Bagaman marami ang nag-aalala na delikado ang pag-eehersisyo sa buntis, pinatuyan ng ilang mga nanay tulad ng artistang si Iya Villania-Arellano na ito at posible. Sa katunayan, marami ang namamangha sa kanyang mga posts na nagpapakita na hindi mawawala sa kanyang routine ang araw-araw na paggalaw. Alamin sa artikulong ito ang iba’t ibang mga ehersisyo para sa buntis.
Ligtas Ba Ang Pag-eehersisyo Habang Nagbubuntis?
Isang malaking katanungan para sa karamihan kung ligtas ba ang pag-eeehersisyo habang nagbubuntis. Ito ay marahil ang karamihan ay nag-eehersisyo para pumayat lamang. Ngunit, dapat magbago na ang paniniwalang ito.
Sa katunayan, mainam ang regular na pisikal na aktibidad sa malusog at normal na pagbubuntis. Taliwas sa iniisip ng ibang tao, hindi nito napapataas ang panganib ng pagkalalag, mababang timbang ng panganganak, o maging maagang panganganak.
Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), maraming mga benepisyong dulot ang pag-eehersisyo. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Binabawasan nito ang pananakit ng likod.
- Napagagaan nito ang pagkakaroon ng constipation.
- Naitataguyod ng malusog na pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis.
- Pinapabuti ang iyong overall fitness at pinapalakas ang iyong puso at mga daluyan ng dugo.
- Tumutulong sa iyo na mabawasan ang timbang ng sanggol pagkatapos manganak.
Bukod pa rito, nakatutulong ang mga ehersisyo para sa buntis upang mabawasan ang panganib sa ilang mga kondisyon tulad ng:
Higit pa rito, malaki rin ang tulong na naiaabot ng mga ehersisyo para sa buntis upang mapaghandaan ang physical demands ng panganganak at pagiging ina. Kung mas aktibo at fit ka sa panahon ng pagbubuntis, mas madali para sa iyo na mag-adapt sa iyong nagbabagong hugis at pagtaas ng timbang.
Subalit, ang mga babaeng may mga sumusunod na kondisyon o komplikasyon sa pagbubuntis ay hindi pinapayuhang mag-eherisyo:
- Ilang uri ng sakit sa puso at baga
- Cerclage
- Pagiging buntis sa kambal o triplets (o higit pa) na may mga kadahilanan ng panganib para sa preterm labor
- Placenta previa pagkatapos ng 26 na linggo ng pagbubuntis
- Preterm labor o mga ruptured membranes (pumutok na ang panubigan)
- Preeclampsia o mataas na presyon ng dugo na dulot ng pagbubuntis
- Malubhang anemia
Ano Ang Iba’t Ibang Mga Ehersisyo Para Sa Buntis?
Kung ikaw ay nagdadalang-tao, narito ang ilan sa mga ehersisyo na maaari mong gawin:
Walking
Magandang panimulang ehersisyo ang paglalakad sa iyong lugar upang maging madali lang ito para sa iyong mga muscles at kasukasuhan. Ang brisk walking ay mainam na total body workout para sa mga buntis.
Swimming at Aquarobics
Ang aquarobics or mga water workouts ay kinikilala bilang posibleng mga ehersisyo para sa buntis. Sinusuportahan ng tubig ang iyong timbang upang maiwasan ang pinsala at pagkapagod ng muscles.
Cycling
Ang spinning o pagbibisikleta sa isang stationary bike ay ligtas para sa karamihan ng mga kababaihang nagbubuntis, kabilang ang mga unang beses pa lamang mag-eehersisyo.
Yoga At Pilates
Isang magandang paraan ng pag-eehersisyo ang yoga. Ayon sa isang pag-aaral, nakatutulong ito sa stress at pain management. Bukod pa rito, pinapabuti ang flexibility, at hinihikayat ang stretching at focused breathing.
May mga prenatal yoga at Pilates classes din na idinisenyo para sa mga buntis. Ang mga klase na ito ay madalas na nagtuturo ng mga modified pose upang maging angkop ito para sa nagbabagong balanse ng buntis. Ngunit, dapat mong iwasan ang mga pose na nangangailangan na mapanatili mo sa mahabang panahon.
Maaari mo ring gawin ang ilang mga muscle strengthening exercises tulad ng mga stomach-strengthening exercises at pelvic floor exercises.
Tips Para Sa Mga Ehersisyo Para Sa Buntis
Makatutulong ang ilang tips na ito upang mapangasiwaang mabuti ang iba’t ibang mga ehersisyo para sa buntis.
- Ugaliing magwarm-up bago mag-ehersisyo at mag-cool down naman pagkatapos.
- Subukang isama ang araw-araw na pag-eehersisyo sa regular na routine.
- Huwag kalimutang uminom ng maraming tubig.
- Kung ikaw ay dadalo sa mga exercise classes, tiyaking kwalipikado ang iyong instructor at alam na buntis ka. Mainam ding mabanggit mo kung ilang linggo o buwan ka na upang maisaalang-alang nila ito.
Key Takeaways
Salungat sa paniniwala ng iba, pinatutunayan ng ilang mga pag-aaral na mainam ang pag-eehersisyo para sa mga buntis. Malaki ang naitutulong ng ehersisyo sa pangkalahatang kalusugan ng ina at ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Ngunit, dapat pa ring isaalang-alang ang iyong iyong kakayahan at kapasidad sa pagsasagawa nito. Kumunsulta sa iyong doktor kung ano ang pinakaangkop mula sa listahan para sa iyo.
Alamin ang iba pa tungkol sa Prenatal Care dito.