backup og meta

Follicular Study: Bakit at Paano Ito Ginagawa?

Follicular Study: Bakit at Paano Ito Ginagawa?

Kung nagpaplano kang mabuntis, maaaring payuhan ka ng doktor mo na sumailalim sa follicular study upang ma-monitor ang ovulation cycle mo. Para saan ang follicular study?

Ang follicular study ay serye ng pag-scan na tumutulong ma-monitor ang ovulation cycle. Nakakatulong din ang test na malaman ang pinakamainam na oras para sa pakikipagtalik kung gusto mong mabuntis.

Ang ovaries ay dalawang reproductive organs na nasa pelvis. Binubuo ang mga ito ng maraming sac na puno ng mga likido. Ang mga sac na ito ay tinatawag na mga follicle. Lumalaki ang mga itlog sa mga follicle. Nagsisimulang tumubo ang mga follicle sa simula ng regla ng isang babae at mayroong maraming mga follicle na nabubuo.

Pero sa oras na nasa kalagitnaan ka na ng menstruation cycle, isa lang sa napakaraming mga follicle ang ganap na mabubuo. Dominant follicle ay tawag sa nabuong follicle na ito na pagtagal ay naglalabas ng isang mature na itlog. Ovulation ang tawag sa pagpapalabas ng itlog.

May maraming mga itlog na nabubuo at maaaring ma-fertilise. Sa napakaraming itlog na ito, isang itlog lang ang inilalabas ng fallopian tube. Kung sakaling hindi maganap ang fertilisation, ang dominant egg ay inilalabas sa pamamagitan ng regla.

Para saan ang follicular study?

Ang iyong doktor ay maaaring magrekomenda ng follicular study sa mga sumusunod na kaso:

Upang maisantabi ang anumang komplikasyon

  • Kung wala ka pang 35 taong gulang at sinusubukang magbuntis sa loob ng 12 buwan, maaaring irekomenda ng iyong doktor na gawin ang follicular study.
  • Kung higit sa 35 taong gulang ka na at sinusubukang magbuntis sa loob ng anim na buwan, maaaring irekomenda ng iyong doktor na gawin ang pagsusuri.

PCOD o PCOS

  • Kung may irregular menstruation cycle o na-diagnose na may polycystic ovarian syndrome (PCOS) o polycystic ovarian disease (PCOD), medyo mahirap para sa iyo na magbuntis. Sa ganitong mga kaso, ang follicular study ay nakakatulong sa pagkalkula ng cycle ng obulasyon. 

Fertility procedures

  • Kung sumasailalim ka sa treatment tulad ng Intrauterine insemination (IUI) o in-vitro fertilization (IVF) para sa fertility, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng follicular study test upang suriin ang pagiging epektibo ng paggamot. 

Pagkalaglag sa mga unang linggo

Para saan ang follicular study? Inirerekomenda rin ang pagsusuri sa mga babaeng may miscarriage sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Sa ganitong mga kaso, ang pagsusuri ay nakakatulong upang maunawaan ang dahilan ng pagkalaglag.

Sinasabi na kahit na nakakatulong ang follicular study na ma-monitor ang ovulation cycle, hindi ito laging nakakatulong. Sa ilang mga kaso, ang follicular study test ay pwedeng makadagdag ng stress sa iyo. Kailangan mong pumunta sa klinika ng doktor sa loob ng ilang araw para sa pagsusuri. Ang madalas na pag-commute na ito sa ospital, paghihintay sa ospital, at pagdaan pagsusulit ay maaaring makadagdag sa stress level mo. Maaaring kailangan mong mag-leave ng madalas sa trabaho mo. At maaari itong magkaroon ng epekto sa work-life balance.

Ang aktwal na paraan upang magsagawa ng follicular study ay ang transvaginal scan. Sa ilang mga kaso, ang abdominal scans ay inirerekomenda din upang mabawasan ang abala sa babae. Gayunpaman, dapat tandaan na ang transvaginal method ay mas tumpak kumpara sa mga abdominal scans.

Mga kinakailangan

  • Ang follicular study ay karaniwang ginagawa pagkatapos ng ikalawang araw ng iyong cycle ng regla. Hindi mo kailangan ng overnight fast para sa pagsusulit. Sa ilang mga kaso, maaaring hilingin sa iyo ng iyong doktor na iwasan ang ilang partikular na pagkain at inumin.
  • Kung ang doktor ay nagreseta ng ilang mga gamot na dapat inumin bago ang pagsusuri, siguraduhing inumin mo ang mga ito.
  • Ang preferred method para sa pag-monitor sa mga follicle ay transvaginal ultrasound. Karaniwan itong ginagawa sa ika-3 araw ng menstrual cycle.
  • Ang transvaginal scan ay karaniwang ginagawa sa walang laman na bladder, kaya gawin ang ipinapayo ng iyong doktor.
  • Magsuot ng komportable at maluwag na damit.
  • Pinapayuhan na maligo bago ka bumisita sa ospital para sa pagsusuri.

Para saan ang follicular study: pag-unawa sa mga resulta  

Mas malinaw na maipapaliwanag sa iyo ng iyong doktor ang mga resulta.

Magagawa ng iyong doktor na kalkulahin ang oras ng iyong obulasyon batay sa dalawang parameter:

  • Ang laki ng iyong mga follicle, na dapat nasa pagitan ng 18 mm at 25 mm.
  • Ang kapal ng endometrium, na dapat na higit sa 10 mm.

Kailan ito dapat ulitin?

Kung ilang beses mo dapat ulitin ang test ay magkakaiba sa lahat ng kaso. Depende sa edad ang nakaraaang follicular study results, irerekomenda ng doktor mo kung ilang beses kailangan mong sumailalaim sa test. Karaniwan, ang test ay inuulit ng lima hanggang sa anim na cycles. Kahit matapos ang paulit-ulit na tests, kung hindi ka pa rin mabuntis, maaaring magreseta ang doktor mo ng partikular na fertility drugs. Pagkatapos ay iiskedyul niya ang iyong mga susunod na test. 

Maaaring hilingin ng ng doktor mo na uminom ng fertility drugs ng anim na cycle. Kung hindi epektibo ang fertility drugs, maaaring irekomenda ng doktor ang mas agresibong diskarte.

Kung sumasailalim ka sa IVF, maaaring kailanganin mong sumailalim sa follicular study test nang mas madalas.

Para saan ang follicular study: Pamamaraan

Alam mo na kung para saan ang follicular study. Paano ito ginagawa? Ginagawa ang follicular study sa dalawang paraan- abdominal ultrasound at transvaginal scan. Ang parehong tests ay gagawin alinman sa pamamagitan ng ultrasound expert o infertility expert. Maaaring hilingin ng doktor mo na mag-undergo ng isa o parehong method ng test para sa mas detalyadong analysis. Irerekomenda ng doktor mo ang uri ng test na para sa iyo batay sa cycle mo at sanhi ng pagsusuri.

Ang procedure para sa abdominal ultrasound ay katulad ng anumang iba pang sonography. Lalagyan ng healthcare professional ng conductive gel ang iyong tiyan at gagawin ang pagsusuri. Hindi naman masakit ang test. 

Para sa transvaginal scan, ang healthcare expert ay maglalagay ng parang tubo na may gel sa loob ng iyong ari. Ang mga larawang nakunan ng ultrasound machine ay ipapakita sa monitor. Ito ay maaaring tumagal ng 15 hanggang 20 minuto. Ang test ay hindi masakit, ngunit kung minsan, ay maaaring may discomfort.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

TRANSVAGINAL SONOGRAPHIC STUDY OF FOLLICULAR DYNAMICS IN SPONTANEOUS AND CLOMIPHENE CITRATE CYCLES/https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5532050/Accessed on 01/06/2020

FOLLICULAR MONITORING: COMPARISON OF TRANSABDOMINAL AND TRANSVAGINAL SONOGRAPHY/https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5531945/Accessed on 01/06/2020

Primary Ovarian Insufficiency/https://medlineplus.gov/primaryovarianinsufficiency.html/Accessed on 01/06/2020

Pelvic Ultrasound/https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/pelvic-ultrasound/Accessed on 01/06/2020

Follicular monitoring, https://radiopaedia.org/articles/follicular-monitoring, Accessed July 14, 2022

Ultrasound – Abdomen/https://www.radiologyinfo.org/en/info.cfm?pg=abdominus/Accessed on 01/06/2020

Kasalukuyang Version

12/07/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Bakuna Para sa Nagbubuntis: Anu-ano ang mga Kailangan?

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa SSS Maternity Benefits


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement