Pamilyar ka ba sa mga epekto ng flesh-eating bacteria at kung paano ito maaaring makapinsala sa isang tao? Marahil ang ilan sa inyo ay walang alam tungkol sa bacteria na ito, at kung gaano ito nagiging mapanganib sa buhay ng isang indibidwal. Sa ngayon ay wala pa ring bakuna na magagamit para maiwasan ang flesh-eating bacteria infection, kaya naman maganda na mapag-usapan ang bagay na ito upang malaman kung paano maaaring makasira ng kalusugan ang flesh-eating bacteria, at ano ang pwede nating gawin para harapin ito.
Ang flesh-eating bacteria ay isang progresibong bacterial infection ngunit bibihira lamang ang mga kaso nito. Sa mga rare case may mga pagkakataon na hindi matukoy kung paano nagkakaroon ng flesh-eating bacteria ang isang tao.
Ganito ang naging karanasan ni Jerome Mendoza, isang senior high student mula sa Bulacan.
“Around December 15 po 2021 nagkalagnat po ako and then 2 days po ‘yung lagnat ko. And one morning po kagagaling ko lang no’n sa lagnat at bumangon po ako, and then pagkatayo ko po para akong nagkaroon ng sprain sa right leg ko po sa may knee area. Akala ko po sprain lang s’ya so nilakad ko po, and normal pa po ‘yung buong araw ko,” pahayag ni Eric.
Hindi nagkulang ang mga magulang ni Eric sa pag-aalaga sa kanya lalo na noong napansin nila na may nararamdamang sakit ito.
“And then sabi ng mommy ko baka kulang lang ako sa exercise, so ayun naglakad kami sa labas kaya lang parang mas lumalala po siya. Kaya sabi ko hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko kaya pumasok na ko,” pagdaragdag ni Eric.
Ilan lamang ito sa mga paunang sintomas na naranasan ni Eric sa pagkakaroon ng flesh-eating bacteria na dapat mong malaman.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng artikulong ito para matutunan pa ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa bakterya na ito.
Anu-ano ang sintomas ng flesh-eating bacteria?
“Gumagawa na po ako ng project, kasi po sa Filipino subject may task kami na ivi-video ang sarili tapos may babasahin, and then po hindi na po ako makapagsalita ng maayos, dahil iniinda ko na po ang sakit ng paa ko. And no’ng gabi na po hindi ko na kaya gumawa ng kahit ano, sobrang taas ng temperature ko at hinahabol ko na po ang paghinga ko,” paglalahad ni Eric.
Kadalasan ang early symptoms ng flesh-eating bacteria ay lumalabas sa loob ng unang 24 hours ng infection, at ang mga sintomas nito ay tulad ng iba pang kondisyon gaya ng flu. Maaari mo ring maranasan ang mga sintomas na kagaya sa post-surgical complaints, tulad ng mga sumusunod:
- Malubhang pananakit
- Pamamaga
- Lagnat
- Pagsusuka
Ang mga sintomas na nabanggit sa artikulong ito ay naramdaman ni Eric at narito pa ang kanyang mga pahayag tungkol sa kanyang karanasan.
“Sumunod po na araw nahirapan na po ako tumayo, to the point na ‘yung ginagamit ng lola ko na walking stick ay ginagamit ko na po dahil bawat bigay ng bigat sa isa ko pong paa eh ang sakit na po. Nagprovide po lola ko ng herbal kasi akala nu’ng una sa sikmura lang or may something lang, syempre matatanda naniniwala sa mga gano’n.”
Ano ang pwedeng mangyari kapag nagtagal ang flesh-eating bacteria sa katawan ng tao?
“Tumagal po ng 3 araw and na-bedridden na po ako, ‘di na po ako makapag-cr ng maayos na walang nakaalalay sa’kin dahil hindi na po ako makatayo. And then slowly po napapansin ko sa right leg ko po nagswe-swell na po s’ya ng sobra, para na s’yang kamatis. Ayaw ko rin pong magpadala sa ospital kasi nga po may COVID pa, and then ayoko na po makaabala at gano’n ‘yung naging mentality ko kasi alam ko na marami rin silang inaasikaso.”
Kadalasan nangyayari ang mas advanced na sintomas sa bahagi ng katawan na may infection sa loob ng 3-4 na araw.
“Dumating sa point na kahit ‘yung aircon ay hindi na namin mabuksan dahil sobrang sensitive na po ng paa ko sa lamig at temperature changes. Nagkaroon pa ko ng problema sa sikmura ko dahil may time na sumusuka ako at may hiccups pa ako, so nagsasabay-sabay po at may lagnat pa ko no’n, at dahil ayaw ko po magpaospital dinala po ako sa manghihilot, and ‘yung manghihilot po is ayaw n’ya ng hawakan ‘yung right leg ko dahil sobrang namamaga na po at natatakot na s’yang hawakan dahil baka mas lalong lumala ‘yung kalagayan ng leg ko.”
Bukod sa mga nabanggit ni Eric narito pa ang ilang advanced symptoms na pwedeng makita sa pagkakaroon ng flesh-eating bacteria:
- Pagkakaroon ng discoloration, pagbabalat at flakiness
- Pamamaga ng infected area at pagkakaroon ng violet-colored marks na nagiging paltos na naglalaman ng dark na kulay at foul-smelling fluid
- Pagkakaroon ng pamamaga na may purplish rash
“A day after po no’n naghanap na po ng hospital ‘yung lola at nanay ko na mga ospital na hindi tumatanggap ng COVID patient, and then sa ospital kung saan ako dinala ang tatapang ng mga antibiotics na binibigay sa’kin to the point nagbabalat na po ‘yung buong katawan ko. And habang tumatagal pa po mas tinataasan nila yung dosage ng antibiotics, pero mas tumataas lang ‘yung count ng white blood cells ko po, and ibig sabihin hindi po s’ya nagiging effective at tumataas ang red blood cells ko po, at nagkakaroon na po ako ng random nosebleed dahil sa sobrang baba ng red blood cells ko po.”
Ang pagkakaroon din ng kritikal na sintomas ay kadalasang nagaganap sa loob ng 4-5 araw ng infection, at narito ang mga sumusunod na symptoms:
- Malubhang pagbaba ng blood pressure
- Pagkakaroon ng toxic shock
- Pagkawala ng malay (unconsciousness)
Saan ba nakukuha ang flesh-eating bacteria?
“Chineck po nila if ano ‘yung possible reason bakit nagkakaganito ako and wala po silang makita. Kasi po kumakain ako ng maayos, wala akong bisyo, wala rin po akong sugat and hindi rin ako sexually active, at wala rin akong kagat ng hayop,” paglalahad ni Eric.
Ayon sa mga datos at pag-aaral ang flesh-eating bacteria ay maaaring makapasok sa ating mga katawan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Surgical wounds
- Minor cuts
- Kagat ng insekto
- Abrasions
- Burns
- Puncture wounds o iba pang injury
Sa kaso ni Eric hindi malaman ang pinagmulan ng bacteria at paano ito nakapasok sa kanyang katawan. Gayunpaman, lumalabas sa ilang mga kaso na may mga pagkakataon na “unknown” ang pagsisimula ng bakterya sa katawan.
“Based po doon sa interview na ginawa nila, bumagsak daw po ‘yung immune system ko kahit na kumakain ako ng maayos. Pero dahil sa bigat ng school works ko no’n, 1 am or 2 am na ko natutulog tapos ang pasok namin ay 8 am at buong araw pa po ‘yon, at ako pa ‘yung class president and ‘yung anxiety ko is spiking up. Hindi po maayos ang tulog ko dahil sa dami ng iniisip ko, and my sleep quality is so down po,” pagdaragdag ni Eric.
Ang pagkakaroon ng mababang immune system ay maaaring maging dahilan upang makakuha ng flesh-eating bacteria ang isang tao, at dagdag pa rito pwedeng mapataas ng ilang health condition ang iyong risk sa pagkakaroon nito.
“Kaya po nag-swell ‘yung right leg ko ay dahil sa flesh eating bacteria and kinakain n’ya po ‘yung tissues, nerves at ‘yun ‘yung reason bakit nahihirapan ako maglakad.”
Paano ka mada-diagnose na may flesh-eating bacteria ka?
Mabilis na napipinsala ng flesh-eating bacteria ay katawan ng tao kaya ang maagang diagnosis ay mahalaga para sa survival ng isang tao. Tandaan na isang medical emergency ang flesh-eating bacteria at maaaring isagawa sa’yo ang mga sumusunod na test para sa diagnosis:
- Blood test
- Tissue biopsy
- CT Scan
“Before my first operation, lahat po ginawa nila at dinala pa po ako sa Manila for MRI and doon na po na-discover na flesh eating bacteria po s’ya, and nakita po na nag-difuse na s’ya sa muscles sa deep part ng muscle at tissues ko po. Ibig sabihin sobrang lalim na po n’ya na hindi na po s’ya makukuha ng antibiotics,” pagpapahayag ni Eric.
Paano ginagamot ang taong nagkaroon ng flesh-eating bacteria?
“Trinay po nila nai-extract ‘yung nana mula sa knee ko ng mano-mano wala pong anesthesia at ang laki ng needle na ginamit. Napapasigaw po ako sa bawat pagpasok ng needle na ginamit ng ortho surgeon ang sakit po talaga mararamdaman mo talaga ‘yung needle.”
Ang mga taong na-diagnose na may flesh-eating bacteria ay sumasailalim sa iba’t ibang types ng treatment at nakadepende ito sa kalubhaan ng sakit at kailan ito nagsimula. Narito ang ilang treatment na maaaring gawin;
- Intravenous antibiotic therapy
- Surgery para tanggalin ang sira at patay na tissue upang huminto ang pagkalat ng infection
- Mga medication para mapataas ang blood pressure
- Hyperbaric oxygen therapy para ma-preserve ang healthy tissue
- Cardiac monitoring at breathing aids
- Blood transfusions
- Intravenous immunoglobulin
Sa kaso ni Eric mabilis ang pagkalat ng bakterya kaya hindi na naging epektibo ang extraction sa kanya.
“Wala po silang na-extract, kasi daw po kung na-extract dun pa lang wala na po silang proproblemahin, kaya nag-proceed na po sa first operation. Sa first operation po may na-extract po sila kaso ‘yung source ay nandoon pa rin, at inexplain na po sa mother ko na may possibility na po for amputation, kasi sobrang lalim na po ng bacteria sa leg ko na hindi na po s’ya maabot ng antibiotics at ‘di na rin makuha ng operations.”
Hindi rin basta-basta ang magiging operasyon na may kaugnayan sa flesh-eating bacteria dahil sa mga seryosong komplikasyon na pwedeng maranasan ng isang tao. Narito ang mga sumusunod;
- Sepsis
- Shock
- Pagpalya ng organ
- Pagkawala ng paa o kamay dahil sa amputation
- Pagkakaroon ng severe scarring
- Pagkamatay
“Sa second operation ko po dasal ako nang dasal na gusto kong umuwi ng buo, and ayun na po siguro ‘yung pinakamatapang na Eric at sabi ko sa mga doktor na naniniwala ako sa kanila, at nag-consult na po ‘yung mother ko sa lahat ng members ng fam namin, lalo’t nasa 50/50 na po ako dahil sobrang hina na po nu’ng katawan ko. Kailangan na nilang mamili is ise-save ba nila ang leg ko or ‘yung buhay ko,” pagpapahayag ni Eric.
Anu-ano ang epekto ng flesh-eating bacteria?
Isang mapanganib na bacteria ang “necrotizing fasciitis” kung saan pwede itong humantong sa pagkamatay lalo na kung hindi ito maagapan o hindi magkakaroon ng early diagnosis para dito.
Sa kaso ni Eric dahil sa mabilis na pagkalat nito sa katawan ng binata kinakailangan na putulin ang kanyang buong hita para mailigtas ang kanyang buhay.
“So after po ng operation ko kahit super high pa ko sa anesthesia, I have an idea na po na natuloy ang amputation dahil nu’ng trinay ko po i-move ung knee ko is wala na po akong maramdaman. And ‘yung mother ko ang dami n’yang several question na tinatanong ko na iniiwasan niyang sagutin,” paglalahad ni Eric.
Madalas ba ang mga kaso ng flesh-eating bacteria?
Kada taon sa pagitan ng 600-700 na naitatalang kaso ng flesh-eating bacteria sa U.S, nasa 25%-30% ang namamatay dahil sa case na ito at kadalasan na nagaganap ito sa mga bata.
Paano maiiwasan ang flesh-eating bacteria?
Narito ang list na pwede mong gawin upang maiwasan ito:
- Maghugas ng kamay na may sabon.
- Gumamit ng alcohol-based hand sanitizer pagkatapos maghugas ng kamay.
- Linisin ng wasto ang mga sugat.
- Bigyan ng tamang paggamot ang mga sugat sa katawan.
- Kung mayroong seryosong sugat at deep wound magpagamot sa doktor.
- Huwag mag-swimming o gumamit ng hot tub kung mayroon kang open wound o skin infection.
Paano hinarap ni Eric ang pagbabago sa kanyang buhay dahil sa flesh-eating bacteria?
“Noong dumating na po ‘yung time na sinabi sa’kin ng mother ko na wala na ung legs ko, kahit alam ko na, naiyak pa rin po ako. Kasi ang gusto ko pong course na kuhanin is Bachelor of Multimedia Arts and nangangailangan po ‘yun ng sobrang daming movements kaya na-feel ko po na parang naputol ang pangarap ko noong natanggal ang legs ko,” ayon kay Eric.
Hindi naging madali ang lahat kay Eric dahil bukod sa sakit na nararamdaman niya bunga ng operasyon ay kailangan niyang harapin ang malaking pagbabago ng kanyang buhay.
“‘Yung sa third operation ko po is cleaning na lang po at pagsasarado ng sugat at during that time ang ganda na po ng condition ko and January 6 is nakauwi na po kami sa bahay at after nu’ng operation noong makalabas ako ng ospital hindi pa pala tapos ‘yung laban ko dahil mahirap ‘yung adjusting part ko and ‘yung pain nung sugat na parang may libo-libong karayom na sabay-sabay na tumutusok sa sugat ko from operation, at sumisigaw po talaga ako sa sakit.”
Ang panibagong laban ni Eric ay nagsimula noong siya ay nakalabas na ng ospital, kinailangan din niyang pagdaanan ang mga rehabilitation at therapy para sa kanyang recovery.
“Noong March nagsimula na po ako sa rehabilitations tinuran na po ako ng therapist ko ng mga physical work out para lumakas ang katawan ko, and naging coping mechanism ko po ito. Habang tumatagal dahil po sa work out nararamdaman ko na mas lumalakas ako, and masasabi ko na mas malakas ako ngayon kesa nung 2 pa ang paa ko dahil mas nakakapagbuhat na po ako ng mabibigat,” masayang pahayag ni Eric.
Sa suporta ng pamilya at mga kaibigan ni Eric nagkaroon siya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang kanyang buhay at harapin ng buong tapang ang kanyang kondisyon.
“Nagagawa ko na po mag-push ups ng one leg lang, nakakapag-work out na nakatayo kahit isang paa lang, at sa sumunod ko pong rehabilitation tinuruan po ako kung paano gamitin ‘yung prosthesis ko po, and kinomend po ako ng mga therapist dahil sa strength ng muscles ko and ‘yung will ko na maging okay ulit. Sa sobrang rare din po ng case ko they had to import senior prosthetist from Hong Kong pa to help me, and maganda ‘yung naging progress ko dahil na-activate and nagamit ko nang maayos ang prosthesis ko agad, “paglalahad ni Eric.
Payo ni Eric para sa mga taong may kapareha ng kanyang kondisyon:
“Hindi pa katapusan ng mundo, sarili din natin ang higit na tutulong sa atin para malagpasan ‘yung mga challenge na ‘to sa buhay. Minsan hindi lang sapat ‘yung motivation para malagpasan ‘yung mga trial at makuha ‘yung pangarap natin. Kailangan din natin ng disiplina at lakas ng loob para harapin ang mga ganitong hamon, hindi tayo pwedeng laging magpatalo sa buhay,’ pagwawakas ni Eric.
Matuto pa tungkol sa Nakahahawang Sakit dito.