backup og meta

Paghahanda Bago Mabuntis: Mga Dapat Tandaan

Paghahanda Bago Mabuntis: Mga Dapat Tandaan

Nagpaplano ka bang magka-baby sa lalong madaling panahon? Iyan ay isang malaking desisyon. Mahalagang gumawa ka ng masusing pag-aaral tungkol sa paghahanda bago mabuntis. Bago ka magpatuloy sa’yong mga plano. Ang artikulong ito ay dadaan sa ilang mahahalagang tip at pagsasaalang-alang para sa mga kababaihan at magiging mga magulang. Para matiyak ang isang ligtas, malusog, at masayang pregnancy journey. Narito ang mga paghahanda bago mabuntis.

Ano ang Dapat Gawin na Paghahanda Bago Mabuntis

Narito ang ilan sa mga pinakamahalagang hakbang na hindi mo dapat palampasin. Kung ano ang paghahanda bago mabuntis na dapat gawin:

Kumonsulta sa Iyong Doktor

Pagdating sa kung ano ang dapat gawin kapag naghahanda sa pagbubuntis. Ito ang pinakamahalagang hakbang na dapat mong gawin. Kailangan mong pumunta at magpatingin sa iyong gynecologist at kumunsulta sa kanya tungkol sa iyong mga plano sa pagbubuntis. Kahit na ang pakiramdam mo ay malusog ka at wala kang anumang kondisyong medikal.

Mahalagang talakayin mo at ng iyong doktor ang kasaysayan ng iyong kapareha at ang iyong kalusugan. Kabilang ang kasaysayan ng kalusugan ng pamilya. Ang ilang mga isyu sa kalusugan sa’yong pamilya ay maaaring maipasa sa’yong mga anak. Dapat kang magkaroon ng kamalayan sa mga kondisyong iyon. At dapat itong maging factor sa’yong paggawa ng desisyon.

Mahalaga rin na sabihin sa’yong doktor ang tungkol sa anumang gamot na iyong iniinom. Maaaring magkaroon ng epekto ang mga gamot sa’yong hindi pa isinisilang na anak. Maaaring kailanganin ng iyong doktor na baguhin ang mga gamot. Bilang paghahanda bago mabuntis.

Panghuli, kung mayroon kang pangmatagalang kondisyon sa kalusugan tulad ng hika, hypertension, o diabetes, dapat na maging stable muna ang mga iyon bago ka mabuntis.

Itigil ang Masamang Bisyo

Bago mo subukang magbuntis, mahalagang itigil mo ang ilang nakapipinsalang habits. Kung ikaw ay naninigarilyo, dapat kang huminto. Bilang paghahanda bago mabuntis. 

Kailangan mong huminto sa paninigarilyo, pag-inom ng droga, o pag-inom ng alak dahil maaari nilang:

  • Pahirapan kang magbuntis
  • Magdulot ng miscarriage
  • Maapektuhan ang hindi pa isinisilang na bata

Ang mga anak ng mga ina na naninigarilyo sa panahon ng pagbubuntis ay malamang na magkaroon ng mas mababang birth weight. Ang mga ina ay maaari ding magdusa dahil ang paninigarilyo ay magpapahirap sa kanila sa paggaling mula sa pagbubuntis.

Maaari ka ring humingi ng tulong mula sa iyong doktor para gawing mas madali para sa’yo ang pagtigil sa mga gawi na ito.

Bagama’t hindi kinakailangang ganap na ihinto ang pag-inom ng mga inuming may caffeine. Maaaring kailanganin mong bawasan ang iyong pagkonsumo. Ang mga babaeng umiinom ng higit sa 2 tasa ng kape ay maaaring mas mahirapan na mabuntis. Mayroon din silang mas mataas na chance ng miscarriage.

Kumain ng Mas Balanseng Diyeta

Ang pagkakaroon ng malusog na timbang sa katawan ay mahalaga para sa mga buntis na kababaihan. Para makamit ang malusog na timbang sa katawan. Dapat kang kumain ng balanseng diyeta sa buong pagbubuntis mo. Narito ang ilang simpleng tip na maaari mong sundin upang ayusin ang iyong diyeta:

  • Lumayo sa mga empty calories
  • Iwasan ang mga pagkain at inumin na may mga artipisyal na sweetener
  • Pumili ng mga pagkaing mayaman sa protina
  • Kumain ng maraming prutas pati na rin mga gulay
  • Isama ang dairy products at grains sa’yong diyeta
  • Siguraduhing isama ang isda sa’yong diyeta ngunit lumayo sa mga maaaring naglalaman ng mercury

Dapat kang magsikap na maabot ang iyong ideal na timabang sa panahon ng iyong pagbubuntis. Ang pagiging sobra sa timbang ay maaaring magpataas ng posibilidad na magkaroon ka ng hypertension, diabetes, at pagkakaroon ng miscarriage.

Sa kabilang banda, dapat mong subukang magbawas ng timbang habang ikaw ay buntis. At dapat mong subukang magbawas ng ilang extra pounds bago ka magbuntis.

Simulan ang Pag-inom ng Vitamins at Folic Acid

Pagdating sa kung ano ang dapat gawin sa paghahanda bago mabuntis. Ang pag-inom ng mga kinakailangang bitamina ay mahalaga. Sa patnubay ng iyong doktor, dapat kang magsimulang kumuha ng suplementong bitamina. At siguraduhing pumili ka ng isa, na naglalaman ng folic acid. Mahalaga na uminom ka ng folic acid sa panahon ng pagbubuntis dahil binabawasan nito ang posibilidad na magkaroon ng depekto ang iyong sanggol.

Mag-ehersisyo

Kapag pinag-uusapan kung ano ang gagawin sa paghahanda bago mabuntis. Ang ehersisyo ay isang mahalagang hakbang.

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na timbang. Mahalaga na palagi kang mag-ehersisyo bago ka mabuntis. Ang pag-eehersisyo ay makatutulong sa’yo na harapin ang mga pagbabagong kailangang pagdaanan ng iyong katawan sa panahon ng pagbubuntis.

Kung nag-eehersisyo ka na bago ka mabuntis. Maaari mong ipagpatuloy ang parehong gawain. Kung hindi ka kasalukuyang nag-eehersisyo, dapat kang kumunsulta muna sa iyong doktor.

Mga Karaniwang Problema sa Fertility

Ang isa pang pangunahing dahilan kung bakit dapat kang kumunsulta sa’yong doktor, bago mo subukang magbuntis. Dahil baka ikaw o ang iyong kapareha ay maaaring may ilang uri ng problema sa fertility. Ang infertility ay medyo karaniwan. Sa katunayan, humigit-kumulang 1 sa 7 mag-asawa ang may ilang uri ng problema sa fertility.

Higit sa 80% ng mga mag-asawa ang dapat na mabuntis sa loob ng isang taon, o tuwing dalawa hanggang tatlong araw. Kung regular silang nakikipag-sex nang walang proteksyon, 

Para sa ilang mga kababaihan, ang pagbubuntis ay medyo madali. Ngunit para sa ilan, maaaring ito ay mas mahirap. Hindi lamang mga kababaihan ang maaaring magkaroon ng mga problema sa fertility. Dahil ang mga lalaki ay maaaring magkaroon din ng ilang mga medikal na isyu. Ang problema sa infertility ay ang kawalan ng kakayahan na mabuntis. Ito’y maaaring sinamahan pa ng abnormal na cycle ng regla. Kabilang ang mahabang agwat, hindi regular na regla, o maikling tagal. Ang mga karaniwang sanhi ng infertility ay kinabibilangan ng:

  • Kakulangan ng obulasyon na karaniwang nauugnay sa Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS)
  • Mababang kalidad ng semilya
  • Nasira ang fallopian tubes o nakaraang pelvic operation
  • Endometriosis/Adenomyosis
  • Mga problema sa hormonal (abnormal na antas ng thyroid hormone, diabetes mellitus)

Ang endometriosis at adenomyosis ay karaniwang may kasamang masakit na regla. Gayunpaman, maaaring medyo mahirap makita ito nang walang laboratory workup. Kailangan mong kumunsulta sa iyong doktor para masuri kung mayroon kang mga isyu sa fertility bago mo subukan. Pagkatapos ng 6 na buwan ng pagsubok na mabuntis at hindi ka nakakakuha ng mga resulta, dapat ka ring magpatingin sa’yong doktor.

Key Takeaways

Ang paghahanda sa pagbubuntis ay isang pangunahing hakbang na kailangan mong seryosohin. Pagdating sa kung ano ang dapat gawin kapag nabuntis ka. Hindi lamang dapat mong unahin ang iyong sariling kalusugan, kundi pati na rin ang iyong sanggol. Gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat para masigurado na pareho kayong magiging malusog at ligtas.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition and healthy eating, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/caffeine/art-20045678 , Date Accessed December 1,2020

Drugs, https://www.fda.gov/drugs, Date Accessed December 1,2020

Managing your weight gain during pregnancy, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000603.htm, Date Accessed December 1,2020

Endometriosis, https://www.nhs.uk/conditions/endometriosis/ , Date Accessed December 1,2020

Fallopian tube, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/fallopian-tube , Date Accessed December 1,2020

 

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Fertility Ng Babae: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Hindi Mo Alam Na Buntis Ka: Posible Ba Itong Mangyari?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement