backup og meta

Sakit Ng Ulo ng Buntis, Bakit Nga Na Nangyayari At Ano Ang Solusyon?

Sakit Ng Ulo ng Buntis, Bakit Nga Na Nangyayari At Ano Ang Solusyon?

Ang pagbubuntis ay may kasamang mga isyu. Dahil sa maraming pagbabago sa hormones sa katawan, ang sakit ng ulo ng buntis ay isa sa mga prominente. Bagaman lahat ng mga buntis ay magkakaiba, maaari mong maranasan ang primary o secondary na uri ng sakit ng ulo. Maaaring ito ay dahil sa kasalukuyang kondisyon sa kalusugan o dala ng pagbabago sa hormones.

sakit ng ulo ng buntis

Habang ang primary headache ay nangyayari nang kusa, karaniwan kung walang kasalukuyang kondisyon o senyales ng komplikasyon sa pagbubuntis. Maaaring mangyari ang secondary headache dahil sa komplikasyon o kondisyon sa iyong pagbubuntis.

Halimbawa ng primary headaches ay kabilang ang migraine, cluster, at tension headaches. Ang mga ito ay karaniwang nasosolusyonan ng gamot o minsan ay nareresolba nang kusa. Bagaman kung ikaw ay may malalang sakit ng ulo, kailangan mong magpatingin sa doktor. Huwag gamutin ang sarili dahil makaaapekto ito sa iyong baby.

Halimbawa ng secondary headaches ay kabilang ang hypertension-related headaches o sakit ng ulo dahil sa impending eclampsia. Nangyayari ito dahil sa isa pang medikal na kondisyon.

Mahalaga na maunawaan na kung nakaranas ng sakit ng ulo huwag kumonsumo o magturok ng kahit na anong gamot nang hindi kumokonsulta muna sa doktor.

Sintomas

Ang mga sintomas ng parehong primary at secondary na sakit ng ulo ng buntis ay maaaring pareho. Ang sakit ng ulo ay karaniwang isyu, bagaman hindi dapat balewalain kung malala o palaging nangyayari. Ilan sa mga classic na senyales ng sakit ng ulo ng buntis ay:

  1. Pagkahilo
  2. Pagsusuka
  3. High blood pressure
  4. Mild headache
  5. Throbbing pain
  6. Sakit ng ulo sa parehong side ng ulo
  7. Sakit sa itaas ng mga mata
  8. Pinching o malalang sakit
  9. Blind spots
  10. May mga flash ng ilaw

Ang ilang mga sintomas ay maaaring kabilang ang migraine pain. Kaya’t mahalaga na magpatingin sa iyong doktor bago komonsumo ng gamot.

sakit ng ulo ng buntis

Mga Sanhi ng Sakit ng Ulo ng Buntis

Ang mga sanhi ng sakit ng ulo ng buntis ay karaniwang nakabase sa kondisyon sa kalusugan o trimester. Ito ay sa kadahilanan na malaki ang gampanin ng pagbabago ng hormones dito. Maaari ka nilang i-expose sa temporary na kondisyon na mareresolba matapos ang panganganak.

Sa unang trimester, ang tension headaches ang pinaka karaniwang uri ng sakit ng ulo na mararamdaman. Ito ay sa kadahilanan na ang iyong katawan ay nakararanas ng pagbabago sa maaaring magresulta ng kaguluhan sa lebel ng iyong blood sugar. Ang mga sakit ng ulo na ito ay maaari ding mangyari dahil sa dami ng pagbabago.

Ang ilan sa mga kaso ng sakit ng ulo sa unang trimester ay:

  1. Hypersensitivity sa ilaw, amoy ng pagkain at iba pa
  2. Pagbawas ng pisikal na gawain
  3. Hindi maayos na gawi sa pagkain o pagkonsumo ng nutrisyon
  4. Hindi maayos na pattern sa pagtulog
  5. Stress
  6. Pagkahilo at pagsusuka
  7. Dehydration
  8. Pagbabago ng eye power

Habang nasa ikalawa at ikatlong trimester, ang sanhi ng sakit ng ulo ay maaaring maranasan dahil sa mga rason na ito:

  1. Mga kondisyon na nabubuo habang nagbubuntis tulad ng hypertension o diabetes
  2. Hindi maayos na diet
  3. Hindi maayos na postura
  4. Dagdag na timbang (higit sa kailangan)
  5. Hindi sapat na tulog
  6. Strain sa muscles

Mga Banta

Ang sakit ng ulo ng buntis ay maaaring mangyari dahil sa maraming mga rason. Ang ilang banta na maaaring makuha sa sakit sa ulo ay:

  1. Kondisyon na mayroon na tulad ng diabetes, hypertension, migraine at iba pa
  2. Hindi maayos na lifestyle tulad ng hindi magandang diet at walang ehersisyo
  3. Kasalukuyang hormonal imbalance dahil sa isyu tulad ng PCOS
  4. Obesity o mabilis na pagdagdag ng timbang
  5. Dehydration

Kausapin ang iyong doktor tungkol sa kabuuang pagsusuri ng katawan upang maunawaan ang maaaring dahilan ng sakit ng ulo ng buntis.

Sakit ng Ulo ng Buntis: Lunas

Ang lunas para sa sakit ng ulo habang buntis ay nakadepende sa kasalukuyang isyu o kondisyon na sanhi nito. Karaniwan, ang tension headache ay nawawala nang kusa na may kaunting tulong ng lunas sa bahay.

Kung ikaw ay may sakit ng ulo dahil sa hypertension, maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot upang mawala ito. O kung ikaw ay may mababang blood pressure, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng ilang pagbabago sa iyong diet.

Kung ikaw ay may migraine headaches, maaaring magreseta ang iyong doktor ng beta-blockers tulad ng propranolol at labetalol. Bagaman ang mga ito ay inirerekomenda lamang na may mababang doses.

Upang lunasan ang regular na sakit ng ulo, inirereseta ang acetaminophen. Bagaman na kailangan na ikonsumo ito sa ilalim ng gabay ng doktor.

Sakit ng Ulo ng Buntis

Mahalaga ang diet at pisikal na gawain sa paggamot ng sakit ng ulo ng buntis. Ito ay sa kadahilanan ng pagtaas ng pakiramdam ng gutom ay karaniwang humahantong sa hindi masustansyang gawi sa pagkain at lethargy.

Kaya’t ang paglalagay ng lahat ng nutrisyon sa iyong diet at pagsasagawa ng mild na ehersisyo tulad ng pre-natal yoga ay malaking tulong. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor bago magsagawa ng kahit na anong pagbabago sa iyong lifestyle.

Mayroong ilang mga seryosong karamdaman tulad ng sinus infection, aneurysm, o brain tumor na maaaring sanhi ng sakit ng ulo at nangangailangan ng mas seryosong interbensyon. Kaya’t konsultahin ang iyong doktor kung dumalas ang iyong sakit ng ulo at nagbibigay sa iyo ng sakit na tumitibok at hindi kontrolado.

Ang mga alternatibong therapy upang malunasan ang sakit ng ulo sa pagbubuntis ay kabilang ang homeopathy, ang Ayurveda at pranic healing. Ang mga ito ay karaniwang hindi mapanganib, ngunit ang mga sangkap sa Ayurveda ay maaaring hindi akma sa mga taong sensitibo sa pagbubuntis. Kausapin ang iyong doktor bago magsimula ng concoction-based treatment.

Pagbabago sa Lifestyle

Ang mga pagbabago sa lifestyle upang maiwasan ang sakit ng ulo habang nagbubuntis ay kailangan na magbago bago ang pagpaplano na magka-baby. Maaari itong madala kung ikaw ay nagbubuntis. Ang ilan sa mga ito ay:

  1. Pagkain ng nutritious diet na mayaman sa fiber, vitamins, minerals, fats at proteins.. Pagpapanatili ng pagtingin sa pagkonsumo ng salt at sugar ay kailangan.
  2. Ang regular na ehersisyo ay nagpapanatili ng malusog na daloy ng dugo.
  3. Regular na magpatingin sa doktor upang maiwasan ang pagbabalewala ng kahit na anong kondisyon.
  4. Pagpapanatiling hydrated

Lunas sa Bahay

Ang ilang lunas sa bahay na makatutulong kung ikaw ay may sakit ng ulo habang nagbubuntis ay:

  1. Pag-inom ng tubig upang ma-hydrate ang katawan.
  2. Pag-inom ng juice ng sariwang prutas o gulay upang malunasan ang kahit na anong kakulangan sa nutrisyon.
  3. Marahan na masahe sa ulo na mayroon o walang oil.
  4. Pagkakaroon ng mahabang pahinga.
  5. Pagtulog sa madilim na kwarto.
  6. Subukan ang ice-pack therapy. Pakiusap na gumamit ng yelo na nakalagay sa tela.

Matuto pa tungkol sa problema sa pagbubuntis at isyu sa kalusugan dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Headaches in Early Pregnancy https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=headaches-in-early-pregnancy-134-3

What can I do about headaches during pregnancy? I’d rather not take medication.: https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/headaches-during-pregnancy/faq-20058265/ Accessed 29/06/2020

Why Do Women Experience Pregnancy Headaches?: https://health.clevelandclinic.org/why-do-women-experience-pregnancy-headaches// Accessed 29/06/2020

Headaches in Early Pregnancy

https://www.nhs.uk/pregnancy/related-conditions/common-symptoms/headaches/ Accessed June 23, 2021

Headaches during pregnancy

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/headaches-during-pregnancy Accessed June 23, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bakit Kailangang Protektahan ng Buntis ang Sarili Laban sa Measles

Ano Ang Perineal Massage At Paano Ito Nakatutulong Sa Buntis?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement