Kadalasang nagreresulta ang ablative laser sa pangangati, pamamaga, at raw skin. Dahil dito tatakpan ng doktor ang bahaging ito ng makapal na ointment at dressing. Maaari ka ring bigyan ng painkillers at sabihan kang gumamit ng cool compress. Sa panahon na ito, mainam na iwasan ang mga skincare na produkto at mga gawain na maaaring makairita sa balat, tulad ng swimming.
Ang nonablative laser resurfacing ay nangangailangan lamang ng kaunting oras sa recovery, at tipikal na makababalik ka na sa mga normal na gawain matapos ito. Maaaring may mga pamamaga at pamumula, ngunit kadalasan na ang cool compress ay sapat na upang maibsan ito.
Dahil bawat tao ay magkakaiba, kailangan mong makinig sa panuto ng dermatologist para sa pag-aalaga ng balat matapos ang treatment.
Mahalagang Tandaan
Gumagamit ang laser resurfacing ng intense laser beams upang magsulong ng pagdami ng collagen. At makatulong na magkaroon ng mas bago, mas malambot, at tight na balat. Gayunpaman, ang pamamaraan na ito ay hindi para sa lahat. Kung interesado ka, pakiusap na talakayin muna sa iyong doktor ang benepisyo at banta nito
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Balat at Paglilinis dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap