Ang MERS-CoV ay isang uri ng virus na bahagi ng pamilya ng coronavirus. Isa ito sa anim na kilalang strain na nakakaapekto sa mga tao. Patuloy na magbasa para sa sintomas ng merrs.
Tulad ng COVID-19 at SARS, ang mga sintomas ng MERS ay mula mild hanggang severe. Nagdudulot ito ng mabilis na progresibong malubhang sakit sa paghinga na kumakalat sa pamamagitan ng respiratory secretions.
Ibig sabihin na kumakalat ito sa hangin at sa pamamagitan ng paglanghap o sa pamamagitan ng droplets.
Ang coronaviruses ay maaaring magdulot ng mga sakit na mula sa hindi nakamamatay na karaniwang sipon na halos lahat ay nakukuha sa SARS, na may mortality rate na 15%.
Ang mga sintomas ng MERS ay halos kapareho ng sa SARS at COVID-19 dahil nagmula sila sa parehong pamilya ng coronavirus. Maraming mga coronavirus ang nagmula sa mga hayop at naililipat sa mga tao.
Ano ang MERS?
Ang MERS-CoV, na kilala rin bilang “Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus,” ay unang nakilala sa Saudi Arabia noong Setyembre 2012.
Pinaniniwalaang nagmula ito sa mga paniki, at pagkatapos ay naipasa sa dromedary camels. Ito ay naipasa sa mga tao sa pamamagitan ng paghawak ng hilaw na karne ng camel, o pagkonsumo ng gatas ng camel.
Ang MERS ay hindi gaanong nakakahawa kaysa sa SARS at COVID-19, bagama’t pareho itong umaatake sa respiratory system. Ito ay halos kapareho sa mga coronavirus na higit na matatagpuan sa mga paniki gaya ng COVID-19.
Mga Sintomas ng Merrs: Ano ang Dapat Abangan
Halos lahat ng kaso ng sakit ay maaaring matunton sa mga naglakbay mula sa Gitnang Silangan. Tulad ng ibang mga coronavirus, ang mga sintomas ng MERS ay:
- Lagnat
- Tuyong ubo
- Sakit sa lalamunan
- Kinakapos na paghinga
- Pagduduwal at pagsusuka
- Panginginig
- Sakit ng katawan at sakit ng ulo
- Pananakit ng dibdib
- Pagtatae
Ang MERS virus ay may incubation period na humigit-kumulang 14 na araw. Pagkatapos ay karaniwang nagsisimulang lumitaw ang mga sintomas ng MERS.
Kung ikaw ay naglakbay sa Gitnang Silangan o nakipag-ugnayan sa isang taong maaaring nahawahan ng virus doon, at nagpapakita ng alinman sa mga nabanggit na sintomas ng MERS, kumunsulta sa iyong doktor.
Mga Sintomas ng MERRS: Ano ang nangyayari sa mga malalang kaso?
Ayon sa CDC, ang mga may MERS ay maaaring makaranas ng lumalalang kondisyon.
Karaniwan itong nakikita sa mga taong may dati nang medical condition na nagiging sanhi ng paghina ng kanilang immune system.
Ang mga sintomas ng MERS ay maaaring maging mas malala, kaya nagiging mas mahirap ang paggamot sa pasyente.
Kasama sa pre-existing conditions, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- Cancer
- Diabetes
- Pangmatagalang sakit sa puso
- Talamak na sakit sa baga
- Pangmatagalang sakit sa bato
Hindi lahat ng nahawahan ng virus ay nagpapakita ng mga sintomas ng MERS, na ginagawa itong asymptomatic.
Makikilala lamang sila kung sila ay susuriin.
Ang klinikal na spectrum ay mula sa walang mga sintomas hanggang sa banayad na respiratory symptoms hanggang sa severe acute respiratory disease, na maaaring humantong sa kamatayan.
Mahalagang maunawaan at magkaroon ng kamalayan sa mga sanhi at sintomas ng merss. Ito ay upang tiyak na masuri at mabigyan ng agarang medikal na atensyon.
Para sa mga malubhang mga kaso at dumaranas ng respiratory distress, kakailanganin nilang magpagaling sa isang ospital at maaaring mangailangan ng mechanical ventilation.