Ang Invisalign retainer ay ang kilalang brand ng mga clear aligner o naaalis na braces sa United States. Ang manufacturing process ng Invisalign ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-kalkula at pagbuo ng treatment plans para sa pasyente. Sinusundan ito ng paggawa ng aktwal ng aligner ng pasyente. Ang CAD-CAM technologies ay naging bahagi din ng malaking larangan ng dentistry. Alamin dito kung para saan ang invisalign retainer.
Ang clear aligners ay pasadya gamit ang clear plastic na may manipis at natatanggal na features. Idinisenyo ang mga ito para sa paggamot sa mga pasyenteng may Malocclusion, hindi pantay-pantay na mga ngipin, o mahinang kagat ( hindi pantay ang pagkakahanay ng mga ngipin, ang mga pang-itaas na ngipin ay karaniwang bahagyang nauuna sa mga pang-ibabang ngipin) sa pamamagitan ng pressure mula sa mold ng iniresetang aligner.
Para saan ang Invisalign Retainer?
Ang treatment procedure para sa Invisalign ay ang mga sumusunod:
Paghahanda at Orthodontic diagnosis
Susuriin ng doktor ang kasalukuyang dentition gamit ang pinakabagong imaging technology. Gamit ang larawan, tutukuyin ng doktor ang naaangkop na paggamot at bubuo ng mga plano tungkol sa pagkakasunud-sunod ng paggamot.
Paghahanda ng three-dimensional na dentition computer model
Gagamitin ang 3D model upang ipakita ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Sa modelong ito, ilalapat ang reseta ng doktor, gayundin ang mga materyales na gagamitin para sa mga proseso.
Treatment viewing
Kapag gumawa ng treatment plan, ang stimulation ng paggalaw ng ngipin ay ipapakita gamit ang 3D model. Ipapakita rin nito ang bago at pagkatapos ng treatment ng mga ngipin ng pasyente.
Paggawa ng mga hulma
Ang serye ng mga hulma ay katulad ng ngipin ng pasyente sa loob ng two-week stage ng treatment simulation. Pasadya ang mga hulmang ito at hinubog para sa mga ngipin ng pasyente, na magbibigay ng pressure sa kung saan ang mga ngipin ay eksaktong lilipat ayon sa nais na pagkakahanay ng mga ngipin. Kadalasan, ang pagpapalit ng mga retainer ay nangyayari bawat isa hanggang dalawang linggo. Gayunpaman, depende pa rin ito sa reseta ng propesyonal.
Mga Benepisyo ng Paggamit ng Mga Retainer
- Hindi tulad ng mga tradisyonal na braces, ang mga aligner na ito ay halos hindi nakikita.
- Ang retainer at aligner ay magaan, manipis, at makinis. Nagbibigay ito ng higit na kaginhawahan, at ito ay mas ligtas at itinuturing na hindi tradisyonal para sa mga pasyente.
- Ang mga retainer ay naaalis kung kailangan mong gumawa ng mahihirap na gawain, tulad ng pagkain, pagsisipilyo, at flossing. Makakatulong din ito na mabawasan ang pagkakataong magkaroon ng pagkabulok at pinsala sa ngipin habang ginagamot.
- Idinisenyo ang invisalign upang itama ang pagkakahanay ng mga ngipin ngunit bawasan ang hindi sinasadya at hindi kinakailangang paggalaw ng ngipin.
- Binabawasan nito ang pagkakataon ng root resorption o pinsala sa mga ugat ng ngipin mula sa pressure, dahil ito ay idinisenyo para sa panandaliang paggamot hindi tulad ng mga tradisyonal na braces.
- Ito ay mas maginhawa upang palitan ang isang nawala o sirang aligner dahil ang susunod na serye ng aligner ay maaaring ang kapalit.
Mga Limitasyon ng Retainers
- Ang pricing policy ng aligners ay nag-iiba sa bawat propesyonal.
- Maaaring tumagal ng isang buwan o higit pa pagkatapos ng diagnosis at paglalagay ng paggamot ang manufacturing process ng aktwal na serye ng mga aligner.
- Ayon sa pananaliksik, ang pasyente ay nakakaranas ng relapse tatlong taon pagkatapos ng paggamot mula sa aligner. Gayunpaman, ang paksang ito ay nangangailangan pa rin ng karagdagang pananaliksik.
- Hindi maaaring gamutin ng aligners ang malubhang kaso ng Malocclusion, na maaaring mangailangan ng kombinasyon sa iba pang mga kumbensyonal na braces upang makita ang mga resulta.
- Ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng pansamantalang iritasyon sa gilagid, pisngi, at labi na maaaring makaapekto sa pagsasalita.
Key Takeaways
Ginagamit ang mga retainer upang itama ang mild to moderate Malocclusion, mga hindi pantay na ngipin, at mga problema sa pagkagat. Pagkatapos ng aligner treatment, ang paggamit ng Invisalign retainer ay kinakailangan upang mapanatili ang resulta. Marami itong maibibigay na benepisyo at ilang bagay din na dapat isaalang-alang.
Kung ninanais mo ang invisalign, makipag-ugnayan sa isang dentista. Maaaring ito ay kaakit-akit sa iyo, lalo na dahil ang mga ito ay naaalis, ngunit tandaan na maaaring hindi ito ang naaangkop na paggamot para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa Cosmetic Dentistry dito.
[embed-health-tool-bmr]