Ang mga buntis ay maaaring makaranas ng dehydration dahil sa hindi sapat na pagkonsumo ng tubig, sa umaga’y sinasamaan ng pakiramdam, o sakit na maaaring humantong sa pagsusuka o pagtatae. Paano mo pinangangalagaan na hindi ma-dehydrate kapag buntis? Inirerekomenda ba ng mga doktor ang oral rehydration salts, tulad ng Hydrite, sa buntis? Ang mga kasagutan at higit pang impormasyon ay nasa artikulong ito.
Ano Ba Ang Hydrite?
Ang Hydrite ay isang brand ng oral rehydration salts na maaaring maging lunas sa dehydration, lalo na diarrheal dehydration sa mga bata at matatanda.
Habang pinapalitan nito ang mga fluids at mga electrolytes na nawala sa panahon ng pagtatae at pagsusuka, ang opisyal na information leaflet ng pasyente ay nagsasabing hindi mo ito maaaring gamitin upang gamutin ang malubhang dehydration maliban na lamang kung walang magagamit na intravenous fluid.
Matuto rito nang higit pa tungkol sa Hydrite:
Inirerekomenda ba ng mga doktor ang Hydrite sa buntis?
Normal na ang mga buntis ay maaari ring makaranas ng dehydration, inirerekomenda ba ng mga doktor ang Hydrite sa buntis?
Ang talaan ng impormasyon tungkol sa produkto ay hindi nagbanggit ang kaligtasan ng gamot na ito para sa mga buntis at nagpapasusong nanay. Gayunpaman, sinasabi nito na ang hydrite:
- Walang inaasahang masamang epekto basta ito ay inihanda at maayos na ibinibigay.
- Hindi inaasahan na isasabay sa mga pagkain at mga gamot.
- Hindi dapat inumin ng mga pasyenteng may allergy sa alinman sa mga komponent o sa mga hindi maayos na tumutunaw ng glucose.
Tandaan na ang bawat sachet ng hydrite ay naglalaman ng
- 520 mg ng sodium chloride
- 580 mg ng trisodium citrate dihydrate
- 300 mg ng potassium chloride
- 2.7 g ng glucose, anhydrous
Ang mga ito ay halos kapareho rin ng laman ng isa pang brand ng oral rehydration salts na nagsasabing ang kanilang mga ORS ay walang mga natatanging problema para sa mga buntis at nagpapasusong nanay.
Gayunpaman, kung ikaw ay buntis at nag-iisip na subukan ang hydrite, mangyaring kumonsulta muna sa iyong doktor. Sa ganoong paraan, malalaman mo kung ito ay ligtas para sa iyo at sa iyong sanggol. Ang doktor ay magbibigay din sa iyo ng tamang dosage at dalas ng inom nito.
Bakit Mahalagang Maiwasan Ang Dehydration Habang Nagbubuntis?
Higit sa pag-alam kung ang Hydrite sa buntis ay ligtas, pag-usapan natin ang hydration sa kabuuan.
Ang hydration ay isang mahalagang aspeto ng isang malusog na pagbubuntis. Sa katunayan, tinutukoy ng isang ulat na ang kalagayan ng hydration ng ina ay nakaaapekto sa mga katangian ng sanggol na kanyang dinadala, kabilang ang hulma o sukat ng ulo at dibdib, haba, at bigat.
Para sa kadahilanang ito, ang hydration ay dapat ding maging prayoridad kapag ang babae ay buntis.
Kapag ang nanay ay well-hydrated, siya (at ang kanyang sanggol) ay maaaring magkaroon ng sumusunod na benepisyo:
- Mababang panganib sa kahirapan sa pagdumi at almoranas.
- Mababawasan ang pamamaga
- Nadagdagan ang enerhiya
- Malamig na temperatura ng katawan
- Mababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga impeksyon sa ihi
- Malambot na balat
Mga tip upang maiwasan ang dehydration:
Dahil hindi pinahihintulutan na magbigay ng Hydrite sa buntis na hindi man ang nakipag-usap sa isang doktor, napakahalaga na sama-samang nating maiwasan ang dehydration. Nasa ibaba ang ilang mga tip upang maging well-hydrated sa panahon ng pagbubuntis
- Paalalahanan ang iyong sarili na uminom ng tubig. Magtakda ng oras kung kailan iinom ng tubig sa buong araw, gumamit ng isang application para sa alarm ng oras, o gumamit ng mga calibrated water jugs.
- Kung sakaling hindi maayos sa iyo ang simpleng tubig lang, isaalang-alang ang pagdaragdag ng lasa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng hiniwang mga prutas sa pitsel o baso ng tubig. Ang ilan sa mga prutas na maaari mong idagdag ay lemon, lime, at frozen raspberries.
- Kabilang sa mga fluid intake ay gatas, juice, tsaa, at sabaw.
- Iwasan ang caffeine.
- Kumain ng maraming gulay at prutas (mayroon din silang tubig!)
- Dagdagan ang pag-inom ng tubig kapag may nadagdag na gawain na iyong isinagawa.
Nilalayong makainom ng sapat na fluid upang bihirang mauuhaw. Ang kulay ng ihi ay maaari ding maging isang pahiwatig: ang transparent o light-yellow na ihi ang karaniwang nagpapatunay na ikaw ay well-hydrated.
Kailan Dapat Humingi Ng Tulong?
Dahil ang Hydrite ay hindi nirerekomenda para sa mga buntis na hindi sumailalim sa konsultasyon ng doktor, dapat mong malaman kung kailan ka dapat humingi ng tulong.
Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider kung napansin mo ang mga palatandaan ng dehydration, tulad ng
- Pakiramdam na nauuhaw
- Panunuyo ng bibig at lalamunan
- Pagkahilo o Pagiging matamlay
- Madilaw na ihi o nabawasan ang dalas ng pag-ihi
Ang doktor ay makapagbibigay sa iyo ng mga pamamaraan kung ano ang susunod mong gagawin. Batay sa iyong kalagayan, maaari ka nilang pauwiin na lamang at bigyan ng mga gamot at mga pamamaraan sa pangangalaga ng iyong sarili o irerekomenda na i-admit ka sa ospital.
Matuto rito nang higit pa tungkol sa pagbubuntis.