backup og meta

Alamin: Ano ang pinagkaiba ng food poisoning sa pagtatae?

Alamin: Ano ang pinagkaiba ng food poisoning sa pagtatae?

Food poisoning o pagtatae?

Food poisoning o pagtatae – sumasakit ang iyong tyan. Basa ang dumi mo. Alin sa dalawang kondisyon na ito ang mayroon ka? Ang pagtatae ay ang pagkakaroon ng 3 o higit pang matubig at basag na dumi sa loob ng 24 oras. Bigyang pansin na ang pagtatae ay hindi isang sakit kundi ay isang sintomas na dulot ng iba’t ibang sakit. Sa kabilang banda, ang pagkalason sa pagkain ay tumutukoy sa isang sakit na dulot ng microorganisms o ng kanilang lason dahil sa mga kontaminadong food products.

Kaya ang pagtatae ay isang sintomas na maaaring makuha sa pagkalason sa pagkain, ngunit hindi lamang ang pagkalason sa pagkain ang sanhi ng pagtatae.

Alamin kung food poisoning o pagtatae ang dahilan ng pagmamadali mong pumunta sa banyo.

Food poisoning kumpara sa pagtatae: Tagal ng sakit

Ang pagtatae, kapag nangyayari nang mag-isa, ay kadalasang nawawala sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Gayunpaman, ang pagtatae na nagpapatuloy nang mas mahaba kaysa sa 3 araw ay maaaring maging tanda ng food poisoning.

Sa mga kaso ng pagkalason, ang tagal ng oras sa pagitan ng pagkain na pinaghihinalaang sanhi ng pagkalason at paglitaw ng mga sintomas ay maaaring mas nakakatulong na pahiwatig sa partikular na dahilan.

Food poisoning o pagtatae: Pagkain

Kung nakakain ka ng pinaghihinalang pagkain, malamang na makaranas ka ng food poisoning pagkatapos. Kasama dito ang hilaw na pagkain o kulang sa luto na karne o seafood, o unpasteurized milk at egg products. Ang pagpunta at pagkain sa lugar na may kilalang kaso ng foodborne illness ay nagbibigay ng tyansa na ang diagnosis ay mas nakatuon sa food poisoning kaysa sa simpleng pagtatae.

Ang isa pang karaniwang palatandaan sa hinala na may food poisoning ay ang magkakatulad na sintomas sa mga taong kumain ng parehong pagkain. Karaniwan ito sa mga malalaking pagtitipon o parties. Ang mga kaganapan ng food poisoning ay maaaring sapat na malaki upang ituring na outbreak, na karaniwang humahantong sa mga pagsisiyasat ng health authorities ng pamahalaan tungkol sa ugat na sanhi. Maari rin silang gumawa ng interventions upang maiwasang maulit ang pangyayari ( hal. pampublikong edukasyon sa pangangasiwa at kaligtasan ng pagkain) at/o higit pang pagkalat (hal. pag-recall ng produkto).

Sa paghahambing, ang pagtatae ay kadalasang self-limited, o naipapasa ng tao-sa-tao sa mas mababang rate kaysa sa food poisoning.

Food poisoning o diarrhea: Mga Sintomas

Ang kadalasang sintomas ng food poisoning ay:

  • Pagduduwal
  • pagsusuka (madugo o iba pa)
  • Lagnat
  • Cramps ng tiyan at/o pananakit

Ang mga mild na sintomas ay kadalasang nawawala ng kusa. Gayunpaman, ang mga taong nagpapakita ng patuloy na mga sintomas at sintomas ng neurologic tulad ng mga sumusunod, ay dapat humingi ng medikal na atensyon:

  • Sakit ng ulo
  • Panghihina ng kalamnan
  • Pangingilig sa mga braso

Risk factors

Ang mga mas nakatatanda na may mahinang immune system, maliliit na bata, buntis, at mga taong may malalang sakit ( hal. Diabetes, HIV) ay nasa mas mataas na panganib ng food poisoning.

Sa kabilang banda, kahit sino ay maaaring makaranas ng pagtatae. Ang mga taong may non-infectious diarrhea ay maaaring may minanang sakit o food allergies na kailangan pang matugunan.

Kung ang pagtatae ay may 6 o mas marami pang loose stools sa loob ng 24 oras, kailangang magpa-konsulta sa doktor. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng panganib ng dehydration kung hindi magagamot. Ang chronic diarrhea na walang kinalaman sa partikular na pagkain ay maaaring mula sa inflammatory o digestive problems. Maaaring kailangan ng partikular na pamamahala. Kumunsulta sa iyong doktor kung mayroon kang pagtatae na tumatagal ng ilang linggo nang walang malinaw na dahilan.

Diagnosis at paggamot

Para sa diagnosis, ang simpleng pagtatae ay kadalasang hindi nangangailangan ng karagdagang pagsusuri.

Para sa bacterial food poisoning, maaaring hilingin ng iyong doktor ang stool culture at sensitivity upang matukoy ang responsableng organismo. Ito ang magiging guide sa pagpili ng mga antibiotic na gagamitin para sa kaso mo. Ang viral cases ay hindi nangangailangan ng antibiotics at sa gayon ay hindi kailangan ng karagdagang pagsusuri.

Ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ay manatiling hydrated. Ito ay marapat kahit sa simpleng pagtatae lang o pagtatae dahil sa food poisoning. Ipinapayo ang oral rehydration therapy upang mapalitan ang patuloy na pagkawala ng fluid at madagdagan muli ang mga electrolyte na nawala sa dumi.  

Ang hydration ay talagang mahalaga sa mga sanggol at maliliit na bata. Makikita ang severe dehydration sa sobrang inaantok o nanghihina na sanggol, malamig na mga kamay at paa, at bahagyang pag-ihi. Sa mas malalaking mga bata at matatanda, mararamdaman ang pagkauhaw, pagkahilo, at pagkapagod. Ito ay ang karaniwang mga senyales ng dehydration. Ang matinding dehydration ay mangangailangan ng pagpapaospital at IV hydration ngunit ang mild dehydration ay maaaring gamutin sa bahay. Ang oral rehydration therapy ay kadalasang makukuha sa mga botika. Hindi inirerekomenda ang mga sports drink at softdrinks dahil maaari itong magpalala ng pagtatae dahil sa mataas sugar content nito, na siyang makapagdudulot ng karagdagang dehydration.

Key takeaways

Ang pagkalason sa pagkain ay isa lamang sa maraming sanhi ng pagtatae.

Ang simpleng pagtatae ay kadalasang nangyayari in isolation at nalulutas sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Sa kabilang banda, ang pagkalason sa pagkain ay nagpapakita bilang pagtatae na karaniwang tumatagal ng higit sa 3 araw. Ito ay kadalasang sinasamahan ng iba pang sintomas tulad ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Ang food poisoning o pagtatae ay parehong naglalagay sa iyo sa panganib na ma-dehydrate. Tandaan na uminom ng tubig o uminom ng oral rehydration solution kung nakakaranas ka ng pagtatae.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diagnosis and management of foodborne illness, https://www.aafp.org/afp/2015/0901/p358.html

Accessed April 28, 2021

 

Food poisoning, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/food-poisoning/symptoms-causes/syc-20356230

Accessed April 28, 2021

 

Food poisoning symptoms, https://www.cdc.gov/foodsafety/symptoms.html

Accessed April 28, 2021

 

Pediatric dehydration, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK436022/

Accessed April 28, 2021

 

Symptoms and causes of diarrhea, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/diarrhea/symptoms-causes

Accessed April 28, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/09/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Gaano Katagal Bago Tamaan Ng Food Poisoning?

Food Poisoning? Mga Sintomas At Paggamot Sa E. Coli


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement