Hindi na bago sa pandinig na ang mga soon-to-be-nanay ay kailangang manatiling malusog at walang sakit. Ito ay upang makapagbigay ng lahat ng magagandang nutrients at energy sa isisilang na sanggol. Bukod sa pagkain ng gulay, ano ang pinakamainam na prutas para sa buntis? Alamin dito.
Malusog na Pagkain at Prutas para sa Buntis
Mas maraming nutritional requirements para sa ina at sanggol ang kailangan ng buntis. Ang malusog na pagbubuntis ay nangangailangan ng karagdagang 300 calories bawat araw. Dapat magmula sa balanseng diet ang calories na ito. Tulad ng protina, dairy, prutas, gulay, at whole grains, na may kasamang konting sweets at fats. Ang malusog at balanseng diet ay makakatulong din na mawala ang ilang pregnancy symptoms tulad ng pagduduwal at constipation.
Ang Academy of Nutrition and Dietetics ay nagmumungkahi ng mga sumusunod na components ng isang malusog na pregnancy lifestyle:
- Angkop na pagtaas ng timbang
- Balanced diet
- Regular na ehersisyo
- Sapat at napapanahong suplemento ng bitamina at mineral
Upang makamit ang isang malusog at maayos na pagbubuntis, nasa ibaba ang ilang partikular na nutrients na kailangan mong tingnan:
- Calcium
- Folic acid
- Protein
- Iron
- Vitamin A
- Vitamin D
Pwede mong makuha ang daily dose mo ng mga bitamina mula sa malawak na pagpipilian ng mga prutas para sa mga buntis. Iniulat ng isang study cohort na may magagandang benepisyo sa pagkain ng mas maraming prutas sa panahon ng pagbubuntis. Ayon dito ang mga anak ng mga ina na iyon ay mas mahusay na nakapag-perform sa developmental tests noong sila ay isang taong gulang.
Dagdag pa sa prenatal vitamins mo, ang American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) ay nagrereseta na ang mga buntis ay dapat magkaroon ng average na daily intake ng hindi bababa sa 200 mg docosahexaenoic acid (DHA).
14 na Prutas para sa Buntis na Dapat Mong Subukan
Oranges
Nangunguna sa listahan ng prutas para sa buntis ay ang paboritong citrus fruit ng marami. Hindi lang vitamin C ang ibinibigay nito, pwede rin itong mainam na source ng folic acid. Ang folate o folic acid ay uri ng vitamin B na tumutulong sa pag-iwas sa mga problema sa central nervous system.
Ang American College of Obstetrics and Gynecology ay nagmumungkahi na ang isang babaeng nagpaplanong magbuntis ay mag-take ng folate na humigit-kumulang 400 mg bawat araw. Maaari mong taasan ang levels ng folic acid ng 600 mg kapag ikaw ay buntis na.
Saging
Alam natin na ang mga saging ay may maraming potassium. Naglalaman din sila ng iba pang mga bitamina at sustansya, tulad ng:
Ang vitamin B6 ay nakakatulong sa pagpapagaan ng pagduduwal at pagsusuka sa early pregnancy. Bukod dito, maaari itong tumulong sa brain development at paggana ng immune sa mga sanggol.
Mangga
Maaaring naghahanap ka ng pagkain na maasim. Kasama ang mangga sa prutas para sa buntis. Ang mangga, hinog o hilaw, ay mayaman sa Vitamin C, pati na rin sa vitamin A.
Dahil magandang source ng vitamin A, ang mangga ay nakakatulong na mabawasan ang posibilidad ng kakulangan sa partikular na vitamin na ito. Dahil dito, ang pagkain nito ay maaari ding makatulong na mapababa ang panganib ng anumang mga problema tulad ng pagtatae o iba pang respiratory problems.
Mansanas
Totoong ang isang mansanas sa isang araw ay nakakabawas sa pagbisita sa doktor dahil sa health problems. Ang mansanas ay may potassium at vitamin A
Ang kapansin-pansin ay ang pagkakaroon ng pectin, isang prebiotic na nagpapanatili ng mabubuting bakterya sa digestive tract.
Berries
Blueberries, blackberries, strawberries, raspberries, at grapes nabibilang sa isang malaking pamilya ng berry na may taglay na mga sumusunod na sustansya:
- Fiber
- Folate
- Carbohydrates
- Vitamin C
Ang ilan sa kanila ay may taglay ding antioxidant properties sa pamamagitan ng kanilang mga phytonutrients tulad ng anthocyanin at flavonoids.
Ang iba pang prutas na mapagpipilian mo ay:
- Avocados
- Cherries
- Kiwis
- Pomegranates
- Lemons
- Guavas
- Pears
- Watermelons
- Dried fruits
Key Takeaways
Hindi maiiwasan ang paghahanap ng matatamis lalo na sa panahon ng pagbubuntis. Ang maganda sa mga prutas para sa buntis ay hindi lamang para masiyahan ka sa matatamis, pero mabigyan ka rin ng kailangan mong nutrisyon.
Kaya mag-enjoy ka habang sinusunod ang payo ng doktor, upang matiyak ang masaya at malusog na pagbubuntis.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
[embed-health-tool-bmi]