backup og meta

Paano Malaman Ang Due Date? Heto Ang Isang Gabay

Paano Malaman Ang Due Date? Heto Ang Isang Gabay

Matindi ang excitement na nararamdaman ng mommies sa pagdating ni baby. Kaya maraming ina ang inaalam kung paano malaman ang due date. Pwedeng ipaalam ng OB-Gynecologist ang inaasahang petsa ng kapanganakan sa isang ina. Ngunit, dahil sa  kasabikan na makita ang anak. Marahil ay nagkakalkula pa rin nang mag-isa si mommy. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa estimated date at kung paano kalkulahin ang due date.

Ano Ang Due Date?

Ang due date o estimated date ng panganganak ay ang expected date kung kailan ka manganganak sa iyong baby.

Karamihan sa mga pagbubuntis ay tumatagal ng 280 araw o 40 linggo (average). Mula sa unang araw ng iyong huling regla (LMP). Subalit, kahit na karaniwang isinasaalang-alang ang unang araw ng iyong LMP. Bilang ang unang araw ng pagbubuntis, tandaan na malamang na hindi ka nag-conceive, hanggang sa dalawang linggo pagkatapos.

Bagama’t maaari mong kalkulahin ang baby’s due date batay sa huling regla. Huwag pa ring kakalimutan na hindi ito perpekto. Gayunpaman, ito ang prinsipyo sa likod ng due date at pregnancy wheels.

At syempre, matutulungan ka rin ng iyong OB-Gynecologist na malaman ang baby’s estimated date of delivery. Ito’y sa pamamagitan ng ultrasound test o ovalulation date. Kung nagkaroon ka ng in vitro fertilization (IVF), gagamitin nila ang petsa kung kailan inilipat ang embryo.

Paano Malaman Ang Due Date

Para kalkulahin ang estimated due date, maaari mong gamitin ang Naegele’s Rule. Kung saan, ito ay gumagamit ng LMP. Nasa ibaba ang mga instruction sa ibaba:

  1. Tukuyin ang unang araw ng iyong huling regla.
  2. Magbilang pabalik sa 3 buwan ng kalendaryo mula sa petsang iyon.
  3. Magdagdag ng 1 taon at 7 araw sa resulting date.

Narito ang isang halimbawa kung paano kalkulahin ang due date.

  1. Sabihin natin na ang unang araw ng LMP ay Hunyo 16, 2021.
  2. Sa pagbibilang pabalik ng 3 sa mga buwan ng kalendaryo, makukuha ang sagot na Marso 16, 2021.
  3. Magdagdag ng 1 taon at 7 araw, at makukuha ang sagot na: Marso 23, 2022, bilang estimated date of delivery.

Magagamit mo rin ito bilang tumpak na due date calculator:

Mga Paalala

Ang paggamit ng calculator ay nakakatulong kung paano kalkulahin ang due date. Ito’y accurate pagdating sa mga tuntunin ng pagkalkula o computation. Gayunpaman, ang resulta ay hindi madalas na nagpapakita ng aktwal na petsa kung kailan ka manganganak. Magkakaroon ka lang ng estimated date.

Gayundin, huwag magtaka kung babaguhin ng doktor ang estimated date ng pagdating ng iyong baby. Dahil, pwede itong idepende sa kung ano ang ginagawa ng iyong sanggol (paggalaw, heartbeat, fundal height atbp.). Maaaring ilipat ng doktor ang iyong due date ng pasulong o pabalik.

Higit pa rito, tandaan na ang Naegele’s Rule ay batay sa 28-araw na cycle. Kung mayroon kang mas maikli o mas mahabang cycle, ang iyong doktor ay gagawa ng ilang mga adjustment.

Kapag naman hindi mo alam ang unang araw ng iyong LMP, huwag mag-alala. Dahil karamihan ng mga kaso, kailangan mo lamang ibigay ang linggo ng iyong huling regla — at ang doktor na ang bahala sa pa-estimate.

Kahalagahan Ng Pagbilang Ng Due Date

Bago dumating ang iyong baby, pwede kang magsimulang maghanda para sa “maternity go bag” at newborn essentials. Bukod pa rito, ang pag-alam kung kailan ang due date ng sanggol ay makakatulong sa’yong mag-file ng paternity o maternity leave.

Sa madaling sabi, ang pag-aaral kung paano malaman ang due date ay makakatulong sa’yong magplano para sa iyong panganganak — at maging mentally prepare sa pagiging magulang.

[embed-health-tool-due-date]

Paano Kung Malampasan Mo Ang Iyong Due Date?

Tulad ng nabanggit kanina, ang due date calculator ay nagbibigay lamang ng isang estimation. Kaya ang paglampas sa’yong due date ng ilang araw ay kadalasang hindi dapat alalahanin. Ang doktor ay mag-aalala lamang kung napaaga ang iyong panganganak o naging overdue ang sanggol.

Nangyayari ang prematurity kapag ang sanggol ay ipinanganak. Bago ang simula ng kanilang ika-37 linggo sa sinapupunan. Dahil ang preterm birth ay isang risk factor para sa iba’t ibang mga problema sa kalusugan. Susubaybayan ka ng doktor at ang iyong baby, para ma-monitor ang inyong kalagayan. Makakatulong din kung babantayan mo ang mga senyales ng panganganak o labor. Para makahingi ka ng medikal na tulong sa lalong madaling panahon.

Nagaganap naman ang late-term pregnancy, kapag ang baby ay nasa sinapupunan pa rin sa 41 weeks hanggang sa 41 na linggo at 6 na araw — gayundin sa post-term na pagbubuntis. Kapag hindi ka pa nanganganak sa ika-42 na linggo at higit pa. Ilalagay nito sa panganib ang iyong sarili at baby. Kung ang iyong sanggol ay overdue, ang iyong healthcare provider ay pwedeng isaalang-alang ang paghikayat sa panganganak.

Key Takeaways

Ang iyong due date ay ang estimated time ng pagdating ng iyong baby. Maaari mong matutunan kung paano kalkulahin ang takdang petsa. Gamit ang isang app ng due date calculator. Ngunit mangyaring tandaan lamang na ang resulta ay isang estimation lamang.
Karaniwan din na walang dapat ipag-alala kung malagpasan ang due date ng ilang araw. Ngunit kung ang iyong anak ay dumating nang maaga o na-overdue, gugustuhin ng doktor na i-monitor ka at ang iyong baby. Para masigurado ang inyong kaligtasang mag-ina.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Calculating a Due Date, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=calculating-a-due-date-85-P01209, Accessed June 16, 2021

Pregnancy: Ways to Find Your Due Date, https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/aa87660, Accessed June 16, 2021

Using the due date calculator, https://www.nhs.uk/pregnancy/finding-out/due-date-calculator/, Accessed June 16, 2021

How do you calculate your due date? https://my.clevelandclinic.org/health/articles/10043-calculating-your-estimated-due-date, Accessed June 16, 2021

Baby due date, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/baby-due-date#premature-babies, Accessed June 16, 2021

Overdue pregnancy: What to do when baby’s overdue, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/overdue-pregnancy/art-20048287, Accessed June 16, 2021

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement