Paglaki ng Sanggol
Paano lumalaki ang aking sanggol?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, ang paglaki ng sanggol ay napaka-advance na . Maaari kang manganak ng isang malusog na sanggol anumang oras. Dahil ang iyong sanggol ay maari nang lumabas anumang oras ngayon, hindi ka maaaring maglakbay ng masyadong malayo sa bahay. Sa katunayan, ang ilang kumpanya ng eroplano ay nagbabawal sa mga buntis na maglakbay. Mabuting manatili ka sa isang lugar na malapit sa iyong doktor kung sakaling maglabor ka.
Ngayon ang pinakamagandang oras para sa iyo at sa iyong partner na dumalo sa mga childbirth classes. Ito ay para maging gabay sa panganganak at labor. Siguraduhin na may sapat na supply para sa sanggol tulad ng pagkain at damit at mag-file ng iyong maternity leave sa employer.
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, ang iyong sanggol ay may mas makapal at magaspang na buhok. Siya ay kasing laki ng maliit na kalabasa. Ito ay 20.2 pulgada (51 cm) ang haba at tumitimbang ng 7.4 pounds (3.3 kg). Ang mga balahibo nito sa katawan ay nawala na.
Ang iyong sanggol ay mayroon ding:
- Ganap na nabuong mga baga
- Mas mahahabang kuko
- Dalawang malambot na spot sa bungo na tinatawag na fontanelles. Tumutulong ang mga ito sa mga buto ng bungo habang ang sanggol ay lumabas mula sa birth canal. Tinutulungan din nila ang utak ng sanggol na ma-develop pa pagkatapos ng kapanganakan.
- Meconium. Ang berde at malagkit na substance na ito sa bituka ay bumubuo sa dumi ng iyong sanggol pagkatapos ipanganak.
- Isang creamy coating na tinatawag na vernix caseosa na nagpoprotekta sa balat ng sanggol
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Paano nagbabago ang aking katawan?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, ang iyong katawan ay mabilis na nag-a-adjust sa iba’t ibang pagbabago. Kabilang dito ang:
-
- Isang mas malaking tiyan. Nakalabas ang iyong pusod, na nagpapahirap sa iyong maglakad at makisali sa mga regular na aktibidad.
- Stretch marks. Ang mga ito ay nagiging mas halata. Maaari kang mag-apply ng moisturizing cream para sa makati na mga stretch mark.
- Pagkakaroon ng colostrum. Ang madilaw na substance na ito, ang unang gatas na ginawa ng mga suso, ay nagsisimulang tumagas mula sa iyong mga nipple.
- Pagluwang ng cervix. Ang hugis-silindrong tissue na ito sa iyong matris ay nagsisimulang lumuwang upang ma-accommodate ang iyong sanggol. Ang pagluwang ng cervix ay maaaring magdulot ng totoong contraction o maling contraction ng Braxton Hicks. Magtanong sa iyong doktor kapag naging regular o lumalakas ang mga contraction.
- Mga pagbabago sa emosyon. Maaari kang makaramdam ng pagkabalisa, kawalan ng pasensya, at pag-aalala tungkol sa panganganak at pagiging magulang. Maaaring mahirap matulog. May hormonal changes na nagdudulot din ng mga pagbabago sa mood.
- Magaan na pakiramdam. Ang pababang paggalaw ng iyong sanggol ay naglalabas ng pressure mula sa iyong mga tadyang, na nagpapaginhawa sa iyong paghinga at nagpapagaan ng heartburn.
- Pananakit ng pelvic. Ito ay isang offshoot ng patuloy na paggalaw pababa ng sanggol. Ang paggalaw ng ulo ng iyong sanggol sa iyong sinapupunan ay maaaring magdulot ng matinding pananakit sa pelvis.
-
Kasama din ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon ng clear white, bahagyang kulay-rosas, at may bahid ng dugo na discharge sa ari. Ang mukhang madugong discharge na ito ay ang makapal na mucus plug, na bumabagsak mula sa cervix habang papalapit ang panganganak.
- Pulikat sa binti. Ang masakit na kondisyong ito ay kadalasang nangyayari sa gabi sa ika-40 linggo na ito. Ibaluktot ang iyong bukung-bukong at mga daliri sa paa patungo sa shin upang mabawasan ang sakit.
- Sakit ng likod. Sanhi ng pressure na ginagawa ng ulo ng sanggol habang ito ay gumagalaw pababa sa pelvis. Ang mga pagbabago sa posture ay maaari maging sanhi ng pananakit ng likod.
- Mababang presyon ng dugo. Ito ay dahil sa hormonal changes na nagpapalawak ng mga daluyan ng dugo. Ang lumalaking matris ay naglalagay ng pressure sa lumaking daluyan ng dugo at nababawasan ang daloy ng dugo mula sa puso patungo sa mas mababang bahagi ng katawan.
- Varicose veins at almoranas. Ang pagbawas ng daloy ng dugo sa puso ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng blood pool sa mga ugat sa binti at malapit sa tumbong, na humahantong sa varicose veins at almoranas.
- Madalas na pag-ihi. Ang pag-ihi ay nagiging mas madalas habang ang lumalaking matris ay naglalagay ng pressure sa pantog. Mas malaking daloy ng dugo sa mga bato at relaxed urinary tract muscles kaya mas madalas ang pag-ihi.
- Pamamaga. Ang iyong mga kamay, mukha at paa ay nagiging lubhang namamaga. Ang mas mataas na antas ng estrogen ay nagdudulot ng water retention. Iwasan ang pamamaga sa pamamagitan ng pagtaas ng iyong mga paa. Paikutin ang mga bukung-bukong pakanan at pakaliwa upang mabawasan ang discomfort. Iunat ang mga daliri sa paa. Maglakad nang regular hangga’t maaari.
- Hot flashes. Piliing magsuot ng maluwag na damit at uminom ng maraming tubig at juice.
Ano ang dapat kong alalahanin?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, development ng sanggol, dapat bantayan ang:
-
- Mabahong discharge. Ito ay maaaring magpahiwatig ng impeksyon. Tanungin ang iyong doktor dito.
- Walang sign ng labor. Kung minsan ay ipinapayong manganak nang mas maaga kaysa sa due date. Ang maluwang na cervix ay nangangahulugan ng mas mababang tyansa ng panganganak sa pamamagitan ng cesarean section. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga advantages at disadvantages ng induced labor kapag hindi ka nagpakita ng anumang palatandaan ng labor.
- Sore breasts. Subukang gumamit ng mga nursing pad upang maiwasang dumikit ang mga utong sa damit.
- Nabawasan ang paggalaw ng sanggol o mas kaunting kick count.
- Masakit na pag-ihi
- Walang tigil na abdominal pain
- Matingkad na pulang vaginal bleeding
- Fever and chills
- Walang contraction pagkatapos pumutok ang panubigan
- Postpartum depression. Kumonsulta sa doktor kung makaramdam ka ng sobrang panghihina at moody pagkatapos ng panganganak.
Pagbisita sa Iyong Doktor
Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, dapat mong talakayin ang:
-
- Ang timing ng contraction. Gaano sila katagal? Gaano kalayo ang pagitan ng isang contraction mula sa susunod? Tandaan kapag may mga pagbabago sa paglipas ng panahon.
- Mga dati nang kondisyon. Kabilang dito ang mataas na presyon ng dugo at diabetes.
- Induced o spontaneous labor
- Breastfeeding
- Rooming-in
- Mga komplikasyon. Kabilang dito ang placenta previa, breech birth, at iba pa.
- Sekswal na aktibidad. Kabilang dito ang contraception at pagpapatuloy ng pakikipagtalik pagkatapos ng panganganak dahil maaari kang mabuntis kaagad pagkatapos ng panganganak.
- Pangangalaga pagkatapos ng panganganak at mga follow-up check-up
- Overdue delivery
Anong mga test ang dapat kong malaman?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, dapat kang sumailalim sa mga sumusunod na pagsusuri:
- Pagsusuri sa pelvic upang malaman kung gaano na kaluwang ang iyong cervix, kanipis, o kalambot. Ito ang magiging gabay ng doktor sa pagtukoy kung kailan ka manganganak.
- Amniotic fluid index (AFI), na sumusuri sa dami ng amniotic fluid. Ang normal na value ay 5 hanggang 25 cm. Sa 40 linggo ng pagbubuntis, development ng sanggol ang normal na average value ay 7 cm.
- Non-stress test (NST) upang suriin ang tibok ng puso at paggalaw ng sanggol
- Contraction stress test kapag ang mga resulta ng NST ay hindi ayon sa kung ano ang dapat. Sinusuri nito ang tugon ng fetal heartbeat sa oras ng mga contraction.
- Ang biophysical profile test (BPP) ay isang ultrasound procedure na sumusuri sa mga galaw, paghinga, amniotic fluid, at tono ng katawan ng sanggol. Ginagawa ito kapag ang values ng NST ay hindi normal o kapag ang kalagayan ng sanggol ay dapat tiyakin.
- Pap test para matukoy ang pagkakaroon ng abnormal na cervical cells
- Perineum exam upang suriin ang pamamaga at/o episiotomy o recovery ng hiwa.
- Pagsusuri sa suso upang suriin kung may mga abnormal na paglaki at mga baradong daluyan ng gatas
- Test sa cesarean scar (kung kinakailangan)
- Pagsusuri ng postpartum depression
Kalusugan at Kaligtasan
Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?
Sa ika-40 linggo ng pagbubuntis, dapat kang magpatuloy na manatiling malusog sa pamamagitan ng:
- Patuloy na umiinom ng prenatal vitamins.
- Manatiling aktibo maliban kung magkaroon ka ng pamamaga o pananakit.
- Pag-eehersisyo ng iyong pelvic floor sa pamamagitan ng Kegel exercises.
- Ang pagkakaroon ng diet na mayaman sa prutas, gulay, mababang taba na protina, at fiber.
- Pag-inom ng maraming tubig
- Pagkakaroon ng sapat na calories (mga 300 higit pa sa isang araw)
- Pananatiling mobile sa pamamagitan ng paglalakad
- Manatiling kalmado at may kontrol para ma-handle mo nang maayos ang mga labor pains
- Pagpapanatiling malusog ang ngipin at gilagid. Ang mahinang kalusugan ng ngipin ay maaaring maging sanhi ng maagang panganganak.
- Pagkakaroon ng maraming pahinga at pagtulog.
Sa 40 linggo ng pagbubuntis, dapat mong iwasan ang:
- Mabigat na ehersisyo na maaaring makasakit sa iyong tiyan
- Alak
- Caffeine (huwag ubusin ng higit sa isang tasa ng kape o tsaa sa isang araw)
- Paninigarilyo
- Iligal na droga
- Hilaw na isda o pinausukang pagkaing-dagat
- Shark, swordfish, mackerel, o white snapper fish na puno ng mercury
- Raw sprouts
- Cat litter, na maaaring magkaroon ng parasite na nagdadala ng toxoplasmosis
- Di-pasteurized na gatas o iba pang dairy products
- Mga deli meat o hot dog
- Ang mga inireresetang gamot tulad ng isotretinoin (Accutane) para sa acne, acitretin (Soriatane) para sa psoriasis, thalidomide (Thalomid), at ACE inhibitors para sa mataas na presyon ng dugo
- Mahabang biyahe sa kotse at flight ng eroplano
Ang ika-40 linggo ng pagbubuntis, ang development ng sanggol ay maaaring sign ng simula ng panganganak. Ang iyong mahabang paghihintay para sa iyong sanggol ay malapit nang matapos.
[embed-health-tool-due-date]