backup og meta

Ano ang Toxoplasmosis?

Maraming nagtataka kung ano ang toxoplasmosis dahil sa taas ng mga kaso nito sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo. Kung mapapansin, mas mataas ang incidente ng pagkakaroon ng  impeksyon (na hindi limitado sa toxoplasmosis) sa mga lugar na may mainit at mahalumigmig na klima. Ito ay dahil mas nabubuhay sa mga ganitong kapaligiran ang mga parasites na nakikita sa dumi ng tao o hayop.

Ayon sa American Journal of Epidemiology, humigit-kumulang 85% ng mga buntis na kababaihan sa Estados Unidos ang nasa panganib na mahawa ng toxoplasmosis. Dagdag pa dito na sa Estados Unidos, humigit-kumulang 50% ng mga impeksyon ng toxoplasmosis bawat taon ay nakukuha mula sa pagkain. Sa Pilipinas naman, ang mga pag-aaral at report ukol sa toxoplasmosis ay nakuha mula sa mga baboy, daga, at pusa. Sa ngayon, may tatlong pag-aaral na nag-dokumento ng T. gondii infection sa Pilipinas, partikular na sa Metro Maila, Mindoro, Cavite, Samar at Leyte.

Ano ang toxoplasmosis at paano ito nakukuha

Ang toxoplasmosis ay sakit na sanhi ng Toxoplasma gondii parasite. Ito ay maaring makuha sa mga sumusunod:

  • Hilaw at kulang sa luto na karne lalo na sa baboy, tupa at venison
  • Hindi nalinis na prutas at gulay
  • Kontaminadong tubig
  • Paggamit ng kontaminadong kutsilyo, tadtaran at ibang kagamitan sa kusina
  • Alikabok
  • Lupa
  • Maruming mga kahon ng cat-litter
  • Mga panlabas na lugar kung saan makikita ang dumi ng pusa
  • (Para sa sanggol), nalilipat galing sa ina na may toxoplasmosis tuwing pagkabuntis
  • Apektadong organ o dugo tuwing transplant o transfusion

Ano ang toxoplasmosis at sintomas nito

Flu-like na sintomas

Para sa karamihan ng mga taong apektado nito, ang Toxoplasma gondii ay nagdudulot ng wala o banayad lamang na sintomas. Pagkatapos ng paunang impeksyon, ang parasite ay kadalasang nananatili sa katawan ng tao para sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Kasama sa mga sintomas na ito ang sumusunod:

  • Lagnat
  • Mga namamagang lymph node na maaaring tumagal ng ilang linggo
  • Sakit ng ulo
  • Pananakit ng kalamnan.
  • Pantal sa balat

Eye disease

Ang mga toxoplasma parasite ay maaaring makahawa sa mga tisyu ng panloob na mata. Ito ay maaaring mangyari kahit sa mga taong may malusog na immune system. Ngunit ang epekto ng kung ano ang toxoplasmosis ay mas malala sa mga taong may mahinang resistensya. Ang impeksyon sa mata ay tinatawag na ocular toxoplasmosis. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit ng mata
  • Malabong paningin
  • Floaters, na mga batik na tila lumalangoy sa iyong paningin
  • Kapag hindi ginamot ang sakit sa mata ay maaaring maging sanhi ng pagkabulag
  • Pamumula ng mata
  • Sugat sa mata

Malalang sakit sa may mahinang immune system

Ano ang toxoplasmosis? Ito ay isang sakit na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga taong may mahinang immune system. Maaaring maging aktibo muli ang dating impeksyon sa toxoplasmosis at maging mas malala ito. Kabilang sa mga taong nasa panganib dahil sa toxoplasmosis ay ang mga nabubuhay na may HIV/AIDS, mga taong tumatanggap ng paggamot sa kanser at mga taong may inilipat na organ.

Ang toxoplasmosis ay maaaring magdulot ng malubhang sakit sa baga o utak para sa isang taong may mahinang immune system. Bihira ngunit maaaring ang impeksyon ay lumitaw sa iba pang mga tisyu sa buong katawan. Ang impeksyon sa baga kaugnay ng toxoplasmosis ay maaaring maging sanhi ng problema sa paghinga, lagnat at ubo.

Ang toxoplasmosis ay maaaring magdulot ng pamamaga ng utak, na tinatawag ding encephalitis. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pagkalito
  • Mahinang koordinasyon
  • Panghihina ng kalamnan
  • Mga seizure
  • Mga pagbabago sa pagiging alerto

Ano ang toxoplasmosis at epekto nito sa buntis at fetus 

Ang toxoplasmosis ay maaaring maisalin mula sa ina hanggang sa fetus sa panahon ng pagbubuntis. Ito ay tinatawag na congenital toxoplasmosis. Ang impeksyon sa unang trimester ay kadalasang nagiging sanhi ng mas matinding sakit. Maaari rin itong magresulta sa pagkalaglag. Para sa ilang mga sanggol na may toxoplasmosis, ang malubhang sakit ay maaaring naroroon sa pagsilang o lumitaw nang maaga sa pagkabata. 

Maaaring kabilang sa mga problemang medikal ang:

  • Hydrocephalus
  • Malubhang impeksyon sa mata
  • Mga iregularidad sa mga tisyu ng utak
  • Paglaki ng atay o spleen
  • Mga problema sa mental o motor skills
  • Pagkabulag o iba pang mga problema sa paningin
  • Problema sa pandinig
  • Seizures
  • Sakit sa puso
  • Jaundice

Key Takeaway

Ang toxoplasmosis ay isang impeksyon na dulot ng T. gondii. Ito ay mas laganap sa Estados Unidos, ngunit hindi nito napapawi ang posibilidad na tayo ay magkasakit na ito. Dahil ito ay umaasa sa immune system o resistensya ng tao, dapat mag-ingat ang mga taong immunocompromised at mga buntis.
Kung nag-aalala kung may exposure sa parasite o may sintomas, kumonsulta sa doktor para masuri at maibigay ang nararapat na gamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

Toxoplasmosis: General FAQs

https://www.cdc.gov/parasites/toxoplasmosis/gen_info/faqs.html#:~:text=infection%20to%20me%3F-,What%20is%20toxoplasmosis%3F,infected%20with%20the%20Toxoplasma%20parasite.

Toxoplasmosis

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/toxoplasmosis/symptoms-causes/syc-20356249

How to stop the lurking toxoplasmosis parasite

https://labblog.uofmhealth.org/lab-report/how-to-stop-lurking-toxoplasmosis-parasite-target-its-stomach

Toxoplasma: food safety for moms to be

https://www.fda.gov/food/people-risk-foodborne-illness/toxoplasma-food-safety-moms-be

Toxoplasmosis in cats

https://www.vet.cornell.edu/departments-centers-and-institutes/cornell-feline-health-center/health-information/feline-health-topics/toxoplasmosis-cats

Toxoplasmosis

https://mothertobaby.org/fact-sheets/toxoplasmosis-pregnancy/

 

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal Bago Tamaan Ng Food Poisoning?

Food Poisoning? Mga Sintomas At Paggamot Sa E. Coli


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement