway
Mahalagang alagaan ang iyong sarili kahit na may sanggol ka na kailangan ng maraming atensyon. Maaari mong sundin ang mga dapat gawin pagkatapos manganak para matulungan ka na gumaling pagkatapos ng cesarean surgery.
[embed-health-tool-ovulation]