backup og meta

Ikatlong Trimester Ng Pagbubuntis: Gabay Para Sa Mga Ina

Ikatlong Trimester Ng Pagbubuntis: Gabay Para Sa Mga Ina

Ang ikatlong trimester ng pagbubuntis ay ang huling 12 linggo ng gestation. Sa puntong ito ng pagbubuntis, ang mga doktor ay nagnanais na ang mga ina at nagpapa-check-up kada dalawang linggo para masubaybayan ang paglaki ng sanggol sa ikatlong trimester. Ito ay dahil sa ikatlong trimester ng pagbubuntis, may mga pag-iingat na kailangang gawin ang mga inaasahang magulang. Ang kamalayan sa kung ano ang dapat na asahan sa ikatlong semester ay ang panimulang hakbang para sa panganganak. 

Ano ang Nangyayari sa Check-up? 

Sa kasagsagan ng pagbisita sa klinika, sinusuri ng doktor kung may mga sintomas ng pagbubuntis o hindi pagiging komportable ang ina. Sa parehong paraan, maaari din niyang suriin kung ang pasyente ay nasa tamang timbang at magsagawa ng tests para sa mga komplikasyon gaya ng preeclampsia at gestational diabetes. 

Ang mga pagbisita sa klinika ay nagbibigay rin ng oportunidad para sa doktor na ma-eksamen ang mga vitals at kalusugan ng fetus. Ito ay nangangahulugang pagsusuri ng tibok ng puso ng fetus, ang position ng fetus (fetal lie), at ang sukat ng fetus may kinalaman sa tagal ng pagbubuntis.

Anong mga Pagbabago ang Nangyayari sa Ikatlong Trimester? 

Ang paglaki ng sanggol sa ikatlong trimester ng pagbubuntis ang indikasyon ng pinakamalaking pagtaas sa laki ng fetus. Bilang resulta, ang matres ay dapat na mag-stretch o lumuwang para makalikha ng espasyo para sa sanggol. Maaari ito magdulot ng hindi komportableng pakiramdam para sa ina. Mayroon ding mangilan-ngilang sintomas na maaaring maranasan ng mga ina:

  • Stretch marks 
  • Varicose veins 
  • Nipple discharge (colostrum) 
  • Vaginal discharge (leukorrhea) 
  • Makating rashes sa balat ng puson 
  • Chloasma o brown-yellow na mga patsi sa paligid ng mata at pisngi 
  • Pagdalas ng pag-ihi dahil sa pagdiriin sa pantos na dulot ng lumaking matres 
  • Linea nigra o isang dark na linya sa kalagitnaan ng ibabang bahagi ng puson 
  • Pagtaas sa temperatura ng katawan dahil sa init mula sa fetus 
  • Edema (pamamaga) ng mga lower extremities dahil sa fluid rentention at vein compression 
  • Postural hypotension dahil sa pagsisiksik ng matres sa vena cava 

Anong Uri ng Paglaki ng Sanggol ang Nangyayari sa Ikatlong Trimester? 

Sa ikatlong trimester, ang fetus ay nadebelop na nang tuluyan. Gayunpaman, ang ilang bahagi ng kanilang katawan ay hindi pa nabubuo nang tuluyan para mapadali ang panganganak ng ina. Kabilang dito ang skull bones ng fetus, na hindi pa gaanong nakadikit sa isa’t isang sa yugtong ito. 

Ang mahalagang bahagi ng yugtong ito ay ang pagkakabuo ng baga. Ito ay dahil ang fetal lungs ay inaasahang mabuo sa pagitan ng 32 at 36 na linggo ng pagbubuntis. Ang mga sanggol na ipinanganak bago ang yugtong ito ay maaaring magkaroon ng respiratory distress syndrome. 

Sa kasagsagan ng ikatlong trimester, ang bahagi ng fetus na lalabas ng matres ay dadaan sa pelvis ng ina. Tinatawag ito ng mga doktor na “engagement.” 

Ano-ano ang mga Posibleng Komplikasyon sa Ikatlong Trimester? 

Sa kadahilanang nalalapit na ang panganganak, ang mga inaasahang magulang ay dapat na maging mapagbantay sa mga tiyak na komplikasyon sa kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit kakailanganin ng mga doktor na magmungkahi ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay at mga paraan ng panggagamot sa panahon ng ikatlong trimester ng pagbubuntis. Kabilang sa mga posibleng komplikasyon ng pagbubuntis ay ang sumusunod: 

  • Preeclampsia na maaaring magdulot ng premature delivery
  • Gestational diabetes, na maaaring magdulot ng macrosomia (mataas na gestational age) sa bata 
  • Preterm labor, na maaaring makapagdagdag ng banta ng pagkakaroon ng mga kondisyong pangkalusugan 

ikatlong trimester

Ano-anong mga Pag-iingat ang Inaasahang Isagawa ng mga Magiging Magulang sa Ikatlong Trimester ng Pagbubuntis? 

Ang mga magiging magulang ay maaaring mangailangan ng mga tiyak na pagbabago sa paraan ng pamumuhay para maiwasan ang mga komplikasyon sa pagbubuntis. Ito ay kinabibilangan ng sumusunod: 

  • Pag-inom ng mga prenatal supplements, gaya ng folic acid 
  • Pagsunod sa isang balanseng paraan ng pagkain na may maraming prutas, gulay, fiber, at mga protinang mababa ang fat 
  • Pananatiling hydrated 
  • Pagsasagawa ng kegel exercise at pananatiling aktibo sa kabila ng pag-iwas sa mga mabibigat na gawain
  • Pagsasagawa ng maayos na dental hygiene 
  • Pagpapahinga nang madalas at sapat 
  • Pagpapa-check-up nang regular sa doktor
  • Pag-iwas sa droga, alak, at tobacco 
  • Paglilimita sa pag-inom ng kape sa isang tasa kada araw 
  • Pag-iwas sa hindi lutong isda at pinausukang mga pagkain 
  • Pag-iwas sa mga tiyak na medikasyon, gaya ng gamot sa tigyawat (isotretinoin), gamot sa psoriasis, thalidomide, at gamot sa hypertension (ACE inhibitors) 
  • Hindi pagpapahinga o pagtulog nang nakalapat ang likod (supine) para maiwasan ang postural hypotension. 

Paano Maaaring Maghanda ang mga Magulang para sa Panganganak? 

Bilang paghahanda sa panganganak, maaaring gawin ng mga magiging magulang ang sumusunod: 

  • Pagdalo sa mga prenatal classes 
  • Pagsasaayos ng maternity leave 
  • Paghahanda ng go-bag para sa labor at panganganak na dadalhin sa ospital 
  • Magplano para sa paraan ng transportasyon na gagamitin kapag nagsimula na ang pagle-labor 
  • Iwasan ang mahahabang bakasyon na malayo sa lungsod 
  • Magsawa ng mga pagsusuring pangkaligtasan (para sa carbon monoxide, lead na pintura, at iba pa) sa bahay at mga sasakyan

Key Takeaways

Ang ikatlong trimester ng pagbubuntis ay ang panahon kung saan lalaki nang pinakamalaki ang fetus. Para matiyak ang paglaki ng bata sa ikatlong trimester ng pagbubuntis, ang mga magiging magulang ay dapat na magsagawa ng mga pag-iingat at mga kinakailangang pagbabago sa paraan ng pagkain at pamumuhay. Ang palagiang pagbisita sa doktor at panggagamot sa mga komplikasyon ng pagbubuntis (gaya ng gestational diabetes at preeclampsia) ay mahalaga rin. 

Matuto ng higit pa ukol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Third Trimester, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/the-third-trimester, Accessed January 25, 2021

Skin and hair changes during pregnancy, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000611.htm, Accessed January 25, 2021

Newborn respiratory distress syndrome, https://www.nhs.uk/conditions/neonatal-respiratory-distress-syndrome, Accessed January 25, 2021

Engagement, https://medical-dictionary.thefreedictionary.com/engagement, Accessed January 25, 2021

What are some common complications of pregnancy? https://www.nichd.nih.gov/health/topics/pregnancy/conditioninfo/complications, Accessed January 25, 2021

Risk factors and long-term health consequences of macrosomia: a prospective study in Jiangsu Province, China, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3596738/, Accessed January 25, 2021

Newborns: improving survival and well-being, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/newborns-reducing-mortality, Accessed January 25, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Pananakit Ng Puson Sa Third Trimester, Normal Lang Ba?

Discharge Ng Buntis Sa Third Trimester: Dapat Ba Itong Ipag-alala?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement