backup og meta

Bakit Mahalaga Ang Iodine Sa Buntis? Heto Ang Dahilan

Bakit Mahalaga Ang Iodine Sa Buntis? Heto Ang Dahilan

Hindi maaaring magkulang sa sustansya ang mga babaeng nagbubuntis dahil puwede itong negatibong makaapekto sa lumalaking bata sa kanilang sinapupunan. Halimbawa, maaaring magdulot ng neurological consequences sa bata ang kakulangan ng folic acid. Puwede ring magresulta sa parehong paraan ang kakulangan sa iodine. Bakit mahalaga ang iodine sa buntis? Alamin natin dito.

Bakit Mahalaga Ang Iodine Sa Buntis? Ano Ang Iodine?

Mahalaga ang iodine sa buntis, ngunit ano ang iodine?

Tinatawag na iodine ang mineral sa ating katawan na ginagamit sa paggawa ng thyroid hormone. Mahalaga naman ang thyroid hormone para sa metabolism at iba pang function sa katawan tulad ng temperature regulation at muscle contraction. Maaaring magkaroon ng goiter at hypothyroidism (kulang sa thyroid hormones) ang mga taong hindi nakakakuha ng sapat na iodine.

150 micrograms ang average na inirerekomendang iodine para sa mga matanda araw-araw. Mas mataas naman iodine requirement ng mga buntis na umaabot sa 220 micrograms.

Bakit Mahalaga Ang Iodine Sa Buntis?

Mataas ang iodine requirement ng mga buntis dahil ginagamit ng nag dedevelop na baby ang thyroid hormones para sa kanilang bone at brain development.

Sinasabi ng mga pag-aaral na may kaugnayan ang kakulangan sa iodine ng mga buntis sa stillbirth, miscarriage, preterm birth, at mga congenital abnormality. Maaari ding magresulta ng problema sa pandinig, pananalita, paglaki, at pag-iisip ang matinding kakulangan sa iodine.

Ayon sa American Thyroid Association, ang iodine deficiency ang pinakakaraniwang sanhi ng mga intellectual disability sa buong mundo na maaaring maiwasan. Bukod pa rito, nagreresulta pa rin kahit ang mild iodine insufficiency ng low intelligence sa mga bata.

Kahalagahan Ng Iodine Sa Pagbubuntis: Mababang Iodine Sa Mga Buntis

Kahit pa mahalaga ang iodine sa pagbubuntis, hindi pa rin nakakakuha ng sapat na iodine ang mga buntis.

Isang maliit na pag-aaral ang nag-imbita ng 47 na buntis, 31 sa kanila ang vegan o nasa plant-based diet, habang 26 naman ang kumakain ng karne. Pinag-aralan ng mga researcher ang pagkakaiba ng mga iodine level nila at nakita na mayroong 44ug/L ng iodine ang mga nasa vegan/plant-based diet habang mayroong namang 64 ug/L ang mga kumakain ng karne.

Gayunpaman, wala sa kanila ang umabot sa rekomendasyon ng World Health Organization na 100 ug/L.

Mas nakababahala pa rito na mayroong mababang iodine level na 23 ug/L ang mga babaeng mula sa parehong grupo na gumagamit ng pink Himalayan salt sa halip na iodized salt. 

Sinasabi ng mga researcher na isang problema ang paggamit ng Himalayan salt, kasama dito ang pagpili sa plant-based diet dahil wala itong seafood, na isa sa mga natural na pinagkukunan ng iodine.

Kahalagahan Ng Iodine Sa Pagbubuntis: Saan Makukuha Ang Iodine

Ngayong mas alam na natin ang kahalagahan ng iodine sa pagbubuntis, alamin naman natin kung saan ito makukuha.

Maaari makakuha ng iodine sa pamamagitan ng pagkain ng:

  • Seafood. Kabilang dito ang tuna, hipon, at bakalaw.
  • Gatas. Kasama rin dito ang iba pang dairy products.
  • Iodized salt. Bago magpasya na baguhin ang ginagamit na asin mula sa iodized papunta sa iba pang klase nito (Koshe, Himalayan, atbp.), tandaang marami dito ang hindi naglalaman ng sapat na iodine. Makipag-ugnayan muna sa iyong doktor bago magpalit ng asin.

Panghuli, makipag-usap sa iyong doktor kung paano magkakaroon ng healthy at balanced diet habang nagbubuntis. Para matiyak na nakukuha ang lahat ng nutrients na kailangan, maaari silang magrekomenda ng meal plan para sa iyo at magbigay ng supplementation.

Kinakailangan Din Ng Sapat Na Iodine Intake Ng Mga Babaeng Nasa Reproductive Years Nila

Mahalaga ang iodine sa pagbubuntis. Ngunit dapat ding tandaang mahalaga rin ang pagkakaroon ng sapat na iodine sa mga babae bago sila magdalang-tao.

Sinabi rin ng isang lokal na pag-aaral na maaaring mas matagal mabuntis ang mga babaeng may matinding kakulangan sa iodine.

Sinasabi ng pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas na mayroong kakulangan ng iodine sa mga babaeng nasa edad na para mag-anak. At ang pangunahing hakbang upang maituwid ang problemang ito ay ang pagbibigay ng kaalaman at paggamit ng iodized salt.

Key Takeaways

Bakit mahalaga ang iodine sa buntis? Sinasabi ng mga eksperto na mahalaga ito para sa pangkalahatang development ng isang baby. Nakakaapekto ito sa produksyon ng thyroid hormone. Dapat siguraduhin ng mga nagbubuntis na nakakakuha sila ng sapat na iodine habang nagbubuntis.

Matuto pa tungkol sa mga Problema sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Effects of Iodine Deficiency in Pregnancy and Infancy, https://www.researchgate.net/publication/230613481_The_Effects_of_Iodine_Deficiency_in_Pregnancy_and_Infancy, Accessed June 11, 2021

Poor iodine levels in women pose risks to fetal intellectual development in pregnancy, https://www.sciencedaily.com/releases/2021/04/210422093858.htm#:~:text=Poor%20iodine%20levels%20in%20women%20pose%20risks%20to%20fetal%20intellectual%20development%20in%20pregnancy,-Date%3A%20April%2022&text=Summary%3A,due%20to%20poor%20iodine%20intake, Accessed June 11, 2021

Iodine, https://ods.od.nih.gov/factsheets/Iodine-Consumer/, Accessed June 11, 2021

Thyroid Hormone Production and Function, https://www.uofmhealth.org/health-library/ug1836, Accessed June 11, 2021

Iodine Deficiency, https://www.thyroid.org/iodine-deficiency/, Accessed June 11, 2021

Iodine Status in Filipino Women of Childbearing Age, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6145958/, Accessed June 11, 2021

Kasalukuyang Version

07/11/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement