Walang sinumang tao ang gustong magkaroon ng mabahong hininga. Nakakailang ang pagkakaroon nito dahil maaari ring mailang ang mga tao na makipagusap sa taong may ganito. Higit pa rito, ito ay posibleng indikasyon ng poor oral hygiene. Ngunit, alam mo ba na maaari rin itong sanhi ng ilang mga medikal na kondisyon? Alamin kung ano ang kondisyon na tinatawag na halitosis sa artikulong ito.
Ano Ang Halitosis?
Halos lahat ng mga tao ay nakararanas na magkaroon ng mabahong hininga. Kadalasan, ito ay nangyayari kapag bagong gising pa lang ang tao at hindi pa nakakapagsipilyo. Ngunit para sa ibang tao, ito ay maaaring maging pang-araw-araw na problema na hindi basta-bastang nawawala sa umaga.
Ang halitosis ay tumutukoy sa isang oral health problem kung saan ang pangunahing sintomas ay ang pagkakaroon ng bad breath. Ito ay sanhi ng odor-producing bacteria na lumalaki sa bibig. Kadalasang naiipon ang mga maliliit na natitirang pagkain sa bibig at sa pagitan ng mga ngipin, dahilan para magkaroon ng bacteria sa loob ng bibig. Ang mga sulfur compounds na inilalabas ng mga naturang bacteria ang dahilan kung bakit nangangamoy ang hininga.
Bakit Nagkakaroon Ng Mabahong Hininga?
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ang mga tao ng bad breath. Posible ito ay buhat ng ilang mga pagkain na kinain, poor oral hygiene, o iba pang mga medikal na kondisyon.
Ilang Partikular Na Pagkain
Natural lang na makaapekto ang pagkain sa pagkakaroon ng hindi kanais-nais na amoy sa bibig. Ang mga pagkain na mayroong matatapang na amoy tulad ng bawang at sibuyas ay nagtataglay ng pungent oils. At ito ay nakakaambag sa pagkakaroon ng bad breath.
Hindi Tamang Paglinis Ng Pustiso
Bilang karagdagan sa partikular na pagkain, nakaapekto rin ang hindi tamang paglinis ng mga pustiso. Nakakokolekta rin ang mga ito ng bacteria, fungi, at ilang mga natirang food particles.
Poor Oral Health Care
Posibleng manatili sa bibig ang mga kinaing pagkain kung hindi magsasagawa ng tama at regular na pagsisipilyo at pagfofloss. Ito ay dahil maaaring maging breeding ground ng bacteria ang bibig dahil sa mamasa-masa nitong kapaligiran. Ang ilang mga bacteria sa likod ng dila ay maaaring makipag-ugnayan sa mga amino acids mula sa mga pagkain. Dahil dito, maaaring maglabas ito ng mabahong sulfur compounds. Bukod pa rito, maaari ring mabulok ang mga pagkain sa ngipin, gilagid, at dila. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi kanais-nais na amoy at lasa sa bibig.
Peridontal Disease
Ito ay isang gum disease na mayroong pangunahing sintomas na mabahong hininga at hindi kanais-nais na lasa sa bibig.
Xerostomia (Tuyong Bibig)
Ito ay kadalasang bahagi ng pagkakaroon ng halitosis. Nagkakaroon ang isang tao ng tuyong bibig kapag lubhang nabawasan ang saliva production. Ito ay dahil nahihirapan ang bibig na linisin ang sarili nito at tanggalin ang mga leftover food particles. Posible rin naman ang dry mouth ay sanhi ng ilang partikular na gamot, salivary gland disorder, o ang laging paghinga gamit ang bibig imbes na ilong.
Paninigarilyo
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mabahong hininga ang isang tao ay dulot ng paninigarilyo. Nag-iiwan ang mga tobacco products ng mantsa sa ngipin at masangsang na paghinga. Bukod pa rito, inilalagay din ng mga ito ang katawan sa panganib sa ilang mga sakit.
Medikal Na Kondisyon
Lingid sa kaalaman ng nakararami, maaaring magdulot ng bad breath ang ilang mga medikal na kondisyon tulad ng mga sumusunod:
Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Mabahong Hininga?
Ang pananatili ng good oral hygiene ay ang pinamainam at pinakamabisa na paraan upang maiwasan ang mabahong hininga. Narito ang ilan sa mga maaari mong gawin:
- Magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw nang hindi bababa sa dalawang minuto. Huwag kalimutan na linisin din ang iyong dila. Matapos ang pagsisipilyo, gumamit ng floss isang beses sa isang araw.
- Gumamit ng alcohol-free na antibacterial mouthwash.
- Regular na bumisita at magpalinis ng ngipin sa iyong dentista. Karaniwan itong isinasagawa tuwing anim na buwan. Ngunit ang iba ay maaaring mangailangan ng mas madalas na pagbisita upang mapanatili ang kanilang oral na kalusugan.
- Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang pagkakaroon ng tuyong bibig.
- Palakasin ang saliva production sa pamamagitan ng paggamit ng sugar-free chewing gum, pagkain ng sugar-free candy o mga masustansyang pagkain. Ito ay mag-uudyok sa iyo na mas madalas ngumuya. Maaaring magrekomenda o magreseta ang iyong dentista ng mga produkto na maaaring makagawa ng artipisyal na laway o makatutulong sa iyong katawan na makagawa ng laway.
- Iwasan ang alak, caffeine at mga tabako dahil maaari makapagpatuyo ang mga ito ng bibig.
Key Takeaways
Isang problemang maituturing ang pagkakaroon ng mabahong hininga. Ugaliin ang pagpapanatili ng good oral hygiene upang maiwasan ang pagiging ilang at pamomoblema dahil dito.
Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito.