Sa ikatlong trimester, ang fetus ay nadebelop na nang tuluyan. Gayunpaman, ang ilang bahagi ng kanilang katawan ay hindi pa nabubuo nang tuluyan para mapadali ang panganganak ng ina. Kabilang dito ang skull bones ng fetus, na hindi pa gaanong nakadikit sa isa’t isang sa yugtong ito.
Ang mahalagang bahagi ng yugtong ito ay ang pagkakabuo ng baga. Ito ay dahil ang fetal lungs ay inaasahang mabuo sa pagitan ng 32 at 36 na linggo ng pagbubuntis. Ang mga sanggol na ipinanganak bago ang yugtong ito ay maaaring magkaroon ng respiratory distress syndrome.
Sa kasagsagan ng ikatlong trimester, ang bahagi ng fetus na lalabas ng matres ay dadaan sa pelvis ng ina. Tinatawag ito ng mga doktor na “engagement.”
Ano-ano ang mga Posibleng Komplikasyon sa Ikatlong Trimester?
Sa kadahilanang nalalapit na ang panganganak, ang mga inaasahang magulang ay dapat na maging mapagbantay sa mga tiyak na komplikasyon sa kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit kakailanganin ng mga doktor na magmungkahi ng mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay at mga paraan ng panggagamot sa panahon ng ikatlong trimester ng pagbubuntis. Kabilang sa mga posibleng komplikasyon ng pagbubuntis ay ang sumusunod:
- Preeclampsia na maaaring magdulot ng premature delivery
- Gestational diabetes, na maaaring magdulot ng macrosomia (mataas na gestational age) sa bata
- Preterm labor, na maaaring makapagdagdag ng banta ng pagkakaroon ng mga kondisyong pangkalusugan
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap