backup og meta

Nawawala Ba Ang Stretch Marks? Alamin Dito

Nawawala Ba Ang Stretch Marks? Alamin Dito

Isa sa mga mas nakababahalang bagay tungkol sa pagbubuntis ay ang pagkakaroon ng stretch marks sa tiyan ng ina. Pinakamadalas itong nakikita sa huling trimestre ng pagbubuntis. Ang reddish-brown markings na ito ay hindi kadalasang nangangailangang ma-diagnose. Dahil ang mga ito ay nag-iiwan ng marka sa katawan ng babae, marami ang nagtatanong kung nawawala ba ang stretch marks at kung paano. Alamin sa artikulong ito.

Mga Sanhi At Sintomas Ng Stretch Marks

Ang stretch marks ay karaniwan sa mga buntis kung sila ay malapit nang manganak. Hindi ito masakit at mapanganib. Tinatawag din itong striae. Ang mga ito ay indented na guhit na maaaring lumabas sa tiyan, suso, balakang, puwitan, o ibang mga bahagi ng katawan.

Hindi magkakatulad ang itsura ng stretch marks. Nangyayari ang pagkakaibaiba ng mga ito depende kung gaano na ito katagal sa katawan ng babae, sa sanhi nito, sa bahagi ng katawan kung saan ito makikita, at sa uri ng balat.

Sa simpleng usapin, ang stretch marks ay sanhi ng pagkabanat ng balat.

Ang mga salik tulad ng genetics at lebel ng stress sa balat ay tumutukoy sa maaaring kalubhaan ng stretch marks. Isa pang salik na maaaring makaapekto ay ang lebel ng cortisol na pinoprodyus ng katawan. Ang cortisol ay isang hormone na pinoprodyus ng adrenal glands at nakapagpapahina ng elastic fibers sa balat.

Nawawala Ba Ang Stretch Marks?

Ang stretch marks ay kadalasang lumalabas kasabay ng iba pang mga gasgas sa balat tulad ng peklat at keloids. Subalit nawawala ba ang stretch marks? Tulad ng natuklasan sa isang pag-aaral noong 2010, kinakailangang magsagawa ng controlled studies upang lubusang masuri ang mga kasalukuyang laser modalities at protocols ng gamutan. Ginagamit na ang lasers upang tanggalin ang mga peklat kaya’t maaari itong mangahulugangang maaari din itong gamitin upang tanggalin ang stretch marks.

Noong Pebrero 2020, isang pag-aaral ang gumamit ng silanols na may boron na sangkap at fractional-ablative laser upang tanggalin ang parehong stretch marks at wrinkles.

Ang pagiging epektibo ng pagtanggal ng wrinkles ay mas mainam kung isasagawa ang kombinasyong therapy sa anyo ng transdermal delivery ng methylsilanetriol at ng laser therapy. Ang pagtanggal sa stretch marks sa pamamagitan ng kombinasyong therapy ay kahalintulad ng dalawang laser treatment at mas epektibo kaysa sa isang laser therapy.

Isang Online Na Pag-Aaral Sa Pamamagitan Ng Amazon

Nilayon ng isa pang pag-aaral noong 2020 na alamin ang mga produktong gusto ng mga tao sa paggamot ng stretch marks batay sa product vehicle at sa mga sangkap ng produkto.

Sa pamamagitan ng internet retailer na Amazon, natuklasan ng pag-aaral na sa 10,000 mga produkto, 184 ang napili bilang pinakamabuti batay sa reviews at rating criteria. Ang oil ay ang pinakakaraniwang produkto habang ang bitamina E ay ang pinakakaraniwang sangkap.

Naging konklusyon ng pag-aaral na tunay na may mga produktong nagsasabing nakaiiwas at nakagagamot ng stretch marks. May mga tiyak na sangkap sa mga produktong ito na gusto ng mga tao sa paggamot ng kanilang stretch marks.

Gayunpaman, kinakailangang magsagawa ng marami pang mga pag-aaral upang matukoy ang pagiging epektibo ng remedies na ito.

Key Takeaways

Bagama’t maraming mga kababaihan ang sanay na sa pagkakaroon ng stretch marks sa kanilang tiyan habang nasa ikatlong trimestre ng pagbubuntis, may mga tiyak pa ring paniniwala sa mga ito.
May mga gustong malaman kung nawawala ba ang stretch marks nang sabay-sabay. Bagama’t ang genetics at lebel ng stress sa balat ay maaaring makatukoy kung mawawala ang mga ito, matagal nang inaakala na kung hindi matanggal ang mga ito nang natural, walang paraan upang tanggalin ang stretch marks.
Nalaman sa mga pag-aaral na ang ganap na solusyon para sa stretch marks ay malapit nang matuklasan. Marahil ito ay Easy Peel, kombinasyon ng laser therapy at compounds, o iba pang mga solution na mabibili sa Amazon.
Maraming mga produkto ang nagtataglay ng solution na ito na may iba’t ibang lebel ng resulta. Isang komprehensibong paraan kung paano nawawala ang stretch marks nang sabay-sabay ay maaaring madiskubre na.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stretch marks: diagnosis & treatment, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/stretch-marks/diagnosis-treatment/drc-20351144,  Accessed January 5, 2022

Easy Peel for the Treatment of Stretch Marks, https://www.liebertpub.com/doi/abs/10.1089/153082000750062894, Accessed January 5, 2022

Scars, Keloids, and Stretch Marks, https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-3-642-03438-1_13, Accessed January 5, 2022

Development of a combination therapy with silanols complexed with boron citrate and ablative-fractional laser for treatment of wrinkles and stretch marks, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/09546634.2020.1729332, January 5, 2022

Consumer Preference of Products for the Prevention and Treatment of Stretch Marks: Systematic Product Search, https://derma.jmir.org/2020/1/e18295?utm_source=TrendMD&utm_medium=cpc&utm_campaign=JMIR_TrendMD_1, January 5, 2022

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Ann Guevarra MD, OB-GYN Diplomate, POGS

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement