Ang Escherichia coli o E. coli, ay natural grupo ng bakteryang naninirahan sa bituka ng tao at mga hayop. Pangunahing tungkulin nito na tulungan ang katawan na masira at matunaw ang pagkain na ating kinakain. Gayunpaman, ang E. coli ay may maraming mga strain, at ilan sa mga ito ay nakakapinsala. Ganito na lamang kahalagang malaman ang mga panggamot at sintomas ng E. coli infection. Makatutulong ito upang maiwasan ang mga komplikasyon at mapangalagaan ang iyong kalusugan.
Ilan sa mga tao na nagkaroon ng ilang strain ng E. coli ay hindi nagkakaroon ng anumang sakit. Habang ang iba naman ay nakararanas ng mga sintomas ng impeksyon. Ang mga sintomas na ito ay kadalasang humahantong sa mas matinding komplikasyon.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga sintomas at panggamot ng E. coli upang ipaalam ang mga panganib ng impeksyon ng E. coli sa pamamagitan ng pagkonsumo ng pagkain.
Pinagmumulan ng E. Coli Infections
Ang Enterohemorrhagic E. coli ay ang pinakakaraniwang strain ng E. coli bacteria. Nagdudulot ito ng matinding impeksyon sa bituka dahil sa “Shiga” na lason na ginagawa nito.
Bahagi ng pag-alam ng higit pa tungkol sa mga sintomas at panggamot ng E. coli ang pag-alam din ng sanhi nito. Ang sumusunod ay mga karaniwang pagkain na maaaring kontaminado ng bacteria strain na ito:
- Karne. Ang proseso ng pagkatay ay maaaring magdulot ng kontaminasyon dahil ang mga bituka ng hayop ay nahahalo sa karne mula sa iba pang mga hayop. Naipapasa ang E. coli dahil sa pagkain ng hilaw o kulang sa luto na karne.
- Hindi Pasteurized na Gatas. Ang bagong pumped milk mula sa mga baka ay maaaring mahawa dahil ang mga kagamitan sa paggatas ng baka ay maaaring makakuha ng E. coli bacteria. Bukod rito, ang mga produktong gawa sa hilaw na gatas, tulad ng malambot na keso ay maaari ding makontamina. Upang maiwasan ang impeksiyon, mahalagang painitin ang gatas sa mataas na temperatura. Papatayin nito ang bacteria bago mo pa gamitin.
- Prutas at gulay. Ilang mga pananim ay itinatanim malapit sa mga sakahan ng hayop kung saan ang dumi ng hayop ay kadalasang ginagamit bilang natural na pataba. Kapag nangyari ito, ang tubig na umaagos mula sa dumi ng hayop ay maaaring pumasok sa mga bukid. Sa ganitong sitwasyon, posible na ang mga pananim ay maaaring kontaminado ng E. coli bacteria.
- Kontaminadong tubig. Ang dumi ng hayop na sinamahan ng tubig-ulan ay maaaring dumaloy sa lahat ng uri ng mga daluyan ng tubig tulad ng mga lawa, ilog, batis, at maging ang mga suplay ng tubig sa buong lungsod. Kung hindi sinala, ang tubig na maaari nating inumin ay maaaring kontaminado.
Mga Sintomas at Panggamot ng E Coli
Mga Palatandaan at Sintomas
Iba-iba ang nakikitang sintomas ng impeksyon ng E. coli sa bawat tao. Ilan ay maaaring hindi makaranas ng mga sintomas, at iba naman ay maaaring magpakita ng mga banayad na sintomas. Maaaring magkaroon ng malubhang sintomas ang iba na nagbabanta sa buhay. Ang mga taong may impeksyon ng E. coli ay kadalasang nagsisimulang magkaroon ng mga sintomas tatlo hanggang apat na araw pagkatapos kumain ng kontaminadong pagkain.
Ang pinakakaraniwang banayad na sintomas ay kinabibilangan ng:
- pananakit ng tiyan
- pagkapagod
- pagduduwal
- pagsusuka
- pagtatae (ang ilang mga kaso ay mayroon ding madugong pagtatae)
Iba pang Sintomas at Palatandaan
Karamihan sa mga pasyente ay maaari ding magkaroon ng mababang lagnat na may temperaturang mas mababa sa 38.5˚C. Ngunit mahalagang tandaan na ang ilan ay walang lagnat. Ang mga pasyente na may banayad na sintomas ay maaaring gumaling sa loob ng isang linggo, nang hindi naoospital.
Ang 5-10% ng mga nahawaan ng E. coli ay maaaring magkaroon ng Hemolytic Uremic Syndrome (HUS), isang mapanganib na kondisyon kung saan ang impeksyon ay naglalakbay sa daluyan ng dugo. Pagkatapos ay sumisira sa mga pulang selula ng dugo. Ang mga batang limang taong gulang pababa, at ang mga pasyenteng may matinding impeksyon ay higit na nasa panganib.
Kinokonsidera ng mga doktor na ang HUS ay isang sakit na nagbabanta sa buhay dahil maaari itong makapinsala sa mga bato. Kasama sa mga sintomas ng HUS ang madugong pagtatae, lagnat, pananakit ng tiyan, at pagsusuka. At habang tumatagal, mas maraming sintomas ang maaaring makita, gaya ng pagbaba ng dami ng ihi na may dugo, pagkapagod, maputlang balat, mabilis na tibok ng puso, mga seizure, at kidney failure.
Ang HUS ay maaaring mabuo sa pitong araw pagkaroon ng unang sintomas ng impeksyon sa E. coli. Itinuturing na emergency na nangangailangan ng agarang pagpunta sa ospital kapag matindin ang pagtatae sa loob ng tatlong araw o higit pa. Ito ay upang ay gamutin ang dehydration.
Mga Panggamot para sa E. Coli Infections
Karaniwang tumatagal ng lima hanggang pitong araw bago gumaling mula sa mga sintomas ng E. coli at kailangan ang mga panggamot upang maibsan ang mga banayad na sintomas. Kasama sa mga naturang panggamot ang pagkakaroon ng pahinga at pag-inom ng maraming likido. Samantala, ang mga taong may malubhang sintomas ay kailangang gamutin sa pamamagitan ng mga IV fluid. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga sintomas at panggamot ng E. coli:
- Karamihan sa mga impeksyong E. coli ay nagagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at pagkakaroon ng pahinga. Ang pag-inom ng maraming likido ay nakatutulong na palitan ang mga likidong nawala dahil sa pagtatae at/o pagsusuka, at upang maiwasan ang dehydration.
- Ang pag-inom ng mga antibiotic at antidiarrheal na gamot ay hindi inirerekomenda dahil ito ay magpapalala sa impeksyon, o maaaring mag-trigger ng pagbuo ng HUS. Kung ikaw ay may HUS o nakararanas ng dehydration, kailangan mong magpaospital. Ito ay upang makatanggap ng mga IV fluid at sumailalim sa iba pang mga panggamot tulad ng kidney dialysis at pagsasalin ng dugo.
- Bukod sa pahinga at likido, ang mga pagbabago sa pamumuhay ay maaari ding makatulong sa pagpigil sa mga karagdagang komplikasyon at dehydration. Kabilang dito ang pag-inom ng mga likido, pag-iwas sa ilang partikular na pagkain, at pagkakaroon ng malusog na diyeta. Ang mga taong gumaling mula sa impeksyon ng E. coli ay dapat lamang uminom ng tubig at umiwas sa mga inuming may caffeine at alkohol.
- Dapat din nilang iwasan ang pagkain ng mga dairy products, fatty foods, high-fiber foods, at highly seasoned foods. Ito ay nagpapalala ng mga sintomas. Pagkatapos ng paggaling, ang iyong doktor ay maaari ding magrekomenda ng pagdidiyeta.
Key Takeaways
Kaya naman gamutin ang ilan sa mga sintomas ng E. coli. At kung ikaw ay nahawahan, maaari kang magpagaling sa bahay. Gayunpaman, ang ilang mga taong may malubhang impeksyon ay maaaring magkaroon ng karagdagang komplikasyon, tulad ng Hemolytic Uremic Syndrome (HUS). Kung ito ang kaso, gagamutin ng mga doktor ang sakit na ito sa pamamagitan ng mga IV fluid at iba pang panggamot. Sa kabutihang palad, ang impormasyon tungkol sa mga sintomas at panggamot ng E. coli ay makatutulong sa iyo na pamahalaan ang sakit. Makatutulong ito upang maiwasan ang malubhang sakit at mapawi ang mga sintomas, kahit nasa bahay.
Matuto pa tungkol sa Mga Nakakahawang Sakit dito.