backup og meta

Alamin: Laxative na Safe Para sa Buntis

Alamin: Laxative na Safe Para sa Buntis

Kahit na karaniwan ang constipation sa panahon ng pagbubuntis, walang duda na discomfort ang dulot nito, at kung minsan ay pananakit. Dahil dito, mayroon bang mga laxative na safe sa buntis? Alamin dito.

Bakit Karaniwan ang Constipation sa Panahon ng Pagbubuntis?

Maaaring mangyari ang constipation na konektado sa pagbubuntis dahil sa ilang kadahilanan.

Una, ang pagbabago sa hormones ( pagtaas ng progesterone) ay pwedeng magpa-relax sa intestines. Kapag nangyari ito, maaaring hindi sila mag-contract ng tama para hayaang gumalaw ang dumi. Kaya naman maaari kang magsimulang mag-constipate sa oras na magbago ang hormones para suportahan ang pagbubuntis. Gayundin, ang lumalaking fetus ay nagdaragdag din ng pressure sa iyong bituka, na nagiging sanhi ng constipation.

Syempre,  kasama rin sa mga dahilan ang lifestyle. Maaaring magresulta sa constipation kung hindi sapat ang fiber at tubig.

Ano ang laxative na safe sa buntis?

Bago magrekomenda ang doktor ng mga laxative para sa mga buntis, hinihikayat muna nila ang mga ligtas na home remedy. Kasama dito ang pagdaragdag ng fiber intake, sapat na hydration, at angkop na ehersisyo.

Kung hindi gumana ang home remedies na ito, maaari nilang irekomenda ang pagdaragdag ng isa sa mga sumusunod:

Mga Pampalambot ng Dumi

Gumagana ang mga pampalambot ng dumi sa pamamagitan ng pagpasok ng tubig sa bituka, kaya napalalambot ang dumi, na ginagawang mas komportable ang pagdumi.

Ayon sa mga eksperto, ang mga pampalambot ng dumi ay ligtas para sa mga buntis. Dahil ang mga sangkap nito ay kaunti lamang na naa-absorb ng katawan. Kaya, malamang na hindi sila makakaapekto sa lumalaking fetus. 

Ang mga halimbawa ng mga pampalambot ng dumi ay Colace at docusate sodium. Bukod sa mga ito, maaaring magreseta ang doktor ng Milk of Magnesia.

Bulk-Producing Agents

Ang isa pang posibleng gamot na maaaring ireseta ng doktor sa isang buntis ay bulk-producing agent. Ang mga ito ay kadalasang nagdaragdag ng dami at tubig sa dumi, na nagbibigay-daan para madaling maka-dumi.

Isang halimbawa ng bulk-producing agent ay Metamucil, na mahalagang fiber supplement.

Mga Paalala: Pag-inom ng Laxatives Para sa mga Buntis

Ang una – at pinakamahalagang – tuntunin pagdating sa laxative na safe sa buntis ay palaging humingi ng medikal na payo bago uminom ng kahit ano. Iba-iba ang bawat tao. Hindi lahat ng mabuti para sa isang tao ay palaging mabuti rin para sa iyo.  

Nasa ibaba ang ilan sa iba pang mahahalagang paalala:

  • Maging sobrang ingat sa stimulant laxatives. Gumagana ang stimulant laxatives sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga bituka upang ilabas ang dumi. Pero may mga ulat ng stomach cramps bilang side effect.
  • Maging mas maingat sa mga oil lubricant (tulad ng cod liver oil). Ang mga lubricant laxative ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapanatili ng tubig sa dumi kaya mas madaling dumumi. Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na maaari nilang hadlangan ang pagsipsip ng ilang mga bitamina at mineral.
  • Maaaring ligtas ang mga bulk-forming laxative para sa pangmatagalang paggamit dahil hindi sila nasisipsip ng katawan. Gayunpaman, hindi sila palaging epektibo. Ang mga ito ay nauugnay din sa mga side effect, tulad ng cramps at bloating. 
  • Napakahalaga na huwag kang gumamit ng mga laxative nang matagal kahit na ligtas ang mga ito. Kapag mas matagal mo silang ginagamit, mas mataas ang pagkakataong makaranas ng mga side effect at magiging dependent ka sa kanila.
  • Panghuli, inumin lamang ang laxative ayon sa inireseta.

Ipagpatuloy ang mga Home Remedy

Matapos kang bigyan ng doktor mo ng laxative na safe sa buntis, malamang na turuan ka pa rin na gumawa ng mga pagbabago sa pamumuhay upang gamutin at maiwasan ang constipation.

Kabilang dito ang:

  • Pagkain ng mas maraming fiber mula sa mga prutas, at whole grains.
  • Pag-inom ng mas maraming tubig. Maaari kang magdagdag ng sopas, fresh juice, at tsaa sa diet mo.
  • Magkaroon ng mga pisikal na gawain. Siguraduhin na tanungin ang doktor mo tungkol sa mga angkop na ehersisyo para sa yugto ng pagbubuntis mo.
  • Magdagdag ng probiotics sa iyong diet. Tinutulungan ng mga probiotic ang paggana ng bituka nang maayos. Kabilang yogurt and probiotic milk sa mga sikat na mapagkukunan.

Key Takeaways

Ang constipation na nauugnay sa pagbubuntis ay karaniwan. Bukod sa mga pagbabago sa pamumuhay, may mga laxative na safe sa buntis. Ang mga pampalambot ng dumi at mga bulk-forming agent ay ilan sa mga laxative na itinuturing na ligtas para sa expectant mothers. Gayunpaman, kumunsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng anumang uri ng laxative.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis Dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pregnancy Constipation, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21895-pregnancy-constipation, Accessed May 16, 2022

Is it safe to take stool softeners to treat pregnancy constipation?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/pregnancy-constipation/faq-20058550#:~:text=Stool%20softeners%20are%20generally%20considered,make%20it%20easier%20to%20pass., Accessed May 16, 2022

Laxatives During Pregnancy, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/is-it-safe/laxatives-during-pregnancy/, Accessed May 16, 2022

Treating constipation during pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3418980/, Accessed May 16, 2022

Laxatives, https://www.nhs.uk/conditions/laxatives/, Accessed May 16, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement