Ang Lianhua Qingwen ay isang remedy sa tradisyunal na Chinese medicine. Ito ay inaprubahan kamakailan para gamitin sa Pilipinas. Sinasabi ng mga taong gumagamit ng gamot na ito na makakatulong ito na mapawi ang respiratory problems, at naniniwala pa nga ang ilan na makakatulong ito sa pagpapagaling ng COVID-19. Ngunit ano ang Lianhua Qingwen, at mabisa ba ito sa COVID at sa paggamot sa respiratory problems?
Ano ang Lianhua Qingwen?
Ang Lianhua Qingwen (LH) ay isang uri ng tradisyunal na Chinese medicine. Ito ay naiulat na mabisa at nakakagamot sa repiratory illnesses tulad ng ubo, sipon, at trangkaso, gayundin ang lagnat at muscles aches and pains.
Naglalaman ito ng kumbinasyon ng herbs na naiulat na nakakatulong sa paggamot sa mga sakit na ito. At pamahalaan ang kanilang mga sintomas.
Gaano ito kaepektibo?
Ano ang lianhua qingwen at mabisa ba ito? Bago pa man ang outbreak ng COVID-19, ang mga Chinese citizens ay gumagamit na ng mga LH capsule upang gamutin ang iba’t ibang sakit.
At nang mangyari ang outbreak ng COVID-19, inilagay ng mga practitioner ng tradisyunal na Chinese medicine ang mga LH capsule sa limelight bilang isang paraan ng paggamot sa COVID-19. Ito ay bahagyang bilang tugon sa kawalan ng lunas para sa nakamamatay na sakit na ito.
Ang paggamit ng gamot na ito ay napakapopular kaya ang mga ospital sa China ay gumagamit ng mga LH capsule. At kasabay ng Western medicine upang gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19. May ilan pang nagsasabing nakakatulong ito sa pagpapagaling sa virus.
Bukod pa rito, tinitingnan din ng mga mananaliksik ang pagiging epektibo ng mga LH capsule bilang isang paraan ng paggamot para sa COVID-19. Ang natuklasan ng mga mananaliksik ay medyo epektibo ang mga LH capsule sa pamamahala ng mga sintomas ng COVID-19. Gayunpaman, HINDI kayang pagalingin ng mga LH capsule ang virus.
Natuklasan ng iba pang pag-aaral na mas mabilis ang recovery time ng mga pasyente ng COVID-19 na uminom ng LH capsules. Gayunpaman, ang mga testing methods na ginamit ay hindi masinsinan at hindi isinasaalang-alang ang placebo effect.
Ligtas ba gamitin ang lianhua qingwen?
Sa kabila ng pag-apruba para sa paggamit sa Pilipinas, mahalaga pa rin para sa mga tao na maging maingat sa mga uri ng mga gamot na kanilang iniinom. Ang mga LH capsule ay hindi pa rin naaaprubahan sa Pilipinas bilang paggamot para sa COVID-19.
Sa ngayon, napaka limitado ang impormasyon natin na magagamit sa mga halamang gamot na ito. At karamihan sa mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa pagiging epektibo nito ay kulang pa.
Bukod dito, naglabas ng pahayag ang Makati Medical Center hinggil sa paggamit ng LH capsules sa bansa. Sa kanilang pahayag, sinasabi nila na ang LH ay naglalaman ng “ma huang,” isang halamang gamot kung saan maaaring ma-extract ang drug na ephedrine.
Sa ilalim ng Dangerous Drugs Act, ang ma huang at ephedrine ay mga controlled substances. Ibig sabihin ang mga pasyenteng gustong gumamit ng LH ay kailangang kumuha ng reseta kung nais nilang gumamit nito.
Binabalaan din nila ang mga pasyente na may hypertension at mga problema sa puso na maging maingat sa gamot na ito, dahil maaari itong magpalala sa mga kondisyong iyon.
Ligtas at Mabisa ang Tradisyunal na Chinese Medicine?
Ang tradisyunal na Chinese medicine o TCM ay isang sinaunang sistema ng kalusugan at kagalingan na binuo sa China.
Kabilang dito ang paggamit ng acupuncture, acupressure, tai chi, masahe, at iba pang katulad na pamamaraan. Kasama na rin ang paggamit ng mga herbal na produkto para makatulong sa pagpapagaling at pagbutihin ang pakiramdam ng mga tao.
Ang isang mahalagang aspeto ng TCM ay ang pagtuon sa holistic medicine at pangangalaga sa kapakanan ng pasyente. Ang mga taong nagsasagawa ng TCM ay karaniwang pinagsasama-sama ang iba’t ibang paraan ng paggamot. Tulad ng acupuncture at herbal na gamot upang makatulong sa paggamot sa sakit.
Ito ay batay sa pilosopiya na ang mga sistema ng katawan ay magkakaugnay, kaya ang isang holistic na diskarte ay perpekto.
Ang tradisyunal na Chinese medicine ay maaaring taliwas sa Western medicine
Ito ay unti-unting pagiging popular sa kanluran. Pero kung ano ang lianhua qingwen ay hindi pa rin lubos na kinikilala ng Western medicine. Ito ay maaaring dahil sa katotohanan na ang ilang mga practices ng TCM ay hindi batay sa tanggap na medical knowledge.
Ang isa pang problema ng ilang mga tao ay ang ilang mga herbal na gamot na ginagamit sa TCM ay naglalaman ng mga halaman o hayop na hindi kilalang na may medical use. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang ilang mga herbal na gamot ay naglalaman ng drugs, heavy metal, o pesticides. Ang mga ito ay maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao. Ang ilang mga tao ay nakaranas pa nga ng allergic reactions kapag gumagamit ng mga herbal na gamot na ginagamit sa lianhua qingwen.
Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang TCM ay hindi epektibo, o isang panloloko. Ang ilang mga kasanayan, tulad ng tai chi o acupuncture, ay medyo mababa ang panganib. May mga pasyenteng nag-ulat ng kanilang paggaling pagkatapos sumailalim sa mga naturang paggamot.
Bukod pa rito, ang mga herbal na gamot ay kinakikitaan ng panibagong interes. Dahil mas maraming mananaliksik ang nagsisikap na malutas ang mga misteryo ng ilang mga herbs. Malamang na ang ilan sa mga herbs na ginagamit sa kung ano ang lianhua qingwen ay pwedeng isama sa Western medicine pagtagal. Ito ay upang makatulong sa paggamot sa mga malulubhang sakit.
Kung interesado kang subukan kung ano ang lianhua qingwen at TCM, siguraduhing makipag-usap muna sa iyong doktor. Makakatulong sila sa iyo na mahanap kung aling diskarte ang magiging ligtas at perpekto. Ito ay para makatiyak sa pinakamahusay na pangangalaga.
Tandaan, ang healthy skepticism at bukas na pag-iisip ay magkakaugnay. Kaya pinakamainam na tandaan ito sa pagkilala sa lianhua qingwen.