Sa Pilipinas, kilala ang dahon ng bayabas bilang pang gamot sa ilang sugat. Ito ay ginagamit sa maraming lugar dito. Kaya lang, okay lang bang gamitin ang mga ito bilang panggagamot sa vaginal wounds pagkatapos ng panganganak? Ligtas bang gamitin ang mga dahon ng bayabas sa sugat para sa mainit na vaginal steam?
Ano Ang Vaginal Steaming?
“Facial” para sa vagina ang tawag ng ibang tao sa vaginal steaming. Sa pamamaraang ito, ang babae ay uupo sa ibabaw ng isang mangkok ng umuusok na tubig na may mga nakababad na herbs. Ang vaginal steaming ay hindi isang bagong imbensyon. Sa katunayan, sa Pilipinas, ito ay isang tanggap na nakasanayang gawin sa mga probinsya. Ngunit ngayon, muli itong umuusbong sa mga spa dahil sa mga nakikitang benepisyo nito.
Ang ideya ay ang init mula sa steam ang magbubukas sa mga pores ng vaginal at vulvar skin. Kapag ang mga pores ay bukas na, maaari nilang “ma-absorb” ang mga nakapagpapagaling na benepisyo ng mga halamang gamot na inilagay sa tubig. Sinasabi pa nga ng mga taga suporta ng procedure na ito na ang mga benepisyong panggamot ay maaari ring maabot ang matris.
Mga Benepisyo Ng Dahon Ng Bayabas Sa Sugat Ng Panganganak
Bago natin pag-usapan kung paano gamitin ang dahon ng bayabas sa sugat ng panganganak, pag-usapan muna natin ang mga benepisyo ng vaginal steaming.
Ayon sa Harvard Health, “walang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa vaginal steaming.” Pero, marami ang naniniwala na makakatulong ito sa:
- Pag-boost ng fertility
- Pagpapagaan ng mga di-kaaya-ayang sintomas ng regla, tulad ng bloating, cramps, pagkahapo, heavy menstrual flow, at hindi regular na regla
- Pagpapagaan ng mga sintomas ng menopause
- Pagtaas ng daloy ng dugo sa ari
- Pagpapagaling ng sugat pagkatapos ng normal vaginal childbirth
Gayunpaman, ang lahat ng ito ay “sinasabi” na mga benepisyo, at higit pang pananaliksik ang kailangan. Hindi iyon nangangahulugan na walang mga sumusubok para patunayan ang mga benepisyong ito.
Halimbawa, dito sa Pilipinas, ilang mga mananaliksik ang nagsagawa ng pag-aaral upang matukoy kung ang vaginal steaming ay isang mabisang paraan para pagalingin ang postpartum episiotomy na sugat.
Sa halip na gumamit ng maraming halamang gamot, nagdagdag sila ng dahon ng bayabas sa tubig. Ginamit din nila ang pinalamig na steam water bilang panghugas sa perineal area.
Pinili nila ang bayabas dahil kinikilala ng Department of Health ang mga antiseptic properties nito. Nais malaman ng mga mananaliksik kung ang dahon ng bayabas sa sugat ay mabisa sa paggamot sa mga sugat. Partikular dito ang mga sugat pagkatapos ng panganganak, kung ito ay gagamitin sa mainit na steam.
Narito kung paano ang nangyari sa eksperimento:
Hot Steam Na May Dahon Ng Bayabas At Postpartum Wound Care
Sa panahon ng kapanganakan ng kanilang sanggol, maraming ina ang nangangailangan ng episiotomy. Ito ang surgical cut (incision) sa bukana ng ari, upang makatulong sa panganganak. Ang dahilan para sa isang episiotomy ay para maiwasan ang mga punit sa mga muscles ng perineum.
Karaniwan, ang episiotomy na sugat ay gagaling sa loob ng 4 hanggang 6 na linggo. Ngunit nakasalalay pa rin iyon sa laki ng paghiwa at materyal na ginamit para sa tahi.
Tulad ng nabanggit, ang mga mananaliksik mula sa Angeles University Foundation Medical Center ay gustong malaman kung ang dahon ng bayabas sa sugat ay talagang mabisa sa paggamot. Ito ay partikular sa mga sugat sa episiotomy.
Ang Mga Paraan
- Ang pag-aaral ay nag-imbita ng 127 kababaihang kalahok, edad 18 hanggang 45 taong gulang.
- Hinati ng mga mananaliksik ang mga kalahok sa 3 grupo.
- Isang grupo ang nakatanggap ng hot steam ng dahon ng bayabas at panghugas. Sinubukan nila ang remedy 3 beses sa isang araw, sa loob ng 7 araw.
- Ang pangalawang grupo ay umiinom ng antibiotic 3 beses sa isang araw sa loob ng 7 araw.
- Panghuli, ang ikatlong grupo ay nagkaroon ng hot steam at panghugas, at ng antibiotic na paggamot.
- Upang matukoy kung epektibo ang paggamit ng dahon ng bayabas sa paggamot para sa mga sugat, sinukat nila ang pain scores ng mga participants at mga marka ng REEDA. Ang REEDA ay isang scale na sinusuri ang proseso ng pamamaga gamit ang mga sumusunod na parameter: Pamumula, edema (pamamaga), ecchymosis (pag-iiba ng kulay ng balat), discharge, at pagtatantya ng mga gilid ng sugat.
- Sinukat ng mga researchers ang mga markang ito sa 24 na oras, 3 araw, at 7 araw pagkatapos manganak.
Ang Mga Resulta
Sa pagtatapos ng pag-aaral, inihayag ng mga researchers na walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga marka ng sakit at mga marka ng REEDA sa lahat ng tatlong grupo.
Kaya naman, na-conclude nila na ang paggamit ng hot steam at paghuhugas ng dahon ng bayabas sa sugat ay kasing epektibo ng oral antibiotic na paggamot. Bukod dito, nalaman nila na walang karagdagang benepisyo sa pagsasama-sama ng paggamot sa dahon ng bayabas at oral antibiotic na paggamot.
Ang kanilang overall conclusion ay: “Ang isang vaginal steam at panghugas gamit ang dahon ng bayabas ay maaaring irekomenda para sa pangangalaga ng sugat pagkatapos ng normal na kusang panganganak na may episiotomy.”
Safety Ng Vaginal Steaming
Kahit na ang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Angeles University Foundation Medical Center ay tila nagpapatunay sa bisa ng dahon ng bayabas para sa mga sugat, mayroon pa ring ilang safety concerns.
Halimbawa, isang 62-anyos na babae mula sa Canada ang dumanas ng second-degree na paso matapos subukan ang vaginal steaming. Sinabi niya na siya ay nagkaroon ng vaginal prolapse. Ito ay isang kondisyon kung saan ang bituka, pantog, at matris ay umusli mula sa ari. Sinubukan niya ang hot steam remedy upang makatulong sa kondisyon.
Ang isa pang alalahanin sa safety ay ang impeksiyon. Sinasabi ng mga eksperto na ang init na dala ng singaw ay maaaring maging dahilan ng paglaki ng bacteria at yeast.
Finally, napakakaunting mga pag-aaral tungkol sa vaginal steaming, at angexpectant mothers ay hindi dapat gumamit ng lunas na ito. Gaya ng nakasanayan, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor.
Dapat Mo Bang Subukan Ang Dahon Ng Bayabas Sa Sugat Ng Panganganak?
Kung gusto mo ng vaginal cleaning, hindi angkop ang hot steam treatment. Ang vagina ay isang “self-cleaning” organ. Hindi rin inirerekomenda ng mga doctor ang paggamit ng sabon at feminine care products.
Sa kabilang banda, kung ninanais mong ma-absorb ang medicinal benefits ng mga halamang gamot, wala pa ring pag-aaral na magpapatunay na makaka-penetrate ito sa vaginal skin.
Kung gusto mong i-promote ang paggaling ng sugat after childbirth at ipagtanggol na ang pag-aaral sa itaas ay nagsasabing epektibo, tandaan na sa pag-aaral gumamit din ang mga babae ng extract ng dahon ng bayabas sa sugat bilang isang perinial wash.
Bilang konklusyon, pagdating sa paggamot sa postpartum wounds o reproductive at menstrual concerns, hindi hinihikayat ng medical community ang vaginal steaming. Pinakamabuting kumunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Pag-Aalaga Pagkatapos Manganak dito.
[embed-health-tool-ovulation]