Kapag buntis ka, isa sa mga unang dapat mong tingnan ay ang iyong nutrisyon. Higit itong mahalaga ngayon lalo na’t may dinadala ka nang sanggol sa sinapupunan. Ito ang dahilan kung bakit nakaririnig ka mula sa iyong mga kaibigan at pamilya na nagsasabing kumain nang kumain hangga’t maaari upang maibigay ang sustansyang kinakailangan ng iyong anak. Isa sa mga pinakaimportanteng nutrisyon ay ang calcium. Basahin ang artikulong ito upang matuto pa tungkol sa mga benepisyo ng calcium sa buntis.
Lahat Ng Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Calcium Sa Buntis
Gaya ng alam ng marami, ang partikular na sustansyang ito ay mahalaga para sa buto ng tao. Sakop nito ang 1% hanggang 2% ng kabuuang body mass, na isang requirement para sa iba’t ibang physiological functions. Nakaimbak sa mga ngipin at buto ang calcium na nagsisilbing lagakan nito.
Higit na kinakailangan ang pagkonsumo ng calcium lalo na habang nagbubuntis o nagpapasuso ang isang babae. Lumalabas sa pag-aaral na ang pagdaragdag ng kinokonsumong calcium sa mga kritikal na yugto gaya ng habang nagbubuntis at nagpapasuso ay nakatutulong sa maternal bone health. Hindi lang iyon, napagaganda rin nito ang pinagkukunan ng gatas ng fetus. Kaya naman, nakikita ang direktang kaugnayan ng karagdagang bone density at bone length para sa mga sanggol.
Bukod dito, napabababa ang panganib ng preeclampsia sa pamamagitan ng calcium supplementation. Ang kondisyong ito ng kalusugan ay may kasamang biglaang pagtaas ng blood pressure at iba pang hypertensive conditions na may malaking proporsyon ng mga namamatay na babae. Ilan din sa mga ito ang nakapagdudulot ng panganib ng preterm birth na nagbubunsod ng mga neonatal problems at maging ng pagkamatay ng sanggol.
Ang mga buntis na hindi kumokonsumo ng sapat na dami ng calcium lalo na sa kanilang third trimester ay maaaring malagay sa panganib ng pagkakaroon ng osteoporosis kalaunan.
Calcium Sa Buntis: Paano Ito Makatutulong Sa Iyong Sanggol?
Ang benepisyo ng calcium sa buntis ay umaabot hanggang sa kanilang lumalaking sanggol. Nagsisilbing supplementary nutrients ang calcium na mahalaga sa malusog na paglaki at development ng musculoskeletal, nervous, at circulatory systems.
- Nagpapatibay ng mga buto at ngipin
- Nagpapalakas ng puso, nerves, at kalamnan
- Nakatutulong sa normal na ritmo ng puso
- Nakatutulong sa kakayahan upang hindi magtuloy-tuloy ang pagdurugo
Ilan lamang ito sa maraming dahilan kung bakit tumataas ang pangangailangan sa calcium habang nagbubuntis.
Gaano Karaming Calcium Ang Kailangan Mo At Ng Iyong Sanggol?
Kailangan ng 1,000 mg ng calcium sa bawat araw ang mga buntis at nagpapasusong nanay. Sa kabilang banda, mas kailangan ng dagdag na calcium ng mga mas batang buntis at nagpapasuso. Ang inirerekomendang dami ng calcium sa bawat araw ay 1,300 mg.
Ano Ang Mga Magagandang Pinagmumulan Ng Calcium?
Maraming mga tao ang nakahahanap ng calcium sa mga dairy products, at ang nasa unahan ng kanilang listahan ay:
- Gatas ( halimbawa: rice milk, soya, at almond)
- Yogurt
- Keso (halimbawa: Ricotta, Mozzarella, Cheddar)
- Ice Cream
Marami ding mga prutas at gulay na magandang pagkunan ng calcium:
- Spinach
- Collard greens
- Broccoli rabe
- Cress
- Kale
- Green soybeans
- Bok Choy
- Rhubarb
- Figs (dried)
- Broccoli
- Oranges
- White beans
- Chickpeas
- Red beans
May mga tao ring naghahanap ng seafood proteins gaya ng salmon, hipon, at kahit sardinas upang makakuha ng mahalagang sustansya na kanilang kinakailangan. Mayroon ding mga taong nais na makakuha ng calcium sa mga fortified food gaya ng cereals at oatmeals.
[embed-health-tool-due-date]
Key Takeaways
Isang napakahalagang sangkap ang calcium para sa growth at development ng iyong sanggol.
Pakatandaan na hindi lamang ang sarili mo ang iyong binibigyan ng sapat na nutrisyon kundi lalo’t higit ang iyong lumalaking anak sa sinapupunan.
Tiyaking nakukuha mo ang lahat ng sustansyang kailangan upang magkaroon ng masaya at malusog na pagbubuntis.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.