backup og meta

Ika-34 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ika-34 Linggo Ng Pagbubuntis: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Paglaki ng Sanggol

Paano lumalaki ang aking sanggol?

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, ang iyong maliit na bata ay maaari nang mag-hello sa mundo. Maaari na siyang pangalagaan katulad  ng ginagawa sa isang full-term na sanggol.

Sa linggong ito, ang mga  taba ng sanggol – na makakatulong sa pagkontrol sa temperatura ng katawan kapag ipinanganak – ay dumadami na, na nagbibigay sa katawan ng mas bilugan na hugis.

Ngayon, ang sanggol ay may sukat na 17 at 3/4 pulgada ang haba at tumitimbang ng 4 ¾ pounds.

Kung ang iyong sanggol ay may mga nakatatandang kapatid, oras na para ihanda sila sa bagong miyembro ng pamilya. Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, maaari din humingi ng tulong mula sa iyong ina, o mga kamag-anak at kaibigan sa pag-aalaga sa sanggol. Ito ay lalo na kung isang first-time mom.

Maaari ka ring magsimulang maghanda ng mga kailangan : pagkain, gamot, toilet paper, at mga toiletry. Magandang maghanda din ng mga kailangan ng sanggol tulad ng mga lampin, pamunas, damit, formula, bib, kumot, guwantes, upuan sa kotse, at iba pa.

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, ang iyong lumalaking sanggol ay may mas maliit na lugar para makagalaw sa loob ng iyong tiyan. Dahil dito, ang pag-wiggle, pag-uunat, pagsipa, at ibang paggalaw ay maaaring hindi gaanong malakas. Pero mararamdaman mo pa rin sila.

Ang iba pang mga development ay:

  • Ang iyong sanggol ay nakaposisyon nang mas malalim sa iyong pelvis bilang paghahanda para sa big day.
  • Mabilis na lumalaki ang utak ng iyong sanggol, at maaaring makaranas na ng mga panaginip.
  • Sa unang bahagi ng linggo 34 ng pagbubuntis, ang isang pamamaraan ng ultrasound ng isang healthcare professional ay magpapakita na ang iyong sanggol ay nagbago sa isang head-down na posisyon – handa na para sa buhay sa labas ng mundo.
  • Ang mga testicle ng iyong sanggol na lalaki ay bumaba na sa scrotum. Kung minsan, ang isa o parehong mga testicle ay hindi bumababa sa ika-34 linggo ng pagbubuntis. Ngunit ito ay mangyayari kapag ang sanggol ay anim na buwan na.
  • Nabuo na ang mga maliliit na kuko sa daliri at maging ang mga kuko sa paa ay nabuo na rin.
  • Ang iskedyul ng pagtulog ng sanggol ay nasa lugar dahil kaya na niyang ipikit ang kanyang mga mata habang natutulog at buksan ang mga ito kapag gising.
  • Ang maliit na katawan ay nakabalot sa isang waxy, cheesy coating na tinatawag na vernix, na kusang natatanggal bago ang big day.

Mga Pagbabago  sa Katawan at Buhay

Paano nagbabago ang aking katawan?

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, ang iyong katawan ay nagbabago at sumasabay sa mga pangangailangan ng lumalaking fetus. Mapapansin mo ang:

  • Mga contraction ng Braxton Hicks. Ito ay mga pre-labor or practice contractions. Asahan na sila ay magiging mas malakas at mas madalas sa paglipas ng mga araw. Ngunit hindi kailangang mag-alala kung ang masikip na pakiramdam ay walang eksaktong pattern. Mawawala din ito kapag iniiba mo ang iyong posisyon. Kung sa tingin mo ay may regular na pagitan ang contraction (halimbawa, laging limang minuto ang pagitan ng contraction) tawagan agad ang iyong doktor.
  • Mas malalaking suso. Ang lumaking mga suso ay maaaring magdulot ng discomfort dahil binabanat nito ang balat at nagdudulot ng pangangati sa iyo. Makakatulong ang paggamit ng moisturizer at bra na nagbibigay ng maximum na suporta.
  • Namamaga ang mga bukung-bukong at paa. Tulungan ang iyong sarili na hindi lagi nakatayo. Ilagay ang iyong mga binti sa isang unan kapag nakaupo. Nakakatulong din ang mga kumportableng sapatos.
  • Malabong paningin. Ang mga hormone sa pagbubuntis ay responsable para dito. Ang kabawasan ng produksyon ng luha ay maaaring magdulot sa iyong mga mata na maging tuyo at irritated lalo na kung magsusuot ka ng contact lens. May mas maraming likido sa likod ng lenses ng mga mata ang maaaring magpabago ng kanilang hugis sa ilang panahon. Nagkakaroon ka ng mas malapit o malayong paningin. Maaaring magpaganda sa iyong pakiramdam ang pagsusuot ng eyeglasses sa halip na mga contact lens. Hindi naman nagtatagal ang mga ito. Babalik sa normal ang iyong paningin pagkatapos ng panganganak.

Kasama din ang:

  • Mas maraming vaginal discharge. Ang mga hormone sa pagbubuntis, lalo na ang estrogen, ang sanhi nito.
  • Pananakit ng pelvic. Sa linggo na ito ng pagbubuntis, maaaring may pananakit ng pelvic kapag bumaba ang iyong sanggol sa iyong pelvis para maghanda sa big day. Maaari din na may discomfort sa iyong ibabang likod. Gayundin ang pakiramdam ng pressure sa pantog. Para maibsan ang pananakit ng pelvic, iwasang tumayo kapag nakakaramdam ng discomfort. Maaari ka ring mag-enjoy ng isang warm bath. Humingi ng tulong sa iyong  health professional kung hindi gumana ang mga ito. 
  • Constipation. Ang mahirap at madalang na pagdumi ay nangyayari sa iba’t ibang dahilan. Uminom ng maraming tubig, prune juice, o iba pang katas ng prutas. Kumain ng mga pagkaing may mataas na fiber tulad ng mga prutas, gulay, whole grain na tinapay, at bran cereal. Subukan ang paglalakad o mild exercises para matulungan ang iyong panunaw. Gawing mas konti at mas madalas na pagkain sa halip na ilang malalaking pagkain. 
  • Bloating at gas. Nangyayari ito dahil ang mga taong stress ay madalas nakakakuha ng mas maraming hangin. Tulungan ang sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim sa iyong ilong, at pagbuga sa iyong bibig ng isa o dalawang minuto araw-araw.
  • Makating pantal. Ang Pruritic Urticarial Paules and Plaques of Pregnancy (PUPPP) ay makating pulang bukol sa iyong tiyan, hita, o puwit. Kausapin ang iyong health professional  kung nakakaramdam ng matinding pangangati sa kabuuan, kahit na walang pantal. Ito ay maaaring sintomas ng problema sa atay. 
  • Ang iyong hospital bag. Ngayong ika-34 linggo ng pagbubuntis, oras na para mag isip kung ano ang isasama sa iyong hospital bag. Kakailanganin mo ang pamalit na damit, damit na panloob, mga medikal na rekord, meryenda, at iba pa.

Pagbisita sa Iyong Doktor

Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor?

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, maaaring pag-usapan ang tungkol sa: 

  • Mga ehersisyo o stretch na maaari mong gawin upang maibsan ang pressure sa iyong ibabang likod at iba pang bahagi ng iyong katawan
  • Iyong pagnanais na sumailalim sa isang infant CPR (cardiopulmonary course)
  • Mga alalahanin kung ang iyong sanggol ay suhi. 
  • Mga senyales na maaaring mag-udyok sa iyo na humingi ng tulong sa health professional, tulad ng pagdurugo ng ari, likido mula sa vagina, preterm labor, pananakit, at iba pa
  • Iyong mga plano bago at pagkatapos manganak
  • Sekswal na aktibidad sa panahon ng pagbubuntis

Anong mga test ang dapat kong malaman?

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, kailangan mong sumailalim sa mga sumusunod na health exams:

  • Ulitin ang routine health checks. Susuriin ng iyong health care provider ang mga contraction, pagtagas ng likido, at pagdurugo. Titingnan niya ang iyong blood pressure, pagtaas ng timbang, at iche-check ang tibok ng puso at paggalaw ng sanggol. Kailangan mong maging alerto kung huminto ang mga paggalaw. Magtanong tungkol sa mga pagbabakuna, tulad ng flu shot, tetanus toxoid, reduced diphtheria at acellular pertussis (Tdap) na bakuna. Ang bakuna sa Tdap ay dapat ibigay sa pagitan ng ika-27 at ika-36 na linggo ng pagbubuntis. 
  • Test para sa group B strep. Susuriin ka para sa  group B streptococcus (GBS) sa ika-34 linggo ng pagbubuntis. Ang GBS ay isang bacterium na karaniwang nakikita sa bituka o lower genital tract. Hindi ito nagdudulot ng pinsala sa mga matatanda. Ngunit ang mga sanggol na nahawaan ng GBS sa panganganak ay maaaring magkasakit ng malubha. Isa-swab ang iyong lower vagina and anal area. Ipapadala niya ang sample sa isang lab para sa testing. Kung nagpositibo ka para sa GBS – o kung nanganak ka ng isang sanggol na may sakit na GBS – bibigyan ka ng intravenous antibiotics sa oras ng panganganak upang maprotektahan ang iyong sanggol. 
  • Biophysical profile (BPP). Maaaring hilingin ng iyong doktor ang pinagsama-samang procedure ng ultrasound at nonstress test na ito. Susuriin nito ang tibok ng puso ng sanggol at titingnan kung mahusay na tumutugon ang sanggol sa stress. 

Kalusugan at Kaligtasan

Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagiging malusog at ligtas habang buntis?

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, dapat na:

Magkaroon ng sapat na calcium. Pinalalakas nito ang mga buto at ngipin ng iyong sanggol. Ang gatas, keso, yogurt, malunggay, broccoli, at sardinas ay sagana sa calcium.

Matulog na nakatagilid. Ang isang pag-aaral ay nagpapakita na ang pagtulog na nakatihaya ay nagpapataas ng risk ng stillbirth.

Protektahan ang iyong mga kasukasuan. Ang mga pregnancy hormones ay nagpapa-relax sa iyong mga kasukasuan bilang paghahanda sa panganganak. Iwasan ang pagtalon o mga galaw na may mataas na epekto. Ibaluktot ang iyong mga tuhod, hindi ang iyong likod, kapag pupulutin mo ang mga bagay. Iwasang magdala ng mabigat. 

Swimming. Magandang ehersisyo ito sa ika-34 linggo ng pagbubuntis. Itinutuwid nito ang iyong katawan at mabuti ito para sa iyong likod. Iwasan ang pag-twist nang labis dahil maaaring ma-strain ang iyong mga kalamnan sa tiyan o ligaments.

Sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, ikaw ay nasa homestretch na. Manatiling malusog, magpasuri, at magpahinga. 

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/prenatal-care/art-20045660 (Date accessed: April 23, 2020)

https://flo.health/pregnancy/week-by-week/34-weeks-pregnant (Date accessed: April 23, 2020) 

https://www.tommys.org/pregnancy-week-by-week/34-weeks-pregnant-whats-happening (Date accessed: April 23, 2020)

https://healthcare.utah.edu/womenshealth/pregnancy-birth/preterm-birth/when-is-it-safe-to-deliver.ph (Date accessed: April 24, 2020)

Kasalukuyang Version

03/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement