backup og meta

Gamot Sa Pangingilo: Ano Ang Maaari Mong Gawin? Alamin Dito

Gamot Sa Pangingilo: Ano Ang Maaari Mong Gawin? Alamin Dito

Maraming tao ang nagdurusa sa pagkakaroon ng sensitibong ngipin at posible itong magsimula anumang oras. Mapa ito ay sa pamamagitan ng pag-inom, pagkain, o pagsipilyo, maaari silang makaramdam ng matalim at pansamantalang sakit mula rito. Ngunit mula sa pagkakaroon ng bahagyang sakit, maaari rin itong humantong sa matinding discomfort na posibleng magpatuloy nang ilang oras. Kung kaya, ibabahagi ng artikulong ito ang ilan sa mga maaari mong gawin  at ang mga posibleng gamot sa pangingilo ng iyong ngipin. 

Pag-Unawa Kung Ano Ang Pangingilo 

Kadalasan, ang pangingilo ng ngipin ay buhat ng sensitibong ngipin. Karaniwang natitrigger ang mga ito ng mga pagkain o inumin na mainit, malamig, matamis, o kaya naman maaasim. Dahil dito, minsan ang simpleng paghinga nang nakabuka ang bibig ay maaari ng magdulot ng pananakit. 

Sinuman ay maaaring magdusa sa sensitibong ngipin, ngunit mas karaniwan ito sa mga taong may edad sa pagitan ng 20 at 40. Gayunpaman, posible pa rin itong makaapekto sa mga taong nasa kanilang kabataan o katandaan. Bukod pa rito, mas madalas ding maaapektuhan ng pangingilo ang mga babae kaysa sa lalaki. Ito ay marahil karaniwan sa mga babae na makaramdam ng biglaang pagbago ng temperatura dulot ng pagkain o inumin sa loob ng bibig. Nakadepende sa sanhi ang maaaring gamot sa pangingilo.

Iba’t Ibang Sanhi Ng Pangingilo Ng Ngipin

Bago tayo tumungo sa mga posibleng gamot sa pangingilo ng ngipin, atin munang alamin ang iba’t ibang mga sanhi nito. 

Ang dentine ay tumutukoy sa bahagyang mas malambot na materyal kumpara sa enamel na nagbibigay proteksyon dito. Mayroon itong mga maliliit na butas na tinatawag na tubules kung saan ang mga acid, sugar, at iba pang likido ay maaaring maabot ang sensitive nerve ng ngipin. Maraming posibleng dahilan ng dentine exposure. Narito ang ilan sa mga ito:

Pagkabulok Ng Ngipin (Tooth Decay)

Isa sa pangunahing dahilan ng dentine exposure na kadalasang nagreresulta sa pangingilo ng ngipin ang pagkakaroon ng cavity. Dahil sa pamumuong ito, maaaring makarating ang mga pagkain, inumin, maging malamig na hangin sa mga sensitibong lugar ng ngipin. 

Gum Recession

Ang ilan sa mga tao ay maaaring genetically prone sa manipis na gum tissue. Samantala, posible rin namang mag-recede ang gilagid bilang resulta ng peridontal disease, sobrang pagsisipilyo o paggamit ng matigas na toothbrush. Kapag ang gilagid ay umuurong at ipinapakita ang higit pang parte ng ngipin, inilalantad din nito ang sensitibong ibabaw ng ugat. Kung ito ay dulot ng isang gum disease, madaling makapagrerekomenda ang dentista ng gamot sa pangingilo. 

Plaque Buildup 

Ang pagkakaroon ng plaque sa root surface ng iyong mga ngipin ay maaaring magdulot ng pangingilo. Ito ay dahil sa mga lason at mga acid na ginawa ng mga plaque bacteria na pumapasok sa mga tubule sa naka-expose na dentine at pinasisigla ang mga nerve ending na mas malalim sa loob ng ngipin.

Acidic Food, Drink, o Mouthwash

Kadalasan, ang mga taong palakain at pala-inom ng mga acidic na pagkain at inumin ang nangangailangan ng gamot sa pangingilo. Ito ay marahil maaaring unti-unting masira ang enamel buhat ng mga pagkain tulad ng dalandan at mga soft drinks.

Tooth Whitening Products

Bukod sa mga pagkain at inumin, ang ilan sa mga produktong ginagamit pampaputi ng ngipin at nagtataglay ng baking soda o peroxide. Ngunit, ang mga ito ay maaaring magdulot ng microscopic damage sa enamel ng ngipin, dahilan para humantong sa pangingilo.

Maging ang kalaunang tooth-grinding (bruxism), pagngunguya, at pagsisipilyo at maaaring magsanhi ng wear-and-tear sa enamel ng ngipin.

Mga Gamot Sa Pangingilo

Dahil maraming mga posibleng sanhi ng pangingilo, may iba’t ibang mga paraan din na paggamot para rito. 

  • Paggamit ng desentisizing toothpaste. Karaniwang gamot sa pangingilo ang paggamit ng partikular na toothpaste. Ito ay marahil isa ito sa pinakamadaling paraan upang maibsan ang pananakit dulot ng pagiging sensitibo ng ngipin. Mainam ding gumamit ng malambot na toothbrush kasabay ng naturang toothpaste. 
  • Paggamit ng flouride. Nakatutulong ang paggamit ng flouride sa remineralization ng ngipin, na maaaring makapagbawas ng pagiging sensitibo nito. Maaari itong ipahid ng iyong dentista sa mga senstibong mga parte ng ngipin upang patibayin ang enamel at maiwasan ang pananakit.
  • Iwasan ang tooth grinding. Tulad ng nabanggit, isa sa mga dahilan kung bakit nagiging sensitibo ang ngipin ay dulot ng tooth grinding. Kung ito ang problema, maaaring magtanong sa iyong dentista kung ano ang maaaring makatulong upang maiwasan ang pangyayaring ito. 
  • Iwasan ang mga acidic food at drinks. Maliban sa tooth grinding, nakapagpapalala rin ng pangingilo ang mga triggers tulad ng acidic food at drinks. Makabubuti kung iiwasan ang mga ito upang hindi lalo lumala ang sitwasyon. 
  • Desentisizing o bonding. Bagaman hindi gaanong madalas, maaari pa ring ikonsidera ng iyong dentista ang paglalagay ng bonding resin sa mga sensitive root surface. Ang naturang gamot sa pangingilo ay posibleng mangailangan ng local anesthesia. 
  • Surgical gum graft. Kung ang iyong ngipin ay nawalan ng gum tissue, maaaring magsagawa ng pagkuha ng tissue sa ibang parte upang mailapat sa apektadong lugar. Ito ang magsisilbing proteksyon sa naturang bahagi upang maiwasan ang pagkalantad ng mga ugat. 
  • Root canal. Ang root canal ay tumutukoy sa isang proseso kung saan nakatuon ang paggamot sa dental pulp ng ngipin. Itinuturing itong pinakamatagumpay na gamot sa pangingilo. 

Higit sa lahat, mahalagang mapanatili ang good oral hygiene upang maiwasan ang paglala ng iyong nararamdaman. 

Key Takeaways

Karaniwan ang pangingilo ng ngipin sa sinumang tao, mapa bata o matanda. Kung ikaw ay nakararamdam ng discomfort dahil dito, siguruhing kumunsulta agad sa iyong dentista. Siya ang maaaring makatukoy ng sanhi nito at makapagbibigay ng pinakaangkop na gamot sa pangingilo. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Oral na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sensitive Teeth, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/s/sensitive-teeth, Accessed August 12, 2022

Sensitive teeth, https://jada.ada.org/article/S0002-8177(14)65480-5/fulltext#relatedArticles, Accessed August 12, 2022

Sensitive teeth, https://www.healthnavigator.org.nz/health-a-z/t/teeth-sensitive/, Accessed August 12, 2022

Sensitive teeth, https://www.dentalhealth.org/sensitive-teeth, Accessed August 12, 2022

Teeth Sensitivity, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/10954-teeth-sensitivity, Accessed August 12, 2022

What causes sensitive teeth, and how can I treat them?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/sensitive-teeth/faq-20057854#:~:text=Sensitive%20teeth%20are%20typically%20the,worn%20filling%2C%20or%20gum%20disease, Accessed August 12, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa Sakit Ng Ngipin: Ano Ba Ang Mabisang Solusyon?

Masakit Na Ngipin, Ano Ang Mga Maaaring Maging Dahilan?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement