backup og meta

Benepisyo Ng Pagsasayaw Para Sa Osteoporosis, Alamin Dito!

Benepisyo Ng Pagsasayaw Para Sa Osteoporosis, Alamin Dito!

Ang osteoporosis ay isang umiiral na pag-aalala sa kalusugan ng publiko sa Pilipinas. Isang ulat ang nagpahiwatig na ang prevalence rate ng kundisyong ito sa mga postmenopausal na kababaihan ay 19.8%. Sa isa pang kamakailang pag-aaral, sinabi ng mga mananaliksik na ang mga lalaking may osteopenia at osteoporosis ay maaaring magkaroon ng mga bali bago pa man sila umabot sa 70. May benepisyo ba ang pagsasayaw para sa osteoporosis?

Benepisyo Ng Pagsasayaw: Anong Ehersisyo Ang Mabuti Para Sa Mga Buto

Ayon sa mga eksperto, maiiwasan mong maging bahagi ng mga estadisktika sa pamamagitan ng pagsasayaw. Totoo bang binabawasan ng sayaw ang panganib ng osteoporosis? Alamin dito.

Ang tila nakakalimutan ng maraming tao ay ang mga buto ay mga dynamic na tisyu. Tulad ng mga kalamnan, tumutugon ang mga buto sa stress na inilalagay mo sa kanila.

Sa kaso ng ating mga buto, tumutugon sila sa stress (ehersisyo) sa pamamagitan ng pagpapalakas.

Sinasabi ng mga eksperto na naabot ng mga tao ang peak bone mass (kapag ang bone mass ay nasa pinakamataas) sa average na 30 taon. Pagkatapos nito, ang density at lakas ng buto ay nagsisimulang bumaba.

Ang mga taong regular na nag-eehersisyo ay nakakamit ng mas mataas na peak bone mass kaysa sa mga hindi. Bukod dito, ang regular na ehersisyo ay isang mahusay na paraan para sa mga taong nasa edad 20 upang makatulong na maiwasan ang pagkawala ng buto.

Huwag nating kalimutan na ang pag-eehersisyo ay nagpapabuti sa iyong lakas, balanse, at koordinasyon ng kalamnan — mga bagay na nakakatulong na maiwasan ang mga aksidente sa pagkahulog na maaaring makapinsala sa mga buto.

Benepisyo Ng Pagsasayaw: Binabawasan Ang Panganib Ng Osteoporosis

Ang mga eksperto ay nagsasabi na ang sayaw ay binabawasan ang panganib ng osteoporosis.

Halimbawa: isang pag-aaral na kinasasangkutan ng mga mananayaw ng ballet ay nagsiwalat na mayroon silang mas malaking nilalaman ng mineral sa buto kaysa sa control group.

Sa isa pang siyentipikong pagsisiyasat, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga ehersisyong pampabigat (tulad ng pagsasayaw) at pagsasanay sa paglaban ay nakakatulong sa pagbuo ng lakas ng buto sa mga taong mahigit sa 60.

Sa partikular, nakakita sila ng mga positibong epekto sa femoral neck at lumbar spine bone mineral density. Bukod dito, pinahusay din ng pinangangasiwaang programa sa ehersisyo ang pisikal na lakas at koordinasyon ng kalamnan.

Habang ang pag-aaral ay nagpasiya na ang sayaw ay nagpapababa ng panganib ng osteoporosis, ang head researcher, si Propesor Robin Daly, ay nag-iiwan pa rin ng mga sumusunod na tip:

  • Ang mga ehersisyo tulad ng paglalakad, paglangoy, at pagbibisikleta ay hindi sapat upang maiwasan ang pagkawala ng buto o pagkahulog.
  • Ang pinaka-epektibong ehersisyo para sa kalusugan ng buto ay ang regular na moderate-intensity weight-bearing workout. Kasama rito ang pagsasayaw, jogging, tennis, skipping, at stair climbing.
  • Sa halip na mahabang sesyon ng pag-eehersisyo, pinakamainam na magkaroon ng mabilis na maikling pagsabog ng mga ehersisyong pampabigat.
  • Para sa pinakamalaking benepisyo, isaalang-alang ang pagkakaroon ng progresibong pagsasanay sa paglaban na nagta-target sa mga grupo ng kalamnan sa balakang at gulugod. Ang progresibo ay nangangahulugan na ang pagsasanay ay nagiging mas mahirap. Kaya, kung ikaw ay nagbubuhat, ang mga bigat ay nagiging mas mabigat. Inirerekomenda ni Propesor Daly ang resistance training dalawang beses sa isang linggo.

Benepisyo Ng Pagsasayaw: Mabuti Ba Ito Para Sa Mga Taong May Osteoporosis?

Ang pagsasayaw ay maaaring isang magandang paraan upang bumuo ng mass ng buto at lakas ng kalamnan. Ngunit paano kung mayroon ka nang osteoporosis? Advisable pa bang sumayaw?

Ang ilang mga ulat ay nagsasabi na ang pagsasayaw ay isang magandang ehersisyo pa rin para sa mga taong may osteoporosis. Gayunpaman, ang pagsasayaw ay maaaring maging isang high-impact na weight-bearing workout. Ang mga eksperto ay hindi nagrerekomenda ng mga high-impact na ehersisyo sa mga taong nasa panganib ng fracture.

Kung mayroon kang osteoporosis o iba pang pinagbabatayan na kondisyon ng kalusugan, kumunsulta sa iyong doktor bago magpasya sa isang regular na gawain sa pag-eehersisyo.

Mga Karagdagang Paalala

Totoo bang binabawasan ng sayaw ang panganib ng osteoporosis? Sinasabi ng mga eksperto na ito ay totoo. Gayunpaman, mangyaring tandaan na hindi ka dapat umasa sa pagsasayaw o anumang uri ng ehersisyo nang nag-iisa.

Ang pagbawas sa panganib ng osteoporosis ay nagsasangkot ng iba pang mga hakbang, tulad ng isang malusog at balanseng diyeta na may sapat na bitamina para sa mga buto, pag-iwas sa paninigarilyo, at paglilimita sa pag-inom ng alak.

Kung nag-aalala ka tungkol sa osteoporosis, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor. Tutulungan ka nilang gumawa ng plano upang higit pang bawasan ang iyong panganib o magrekomenda ng mga pagsusuri tulad ng bone densitometry.

Key Takeaways

Ang mga ulat ay nagpapahiwatig na ang sayaw ay nagbabawas ng panganib ng osteoporosis. Gayunpaman, hindi lamang ito ang hakbang na maaari mong gawin upang maiwasan ang pagkawala ng buto. Mahalaga rin para sa iyo na magbago ng lifestyle. Iwasan ang paninigarilyo. Limitahan ang iyong paggamit ng alkohol. At magkaroon ng malusog at balanseng diet  na mayaman sa mga bitamina at mineral para sa kalusugan ng buto.

Matuto pa tungkol sa Osteoporosis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Osteoporosis in urban post-menopausal women of the Philippines: prevalence and risk factors, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3644205/, Accessed October 27, 2021

Osteoporosis and Prevalent Fractures among Adult Filipino Men Screened for Bone Mineral Density in a Tertiary Hospital, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5053056/, Accessed October 27, 2021

Exercise for Your Bone Health, https://www.bones.nih.gov/health-info/bone/bone-health/exercise/exercise-your-bone-health#a, Accessed October 27, 2021

Dancing for bone health: a 3-year longitudinal study of bone mineral accrual across puberty in female non-elite dancers and controls, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16758141/, Accessed October 27, 2021

From senior cit to senior fit: Gym trial puts weight behind active bones, https://www.deakin.edu.au/about-deakin/news-and-media-releases/articles/from-senior-cit-to-senior-fit-gym-trial-puts-weight-behind-active-bones, Accessed October 27, 2021

Osteoporosis and exercise, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/osteoporosis-and-exercise#exercises-that-people-with-osteoporosis-should-avoid, Accessed October 27, 2021

Osteoporosis Exercise for Strong Bones, https://www.nof.org/patients/treatment/exercisesafe-movement/osteoporosis-exercise-for-strong-bones/, Accessed October 27, 2021

Prevention -Osteoporosis, https://www.nhs.uk/conditions/osteoporosis/prevention/, Accessed October 27, 2021

Kasalukuyang Version

07/25/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni January Velasco, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ehersisyo para sa mataba: Heto ang mabisang mga exercise

Ehersisyo Para sa Scoliosis, Paano Nakatutulong sa Kondisyong Ito?


Narebyung medikal ni

January Velasco, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement