Ang luyang dilaw o turmeric ay pangkaraniwang ginagamit na pampalasa sa maraming pagkaing Pilipino. May mga health benefits din ito. Pero, mabuti ba ang luyang dilaw para sa buntis? Pwede bang uminom ng turmeric supplements ang mga buntis para protektahan o itaguyod ang kanilang kalusugan pati na rin ang kanilang sanggol? Alamin dito.
Ligtas ba ang Luyang Dilaw Para sa Buntis?
Bago ang sagot sa tanong na, Mabuti ba ang turmeric para sa mga buntis, malamang na gusto mo munang malaman ang tungkol sa kaligtasan nito.
Ayon sa mga report, ang turmeric o luyang dilaw ay malamang na ligtas para sa mga buntis kapag iniinom sa kaunting halaga. Ibig sabihin, ito ang tipikal na dami na inilalagay mong pampalasa sa pagkain.
Ang Mga Potensyal na Benepisyo ng Luyang Dilaw sa Pagbubuntis
Nasa ibaba ang mga posibleng benepisyo sa kalusugan ng curcumin, ang aktibong compound sa turmeric:
-
Maaaring makatulong ito sa pamamaga at pagiging sensitibo sa insulin
Nabanggit ng isang pag-aaral na ang 1500 mg ng curcumin supplementation bawat araw sa loob ng 10 linggo ay nagresulta sa mga sumusunod:
- Nabawasan ang triglycerides, isang uri ng taba. Ang mataas na antas ay maaaring magpahiwatig ng mas mataas na panganib para sa stroke.
- Nabawasan ang C-reactive protein, isang compound na ginawa ng atay bilang tugon sa mga pamamaga.
- Tumaas na adiponectin, na makakatulong sa paglaban sa pamamaga, pagkasensitibo sa insulin, at atherogenesis o ang pagbuo ng mga taba sa arteries.
Ang mga potensyal na benepisyong ito ay mahalaga, lalo na dahil maraming buntis ang maaaring magkaroon ng gestational diabetes.
-
Maaaring makatulong ito sa mga buntis na pamahalaan ang kanilang timbang
Isa sa mga posibleng isyu sa mga buntis ay ang labis na pagtaas ng timbang. Ngayon, mayroong isang pag-aaral na nagsasabi na ang 2100 mg ng turmeric powder araw-araw sa loob ng 8 linggo ay maaaring makabawas ng timbang. At maging ang mga antas ng low-density lipoprotein o bad cholesterol.
-
Maaari itong makatulong na maiwasan ang preeclampsia
Ang preeclampsia ay isang kondisyon kung saan ang isang buntis ay nakakaranas ng high blood pressure at mga antas ng protinang lumalabas sa ihi. Maaari itong magpahiwatig ng pinsala sa bato.
Nabanggit ng isang pag-aaral na ang curcumin ay maaaring magpababa ng inflammatory markers sa mga buntis. Makakatulong ito na maiwasan ang preeclampsia.
Mga Potensyal na Panganib ng Luyang Dilaw sa Pagbubuntis
Hindi masasagot ang tanong kung, “Ang turmeric ba ay mabuti para sa mga buntis?”, nang hindi pinag-uusapan ang potential dangers nito.
Sa kabila ng mga posibleng benepisyo nito, mayroong isang pag-aaral sa hayop na nabanggit na ang mga supling ng mga hayop na nakatanggap ng curcumin sa panahon ng pagbubuntis ay may bahagyang mababang timbang nang ipinanganak.
Mga Supplement: Mabuti ba ang Luyang Dilaw para sa Buntis?
Kung isasaalang-alang ang mga potensyal na benepisyo at panganib sa kalusugan, magiging okay ba para sa mga buntis ang turmeric supplementation?
Sabi ng mga eksperto, hindi.
Bagama’t may mga pag-aaral na nagpapakita ng mga posibleng benepisyo sa kalusugan ng curcumin o turmeric supplementation sa mga buntis, ang buong epekto ng supplementation ay hindi pa tunay na alam.
Upang maging ligtas, pinakamahusay na manatili sa sariwa o lutong turmeric sa tamang dami ng pagkain.
Paano Isama ang Luyang Dilaw sa Iyong Diet
Ang paggamit ng luyang dilaw o turmeric bilang pampalasa ay maaaring hindi magbigay sa iyo ng mga posibleng epekto. Ngunit maaari ka pa ring makinabang sa pamamagitan ng:
- Pagbudbod ng ginadgad na sariwang turmeric sa mga gulay, nilutong itlog, at sabaw
- Pagdaragdag ng turmeric sa mga smoothies o juice
- Paggamit ng turmeric sa mga lutong bahay
- Paghahanda ng sariwang turmeric tea. Maglagay lamang ng 1 kutsarita ng turmeric na pinigaan ng lemon sa isang tasang kumukulong tubig. Maaari mo ring patamisin ito ng kaunting honey.
- Pagdaragdag ng hiniwa o gadgad na turmerik sa iyong mga ulam.
Habang ginagawa ang mga ito, huwag kalimutang sundin ang dietary guidelines na ibinigay sa iyo ng iyong doktor. Para ito sa isang malusog na pagbubuntis.
Key Takeaways
Mabuti ba ang luyang dilaw para sa buntis? Sinasabi ng ilang pag-aaral na makakatulong ito sa pagiging sensitibo sa insulin, pagkontrol sa timbang, at maging sa pag-iwas sa preeclampsia. Gayunpaman, mayroon ding isang pag-aaral sa hayop na nagmumungkahi na maaari itong magresulta sa bahagyang lower birth weight.
Upang maging ligtas, sinabi ng mga eksperto na ang mga buntis ay dapat manatili sa pagkakaroon ng luyang dilaw sa tamang dami sa pagkain. Mahigpit nilang pinipigilan ang mga buntis na uminom ng luyang dilaw o curcumin supplements.
Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa luyang dilaw, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor.