backup og meta

Sungki Na Ngipin Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Dito, At Paano Ito Maiiwasan?

Sungki Na Ngipin Ng Bata: Ano Ang Dapat Gawin Dito, At Paano Ito Maiiwasan?

Habang lumalaki ang mga bata, kapansin-pansin ang mga pagbabago sa kanilang mga pisikal na katangian. Bukod sa kanilang pagtangkad, ang kani-kanilang mga ngipin ay patuloy ding tumutubo. At hindi maikakaila na karaniwan sa ilang mga bata ang magkaroon ng sungki na ngipin. Napapansin ito ng mga magulang kapag sila ay ngumiti. Ngunit, ano ang ibig sabihin kapag ang isang bata ay sungki at ano ang maaaring gawin upang maiayos ito? Alamin ang mga impormasyon sa artikulong ito. 

Pag-Unawa Tungkol Sa Sungki Na Ngipin

Karaniwan ang pagkakaroon ng sungki na ngipin sa mga bata ngunit hindi alam ng nakararami kung ano ang dahilan at epekto nito. Madalas ay hinahayaan at napapabayaan lamang ang mga ito na hindi nagagawa, hanggang sa sila ay tumanda. 

Ang malocclusion ay tumutukoy sa medikal na termino sa pagkilala ng naturang sitwasyon. Nangyayari ito kapag ang mga ngipin ay nagiging crooked o masikip. Ang misalignment na ito ay ang dahilan bakit hindi magtugma nang maayos ang mga ngipin sa itaas at sa ibaba kapag isinara ang bibig o nagsasagawa ng bite. Maaari ring magkaroon ng misalignment sa itaas at ibabang panga. Kung kaya, tinatawag din itong “bad bite.” 

Mayroon iba’t ibang klase ng “bad bite” at ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Overbite. Ang front teeth sa upper jaw ay lumalabas sa ibabaw ng mga ngipin sa lower jaw.
  • Underbite. Ang mga ngipin sa lower jaw ay lumalabas sa ibabaw ng mga ngipin na nasa upper jaw. 
  • Open bite. Ang mga front teeth ay hindi nagtatama kapag nakasarado ang bibig o panga. 
  • Cross bite. Ang mga top teeth ay naasa likod ng mga ngipin sa ibaba. 

Kapag napansin ng dentista ang anumang klase ng malocclusion, maaari niyang irekomenda ang pagkakaroon ng braces upang maayos ito. Kung hindi ito naayos, maaari itong magdulot ng ilang problema sa kalusugan tulad ng:

  • Pagkabulok ng ngipin 
  • Pagkawala ng ngipin
  • Pananakit ng gilagid at/o panga
  • Problema sa pagnguya pagkain
  • Problema sa pananalita

Bukod sa mga nabanggit, posible rin itong makaaepekto sa mental health ng bata. Batay sa ilang mga pag-aaral, ang mga taong may sungking ngipin ay umiiwas sa mga social situations mga relasyon. Ito ay marahil nakararamdam sila ng pagkailang buhat ng kanilang hitsura.

Ano Ang Sanhi Ng Sungki Na Ngipin?

Maraming posibleng sanhi ng pagkakaroon ng ngipin na sungki. Kadalasan, ito ay namamana. Maaari rin ito’y sanhi ng pagkakaiba sa pagitan ng laki ng upper at lower jaws o sa pagitan ng panga at laki ng ngipin. Nagdudulot ito ng pagsikip ng ngipin o abnormal bite patterns. Ang hugis ng panga o mga birth defects tulad ng cleft lip at palate ay kabilang din sa mga dahilan ng sungki na ngipin.

Ang iba pang mga sanhi ay kinabibilangan ng:

  • Mga childhood habits tulad ng thumb sucking, tongue thrusting (pagtutulak ng dila), paggamit ng pacifier lampas sa edad na 3, at matagal na paggamit ng bote sa pag-inom ng gatas
  • Mga sobrang ngipin, nawalang ngipin, impacted na ngipin, o abnormal na hugis ng ngipin
  • Hindi angkop na dental fillings, crowns, dental appliances, retainers, o braces
  • Misalignment ng jaw fractures matapos ang isang matinding pinsala
  • Mga tumor sa bibig at panga

Ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala rin na ang pangangalit ng ngipin (teeth grinding) ay isang salik ng panganib. Mayroong mga tao na nangangalit ng ngipin kapag sila ay nakararamdam ng stress, anxiety, o galit

Ano Ang Dapat Gawin?

Hindi lahat ng kaso ng malocclusion ay maaaring maiwasan. Katulad ng nabanggit, posible itong buhat ng genetics na hindi basta-bastang maisasantabi. Gayunpaman, makatutulong ang pagpigil sa anak sa pagsasagawa ng ilang sa mga nasabing gawi lalo na kung siya ay humantong na ng 5 taong gulang.

Maliban sa mga paraan na pag-iwas, mayroon namang mga paraan ng paggamot na maaaring isaalang-alang. Depende sa lawak at lala ng malocclusion, ang paggamot ay minsang ginagawa sa pagdaan sa ilang mga yugto. Sa ilang mga kaso, kailangang tanggalin ang mga ngipin ng iyong anak. Ito ang magbibigay ng puwang para sa kanyang mga permanenteng ngipin. Kung minsan, maaari ring tanggalin ang mga permanenteng ngipin.

Ilan pa sa mga maaaring gawin sa sungki na ngipin ng iyong anak ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Mouth appliances. Maaaring magrekomenda ang dentista ng fixed na mouth appliance tulad ng braces o ang natatanggal na klase tulad ng retainers. Ang paggamit ng alinman sa dalawa ay makatutulong sa pagbabalik ng alignment ng ngipin ng bata. 
  • Jaw surgery. Bagaman hindi lagi isinasagawa, mayroong ilang mga kaso na maaaring mangailangan ng operasyon upang maitama ang problema sa pagkagat.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng sungki na ngipin ay isang karaniwang dental problem na maaari namang gawan ng paraan. Kumunsulta sa dentista upang malaman ang angkop na treatment para sa partikular na sitwasyon ng iyong anak. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Braces, https://kidshealth.org/en/parents/braces.html Accessed August 18, 2022

Malocclusion, https://www.childrenshospital.org/conditions/malocclusion Accessed August 18, 2022

Malocclusion, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22010-malocclusion#:~:text=What%20is%20malocclusion%3F,your%20mouth%20%E2%80%94%20or%20are%20crooked.Accessed August 18, 2022

Malocclusion in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=malocclusion-90-P01860 Accessed August 18, 2022

Malocclusion of the teeth, https://medlineplus.gov/ency/article/001058.htm Accessed August 18, 2022

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

12 Wastong Paraan Ng Pagsisipilyo Ng Ating Mga Ngipin!

Bulok Na Ngipin: Sanhi, Sintomas, Gamot, At Pag-iwas


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement