Masakit na batok ang karaniwang reklamo ng mga taong may hindi magandang postura. Maaaring resulta ito ng pagkakasandal sa computer o pagyuko sa isang pangtrabahong upuan na nakakapagpahirap sa mga kalamnan ng leeg. Maraming tao ang nakakaranas ng pananakit ng leeg o paminsan-minsang paninigas nito. Binubuo ng gulugod o vertebrae ang iyong leeg, at ito ay umaabot mula sa bungo hanggang sa itaas na katawan. Ang mga cervical disc sa pagitan ng mga buto ang tumatanggap ng shock at nagbibigay sa gulugod ng .
Ang mga buto, ligament, at kalamnan ng iyong leeg ay sumusuporta sa iyong ulo at nagbibigay-daan sa paggalaw. Kung kaya maaaring magdulot ng pananakit o paninigas ng leeg ang anumang abnormalidad, pamamaga, o pinsala.
Sanhi ng masakit na batok
Ang pananakit ng batok ay maaaring sanhi ng sumusunod:
- Arthritis
- Disc degeneration
- Pagpapaliit ng spinal canal
- Pamamaga ng kalamnan
- Strain
- Trauma
Ang edad, trauma, mahinang postura o mga sakit tulad ng arthritis ay maaaring humantong sa pagkarupok ng mga buto o joints ng cervical spine. Nagiging sanhi ito ng disc herniation o pagbuo ng bone spurs. Ang biglaang matinding pinsala sa leeg ay maaari ring mag-ambag sa sumusunod:
- Disc herniation
- Whiplash
- Pagkasira ng daluyan ng dugo
- Vertebral injury
- Maaaring magresulta sa permanenteng pagkaparalisa
Ang mga herniated disc o bone spurs ay maaaring maging sanhi ng pagpapaliit ng spinal canal, o ang maliliit na butas kung saan lumalabas ang mga ugat ng spinal nerve, na naglalagay ng presyon sa spinal cord o mga ugat.
Paano nasusuri ito?
Ang pananakit ng batok ay maaaring tumagal mula araw hanggang taon, depende sa sanhi. Kung nakakaranas ka ng pananakit ng leeg o likod, dapat magpatingin sa iyong doktor para sa medikal at pisikal na pagsusuri. Maaaring iutos ng doktor na gawan ng x-ray pati na rin ang magnetic resonance imaging (MRI) ang mga apektadong lugar. Magbibigay-daan ito sa mas kumpletong pagtingin ng iyong kondisyon.
Ang MRI ay gumagawa din ng mga larawan ng malambot na mga tisyu, tulad ng ligaments, tendons, at mga daluyan ng dugo. Ang MRI ay maaaring humantong sa isang diagnosis ng impeksyon, tumor, pamamaga, o presyon sa iyong ugat. Minsan ang pagsusuri sa dugo ay maaaring makatulong sa pag-diagnose ng arthritis, isang kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit ng likod at leeg.
Stress bilang sanhi ng masakit na batok
Kapag nakakaranas ka ng pangmatagalang stress, ang iyong katawan ay maaaring magkaroon ng tensyon sa leeg at balikat na kalamnan, na maaaring humantong sa pananakit. Ang pananakit ng leeg ay isang karaniwang sintomas na dulot ng patuloy na stress. Kapag mas na-stress ka, mas magiging tense ang iyong mga kalamnan, na nagiging sanhi ng mas maraming sakit at kakulangan sa ginhawa. Maaari ka ring magkaroon ng tension headaches.
Paano ginagamot ang masakit na batok?
Kung nakakaranas ka ng matinding pananakit ng likod o leeg, maaari itong itong bumuti kapag nagpahinga ka. Ang mga over-the-counter na gamot, tulad ng acetaminophen o ibuprofen, ay maaari ring makatulong upang magkaroon ka ng karagdagang ginhawa. Dapat mong subukang gumalaw nang malumanay sa panahong ito, upang mas madali kang makakilos.
Kung mayroon kang talamak na pananakit ng likod at leeg, dapat mong subukan ang ilang mga remedyo na maaaring makatulong tulad ng sumusunod:
- Hot or cold packs
- Mga partikular na ehersisyo upang palakasin ang mga kalamnan at mapawi ang pananakit
- Maaaring payagan ang aerobic exercise at makakatulong ito sa iyong pangkalahatang fitness at lakas
Kung hindi maging sapat ang mga remedyo na nakalista sa taas, mas maigi na magkonsulta sa doktor. Nakalista ang ilan sa maaaring ipagawa o ibigay ng doktor bilang treatment:
- Anti-inflammatory na gamot o muscle relaxant na iereseta
- Mga braces o corset para sa karagdagang suporta na irerekomenda
- Iniksyon para sa pagtanggal ng pananakit sa lugar
- Nerve block, na nagpapababa ng mga signal ng sakit mula sa apektadong nerve
- Acupuncture
Dapat rin tandaan na bago uminom ng over-the-counter na gamot, alamin muna kung may allergy ka dito o wala. Mas maigi magpa-konsulta kung hindi gumagana ang mga remedyo na naka-lista.