Ang paglilinis ng ngipin, dental prophylaxis o oral prophylaxis ay procedure na ginagawa upang lubusang linisin ang mga bahagi ng ngipin at gums na mahirap abutin ng pagsisipilyo at flossing. Alamin sa artikulong kung ano ang ginagawa sa teeth cleaning.
Mahalagang laging magsipilyo at mag-floss ng mga ngipin. Ngunit mahalaga din na magpatingin sa iyong dentista tuwing anim na buwan para sa propesyonal na paglilinis. Ang naipon na plaque at tartar ay maaaring mauwi sa gingivitis o pamamaga ng gilagid. Ang pagpapalinis ng ngipin sa isang propesyonal ay pumipigil sa pagkabulok ng ngipin at sakit sa gilagid.
Sino ang gumagawa ng teeth cleaning?
May dalawang tao na maaaring gumawa ng dentist teeth cleaning kapag bumisita ka sa klinika. Sila ang dentista at dental hygienist.
Ang dentista ay isang uri ng doktor na partikular na sinanay para sa mga ngipin. Susuriin nila ang iyong mga ngipin at gilagid upang makita kung malusog ang mga ito.
Ang mga dental hygienist ay health professionals na nag-aalaga ng ngipin. Bilang karagdagan, tinutulungan din nila ang dentista sa oras ng procedure. Sa Pilipinas, dentista ang karaniwang gumagawa nito.
Ano Ang Ginagawa Sa Teeth Cleaning Procedure?
Dental at Medical History
Hihilingin ng receptionist na mag-fill out ka ng form para sa medical at dental history mo. Ang form na ito ay naglalaman ng serye ng mga tanong tungkol sa dental at pangkalahatang kalusugan. Mahalagang malaman ng iyong hygienist o dentista kung mayroon kang anumang mga kondisyon upang makapagpatuloy sila nang maayos. Halimbawa, ang ilang cardiac patients ay kailangang uminom ng mga prophylactic antibiotic kung sumasailalim sila sa mga ganitong uri ng mga pamamaraan.
Pagpasok sa Exam Room
Kapag tinawag ang pangalan mo sa reception area, papasok ka sa exam room at uupo sa dentist’s chair.
Sa tabi ng upuan ay may isang maliit na lababo at isang maliit na tasa na magagamit mo kapag hinihilingin sa iyong banlawan ang iyong bibig sa oras ng procedure.
Oral Examination
Ano ang ginagawa sa teeth cleaning? Ang paglilinis ng ngipin ng dentista ay palaging nagsisimula sa isang intraoral exam.
Upang masuri ang mga palatandaan ng pamamaga sa gilagid o caries sa ngipin at iba pang mga problema sa ngipin, gumagamit ang dentista ng maliit na salamin.
Kung matuklasan ng dentista ang anumang malalaking isyu, posibleng hilingin sa iyo na ipagpaliban ang paglilinis at unahin ang mga alalahaning ito.
Pag-alis at Pag-scrape ng Tartar at Plaque
Gagamit ang dentista ng maliit na salamin upang i-guide sila at dental scaler upang alisin ang plaque sa pagitan ng iyong mga ngipin. Ang kailangang alisin ng mga dentista ay ang build-up ng tartar at plaque sa mga siwang ng mga ngipin.
Sa prosesong ito, maaari mong marinig at maramdaman ang pag-scrape na maaaring hindi komportable. Maaaring kailanganin ng iyong dentista na mag-scrape pa sa mga lugar kung saan mas maraming tartar.
Electric Toothbrushing
Kapag natanggal na ang plaque at tartar, ang susunod na ginagawa sa teeth cleaning ay ang pag-brush ng dentista ng iyong mga ngipin gamit ang electric-powered brush. Ang brush ay may ingay na maaaring nakakatakot lalo na sa mga bata. Ngunit ang electric brush na ito ay mahusay na paraan upang linising mabuti ang iyong mga ngipin.
Sa mga propesyonal na teeth cleaning, ginagamit ang toothpaste na may magaspang na texture. Sa kabila ng pagiging magaspang, dahan-dahang kinukuskos nito ang iyong mga ngipin. Ang prosesong ito ng pagpapakinis ng mga ngipin ay maaaring gawin dalawang beses bawat taon at dapat gawin ng isang propesyonal.
Professional Flossing
Regular ka man na mag-floss sa bahay o hindi, palaging mas epektibo ang flossing session ng eksperto. Lilinisin din ng dentista ang mga bahagi sa pagitan ng iyong mga ngipin at tutukuyin ang mga lugar kung saan maaaring dumugo ang mga gilagid.
Bilang karagdagan, ang professional flossing ay nag-aalis ng anumang plaque o toothpaste na naiwan sa oras ng teeth cleaning ng dentista.
Rinsing
Ang susunod na hakbang kung ano ang ginagawa sa teeth cleaning ay ang pagbabanlaw o rinsing ng iyong bibig. Ito ay para maalis ang anumang toothpaste at iba pang bagay mula sa procedure. Hihilingin ng iyong dentista na banlawan mo ng tubig at pagkatapos ay isang likido na may fluoride.
Fluoride Treatment
Pagkatapos ng pagbabanlaw, maaaring mag-apply ng fluoride treatment ang dentista. Makakatulong ang treatment na ito upang maiwasan ang cavities sa iyong ngipin nang ilang buwan.
Ang isang mouthpiece na puno ng foam o isang malagkit na paste ay ilalagay sa iyong ngipin at hahayaan ng ilang minuto. Maaari ring lagyan ng fluoride varnish ang iyong ngipin. Ang fluoride varnish ay isang substance na nagpoprotekta sa iyong mga ngipin mula sa mga cavity. Sa sandaling dumampi ang laway dito, tumitigas ang fluoride varnish. Dahil dito, hindi ka dapat kumain ng 30 minuto hanggang 1 oras pagkatapos ng propesyonal na aplikasyon ng fluoride. Titiyakin nito na ang fluoride ay maa-absorb ng mga ngipin.
Ang treatment na ito ay hindi palaging available sa mga dental clinic. Kung minsan, maaaring hiwalay ang bayad nito mula sa teeth cleaning. Siguraduhing magtanong upang ma-avail mo ang treatment na ito.
Key Takeaways
Upang mapanatili ang malusog na mga ngipin, mahalaga ang pagbisita sa dentista para sa angkop na teeth cleaning. Ang plaque at tartar sa ibabaw at mga siwang ng ngipin ay pwedeng humantong sa gum disease at pagkabulok ng ngipin kung hindi hindi aalisin ng propesyonal.
Maaaring hindi palaging magandang karanasan ang teeth cleaning ng dentista, ngunit ang pagbibigay sa iyong mga ngipin at gilagid ng pangangalaga at pagpapanatili na kailangan nila ay tiyak na maiiwasan ang mas masakit at hindi komportableng mga sakit sa bibig.
Matuto pa tungkol sa Oral Care dito.
[embed-health-tool-bmi]