Paglaki ng Sanggol
Mahigit ka na sa kalahati ng ikalawang trimester sa ika-22 linggo ng pagbubuntis. At ang buhay ay nagiging mas masaya at challenging. May ilang bagay na maaaring kailangan mong i-adjust tulad ng mga nakaraang linggo. Maaring makaramdam ng kaunting pangangati ng balat; makaranas ng heartburn; at magsimulang makaramdam ng mga random na sipa mula sa iyong sanggol sa mga kakaibang oras.
Ang ika-22 linggo ng pagbubuntis ay talagang isang kasiya-siyang panahon. Ito ay puno ng mga pagbabago para sa sanggol at ina.
Paano lumalaki ang aking sanggol?
Ang average na laki ng sanggol sa ika-22 linggo ng pagbubuntis ay humigit-kumulang 11 – 12 inches. Ito ay halos kasing laki ng isang full grown squash o isang red bell pepper. Ang sanggol ay patuloy na magsasanay sa pagsuso at paghawak, at hahawak sa umbilical cord.
Ayon sa perinatologist na si Mark A. Curran, ang mga sanggol na ipinanganak sa ika-22 linggo ng pagbubuntis ay may 9% na tyansang mabuhay. Sa yugtong ito, ang mga baga ay hindi pa ganap na nabubuo. Magiging mature ang mga baga ay sa loob ng 34 – 35 weeks.
Lumalangoy at maginhawa sa loob ng ganap na nabuong placenta sa ika-22 linggo ng pagbubuntis ang iyong sanggol. Ang mga bahagi ng neural brain tulad ng hippocampic fissures at callosal sulcus ay naroroon na ayon sa timeline ng embryology ng University of New South Wales. Ang spleen at cerebrum ay nasa gitna din ng development ng sanggol sa panahong ito. Lahat ng ito ay kritikal sa pangkalahatang paglaki at proteksyon ng utak ng sanggol. Kasama na rin ang central nervous system. Ang sleep cycle ng iyong sanggol ay nagsisimula na ring madevelop sa linggong ito. Maaari na ding mag-react ng mas sensitibo sa liwanag at dilim.
Sa oras na ito, pwede mo ring malaman ang gender ng iyong sanggol kung gusto mo sa oras ng ultrasound. Lahat ito kasama ang mas malakas na grip at mas mabuting eyesight, ang sanggol ay mas nalalapit na sa ganap na kabuuan ng isang tao.
Ang pinaka exciting sa bahaging ito ay maririnig ka ng malinaw ng iyong baby. Mula sa pagkaing natutunaw mo hanggang sa mga salitang sinasabi mo sa mundo sa paligid mo, nagsisimula na itong magkaroon ng impresyon sa buhay ng iyong munting bud.
Mga Pagbabago sa Katawan at Buhay
Mararamdaman mo ang mas mabilis na pagtaba kaysa sa mga nakaraang linggo. Maaari mo ring makita na ang iyong paa ay lumaki at least one size bigger sa sukat mo. Ang hormone relaxin ay nagpaparelax sa iyong mga kasukasuan at pangunahing responsable para dito. Ang parehong hormone na ito ay nagpapahintulot din sa iyong sanggol na magkasya sa loob ng iyong katawan. Ito ay sa pamamagitan ng pagluwag ng iyong mga joints at ligaments lalo na sa paligid ng pelvic region. Maaari rin itong humantong sa ilang mga sintomas ng cramping ng binti.
Sa ika-22 linggo ng pagbubuntis, bukod sa makati ang balat at heartburn, maaari ka ring makakita ng ilang indikasyon ng mga stretch mark kung ikaw ay madaling magkaroon ng mga ito. Ang mga stretch mark na ito ay magmumukhang pula sa una bago magiging kulay gray. Ang iyong mga suso at hita ang unang target ng mga stretch mark na ito. Mabuti na magkaroon ng body butter o ilang moisturizer na nababagay para sa mga stretch mark sa pagbubuntis. Makakatulong ito na mabawasan ang pagsisimula ng mga stretch mark pagkatapos mong manganak.
Mapapansin mo rin na maaaring mayroong ilang false o Braxton Hicks contraction kasama ng mga karaniwang galaw ng iyong sanggol. Bukod dito, maaari mo ring mapansin ang pagtagas ng kaunting gatas mula sa iyong mga nipples at lahat ng ito ay normal. Ang pagkakaroon ng pagtagas ng gatas ay isang magandang senyales na ang iyong suplay ay nagsisimula nang mabuo.
Pagbisita sa Iyong Doktor
Sa puntong medikal, ito ang perpektong oras para i-check kung ang sanggol ay lumalaki nang maayos. Para sa mga kababaihan na ang mga pagbubuntis ay kailangan ng mas malapit na pagsubaybay, ang mga sintomas ng intrauterine growth restriction (IUGR) ay niru-rule out sa panahong ito. Ang isang buong congenital anomaly scan ng sanggol ay isang uri ng ultrasound. Ito ang sumusuri sa mga organ at mga sukat nito na may pagsasaalang-alang sa bawat isa. Malamang na hihilingin ito ng iyong doktor kung hindi pa ito nagagawa sa ika-18-21 na linggo ng pagbubuntis. Titiyakin nito na ang mga organ ng sanggol ay kumpleto at ang paglaki ay nasa tama.
Kalusugan at Kaligtasan
Karamihan sa mga klase sa antenatal o panganganak ay nagsisimula sa mga oras na ito o malapit sa 6 na buwang marka. Maaari kang magtanong tungkol sa mga klase sa panganganak na ito at simulan ang pagpaplano ng iyong perpektong senaryo ng delivery. Ang paghahanda ng birth plan at pagtalakay nito sa iyong doktor ay mabuti para sa mga problema ng iyong pagbubuntis (hal. Gagamit ka ba ng bathtub sa panganganak para sa water birth? Kakailanganin mo ba ng doula sa oras ng panganganak? Ano ang iyong kagustuhan: natural na panganganak o anesthesia? Magkakaroon ka ba ng mga natural na method tulad ng Lamaze o hypnobirthing sa paglalaro? Iuuwi mo ba ang iyong inunan mula sa ospital sa anumang kadahilanan? Ang mga ito at maraming iba pang mga tanong ay sasagutin ng iyong birth plan.), pero maaaring masyadong maaga pa na maghanda ng hospital bag sa point na ito.
Tulad ng ikalawa at ikatlong trimester, patuloy na subaybayan ang paggalaw ng fetus sa yugtong ito. Ang perpektong paggalaw ay humigit-kumulang 10 kicks bawat 1-2 oras. May ilang app na nagmo-monitor ang mga sipa na ito at tinitingnan kung may mali sa iyong sanggol sa mga araw na ‘yon. Huwag palampasin ang iyong prenatal vitamins at take it easy; ang paglaki ng sanggol at ang iyong paghahanda ay lampas na sa kalahati ng hinihintay na araw.
[embed-health-tool-due-date]