backup og meta

Paano Malalaman Kung Baog Ang Isang Tao? Alamin Dito

Paano Malalaman Kung Baog Ang Isang Tao? Alamin Dito

Ang pagkabaog ay nakaaapekto sa 15% ng mga magkasintahan sa buong mundo.

Ito ay natutukoy dahil sa hindi pagbubuntis sa isang taon nang regular na walang proteksyon na pakikipagtalik. Ang pagkabaog ay maaaring sanhi ng parehong lalaki o babae. Nasa ⅓ ng kaso ng pagkabaog ay mula sa mga babae. 

Ang isa pang ⅓ ng problema sa pagkabog ay dahil sa mga lalaki. Ang ibang mga kaso na kabilang nito ay hindi kilalang problema. Paano malalaman kung baog ang isang tao ay sa pamamagitan ng maraming test at procedures.

Mahalaga na magpatingin sa doktor kung napagdesisyunan mo nang mabuntis.

Ano ang sanhi ng pagkabaog?

Ang unang hakbang sa pag-alam paano malalaman kung baog ay ang pagtukoy kung ano sanhi nito. Ang pagkabaog ay maraming dahilan. Para sa mga babae, karaniwan na dahilan ang mga sumusunod:

Problema sa Ovulation

Maraming mga kaso ng pagiging baog sa babae ay kaugnay ng isyu sa ovulation.

Ang ovulation ay kung saan ang ovaries ay naglalabas ng egg ilang araw bago magsimula ang pagreregla. Maaaring magambala ng obesity, hormonal imbalances, at tumor ang ovulation.

Pinsala sa fallopian tubes

Ang fallopian tube ay kung saan nagtatagpo ang sperm at egg para sa fertilization. Minsan, nagkakaroon ng blockages na naghihinto sa proseso nito. Maaaring ito ay sanhi ng mga sumusunod:

Pelvic inflammatory disease

Ito ay isang impeksyon sa reproductive organs ng babae.

Endometriosis

Ito ay nangyayari kung ang tissue ay nakita sa loob ng uterus na lumalaki sa labas at iba pang parte ng katawan.

Birth defects tulad ng Down’s syndrome o spina bifida

History of ectopic pregnancy

Uterine Fibroids

Ito ay nangyayari kung ang clumps of tissue ay lumaki sa uterus walls. Ito ay kadalasan na benign o non-cancerous.

Para sa mga lalaki, ang pagkabaog ay sanhi ng mga sumusunod:

Hindi malusog na sperm

Ito ay natutukoy sa dami ng semilya, motility, at itsura. Ang pagdami at paglaki ng sperm ay maaaring apektado ng maraming salik, ilan sa mga ito ay:

  • Hindi magandang pagpili ng lifestyle
  • May kondisyon sa kalusugan
  • Infections
  • Chromosomal abnormalities
  • Varicoceles: Ito ay ang paglaki ng veins sa scrotum. Nakaaapekto ang varicoceles sa sperm production dahil sa disruption ng daloy ng dugo.
  • Init: ang mga testicle ay kadalasan na nasa mababang temperatura kumpara sa ibang organs. Ang paglalagay sa kanila sa mataas na lebel ng temperatura sa matagal na panahon ay nakapipinsala sa kalusugan ng sperm at functionality.
  • Isyu sa ejaculation at pagpapanatili ng erection: Ito ay kaugnay ng hormonal imbalances. Maaari itong magresulta sa pagbaba ng sex drive.

Paano malalaman kung baog ang parehong lalaki at babae ay ang pagtukoy ng parehong mga sanhi, kabilang ang:

  • Edad: ipinakita ng pag-aaral na ang fertility ay bumababa habang tumatanda. Bumababa ang sperm mortility sa mga lalaki habang ang mga babae ay maaaring makaranas na makunan. Karagdagan, ang mga bata na isinilang ng kanilang nanay na 35 pataas ay maaaring may abnormalities.
  • Obesity: Ang dagdag na fat deposits sa lalaki ay maaaring makaapekto sa kalidad ng sperm. Habang ang mga babae na overweight ay mas mahirap na mabuntis. 
  • Hindi magandang pagpili ng lifestyle: Ang madalas na pag-inom ng alak at paninigarilyo at maging ang drugs ay maaaring makapinsala sa functionality at reproductive organs. 

Ano ang sintomas ng pagkabaog?

Ang pag-alam paano malalaman kung baog ay ang pagtingin sa mga sintomas.

Ang sintomas ng pagkabaog ay nakadepende sa sanhi. Minsan, ang mga indikasyon ng ibang kondisyon sa kalusugan ay kaugnay ng pagkabaog.

Para sa mga babae, ang karaniwang sintomas ay:

  • Pagbabago ng menstrual cycle: Ang hormonal imbalances ay nakasisira ng normal na ovulation process. Ang polycystic ovarian syndrome (PCOS) ay halimbawa ng hormonal imbalance. Ang kondisyon na ito ay karaniwan na minamarkahan ng hindi regular na pagreregla o hindi nireregla.
  • Sakit sa pelvic area, sakit sa likod, at madalas na cramps
  • Sobrang pagdami ng buhok lalo na sa dibdib at mukha
  • Sakit habang nakikipagtalik
  • Tigyawat
  • Nababawasan ang sex drive
  • Abnormal na discharge sa utong na hindi kaugnay ng pagbubuntis

Sa kabilang banda, ang mga sintomas sa lalaki ay kadalasan na hindi napapansin hanggang sa hindi na sila makabuntis.

Para sa mga lalaki, ang karaniwang sintomas ay:

  • Sakit, pamamaga at discomfort sa paligid ng testicle
  • Erectile dysfunction
  • Premature ejaculation
  • Low sex drive

Kontakin ang iyong doktor kung nakaranas ng mga sintomas kaugnay ng sakit at discomfort. Kabilang dito ang sakit sa tiyan at abnormal na pagdurugo sa mga kababaihan at ang pamamaga sa paligid ng testicles sa kalalakihan.

Paano nadi-diagnose ang pagiging baog?

Nakatutulong ang pagsasailalim sa mga test at procedures upang malaman kung baog. Malalaman kung baog ang babae o lalaki sa pamamagitan ng physical exam. Kabilang dito ang pangongolekta ng medical history upang malaman ang potensyal na salik na nakaaapekto sa pagkabaog.

Para sa mga babae, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng mga test, kabilang ang:

  • Pelvic exam: Ite-test ang sample ng isang mucus para sa posibleng infections.
  • Urine o blood test: Ginagamit ang mga ito upang makita ang infections o hormonal imbalance. Halimbawa, ang lebel ng follicle-stimulating hormone (FSH) at anti-Mullerian hormone (AMH) sa dugo ay nagsasabi ng dami ng egg supply ng babae.
  • Ovulation predictor kit: Ang test ng dugo o ihi ay nalalaman kung ang ovulation ay nangyayari. Ang kit na ito ay mabibili sa over-the-counter.
  • Hysterosalpingogram (HSG): Ang pamamaraan na ito ay ginagamit upang ma-examine ang fallopian tubes para sa blockages. Ini-inject ang liquid eye sa uterus habang nagpapa-xray picture upang makita ang liquid kung gumagalaw nang maayos sa fallopian tube. 
  • Laparoscopy: Ginagawa ang procedure na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na camera sa tiyan upang ma-examine ang reproductive organs.
  • Hysteroscopy: Kabilang dito ang pagpasok ng malaki at manipis na camera sa loob ng puke papuntang uterus.
  • Ultrasound: Dito tinitingnan ang uterus at ovaries para sa mga nagde-develop na cysts at ibang abnormalities.
  • Sonohysterogram: Ito ang pamamaraan na pinagsamang ultrasound at itinurok na saline sa uterus. Mas mapapadali na i-examine ang inner lining na uterus.

Ang pag-track ng iyong ovulation ay makatutulong upang matingnan ang fertility. Ito ay nakatutulong sa iyong doktor na ma-assess nang malalim at mas mapapadali na magrekomenda ng lunas.

Maaari ding magkaroon ng maraming test ang mga lalaki kabilang ang:

  • Semen analysis: Kinokolekta ang sample ng semen upang ma-examine sa ilalim ng microscope. Ito ay nagtataya ng dami ng semilya, motillity, at itsura.
  • Testicular Biopsy: Ito ay karaniwang ginagawa matapos ang analysis ng semen na nagpakita ng kakaunti hanggang sa walang presensya ng semilya. Ang pamamaraan na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng karayom na ipinapasok sa scrotum upang makakuha ng sample ng tissue para sa ebalwasyon.
  • Ultrasound: Gumagamit ng transrectal ultrasound upang ma-examine ang reproductive organ ng lalaki. Ito ay nakatutulong sa pag-alam kung may blockages at pinsala ng structural.

Paano Nagagamot ang Pagkabaog?

Ang lunas ay nangyayari matapos makita kung baog. Ang paggamot sa pagkabaog ng lalaki at babae ay depende sa sanhi. Kabilang dito ang mga gamot o operasyon na paraan.

Karamihan ng mga kaso sa pagkabaog ay kabilang ang isyu sa ovulation. Ito ay kadalasang nama-manage gamit ang hormone medications. Ito rin ay tinatawag na fertility drugs. Halimbawa ng gamot sa fertility ay:

  • Clomiphene (Clomid, Serophene): Ito ay ginagamit upang mag-stimulate ng ovulation, lalo na sa mga babae na may PCOS o ibang hormonal disorders. Ito ay nakatutulong sa pituitary gland na mag-release ng hormone na kinakailangan para sa ovulation.
  • Follicle-stimulating hormone (Gonal-F, Bravelle): Ito ay tinuturok upang matulungan ang hormones sa pag-stimulate ng ovaries upang mag-produce ng maraming eggs.
  • Gonadotropin-releasing hormone (Gn-RH) analogs: Ito ay ginagamit ng mga babae upang mas maagang mag ovulate, bago mag-mature ang egg.

Ang paggamot sa pagkabaog ay kabilang ang operasyon. Ito ay ginagawa kung ikaw ay may blockages sa fallopian tube o pagsusugat sa uterus. Halimbawa, ang endometriosis ay maaaring magamot sa pamamagitan ng laparoscopic surgery.

Para sa mga lalaki, ang paggamot ay kabilang ang:

  • Operasyon: Ang pinsala at blockages sa reproductive organs ay maaaring maiayos sa pamamagitan ng operasyon. Halimbawa, ang varicoceles ay naaayos sa pamamagitan ng paggupit ng abnormal veins. Karagdagan, ang sagabal sa reproductive tract ay natatanggal sa pamamagitan ng operasyon.
  • Hormone therapy: Nire-regulate ang hormone production ng pituitary gland at hypothalamus. Ang mga lalaki na may uri ng ganitong kakulangan ay ginagamot kasama ang chorionic gonadotropin (hCG). Ang gonadotropin ay kabilang ang pagturok ng recombinant human follicle-stimulating hormone (rhFSH) sa dugo na nakatutulong sa pagpapataas ng dami ng sperm.

May ilang magkarelasyon, gayunpaman, ay sumasailalim sa assisted reproductive technologies (ART) na kabilang ang:

  • Intrauterine insemination (IU): Ang pamamaraan na ito ay naglalagay sa semilya direkta sa uterus sa paggamit ng fine catheter. Ito ay inirerekomenda na gamitin sa oras ng ovulation.
  • In-vitro fertilization (IVF): Ang IVF ay nangongolekta surgically ng eggs at pinagsasama sa semilya sa petri dish kung saan nangyayari ang fertilization. Ipinapasok ang embryos sa uterus. Ang pamamaraan na ito ay nangangailangan ng hormone pretreatment. May dalawang baryasyon ng IVF:
  • Zygote intrafallopian transfer (ZITF): Habang isinasagawa ito, ang embryos ay pinapasok sa fallopian tubes. Naglalakbay ito sa uterus nang mag-isa.
  • Gamete intrafallopian transfer (GIFT): Kabilang dito ang pagpasok ng egg at sperm sa fallopian tube bago mangyari ang fertilization.

Mahalaga na konsultahin muna ang iyong doktor sa pinaka mainam na option para sa pagiging magulang. Ikonsidera dapat ang kasalukuyang lagay ng kalusugan para sa ligtas na pagbubuntis.

Anong mga paraan upang makaiwas sa pagkabaog?

Matapos malaman paano malalaman kung baog, maaari mong gawin ang mga sumusunod upang mabawasan ang banta nito:

  • Panatilihin ang malusog na timbang: Ang mga obese na babae ay mas mahihirapan na mabuntis.
  • Regular na mag-ehersisyo: Ito ay nakatutulong na makabawas ng timbang. Sa karagdagan, ito ay naghahanda sa iyong katawan para sa pagdadalang tao.
  • Iwasan ang alak, sigarilyo, at recreational drugs: Ito ay naglalaman ng nakasasamang sangkap na nakasisira sa fertility.
  • Kumain ng malinis at masustansya: Pumili ng mga nirerekomendang nutrisyon at bitamina na makikita sa whole grains, lean na pinagmumulan ng protina, at mga prutas at gulay.
  • Magpatingin sa iyong gynecologist: Ang pagkakaroon ng regular na check-ups ay makatutulong na maiwasan ang potensyal na infections at karamdaman na makaaapekto sa fertility.

Key Takeaways

Maaaring mabaog ang parehong babae at lalaki. Para sa mga babae, ito ay sanhi karaniwan ng isyu sa ovulation. Sa kabilang banda, ang pagkabaog ng lalaki ay nalalaman sa mababang bilang ng malusog na semilya.
Sa ibang mga kaso gayunpaman, nangyayari ang pagkabaog dahil sa blockages at pagsusugat sa loob ng reproductive organs. Nakaaapekto din ang edad at pagpili ng lifestyle sa abilidad na mabuntis at makabuntis.
Nalalaman ang pagkabaog ng babae sa mga sintomas kabilang ang irregular o kawalan ng regla, at dami ng pagtubo ng buhok. Ang mga sintomas sa mga lalaki ay hindi karaniwang nakikita. Gayunpaman, maaaring makaranas sila ng sakit at pamamaga sa paligid ng testicles, at isyu sa ejaculation at erection.
Kabilang sa paano malalaman kung baog ay ang maraming test procedures. Ang mga procedure na ito ay nag e-examine ng reproductive organs para sa infections, defects at abnormalities.
Kung ma-diagnose, maaaring malunasan ang pagkabaog sa gamutan o sa pamamaraan ng operasyon. Ang ilang magkarelasyon ay pinipili ang assisted reproductive technologies upang mapataas ang kanilang tsansa.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

08/02/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Fertility Ng Babae: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Hindi Mo Alam Na Buntis Ka: Posible Ba Itong Mangyari?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement