Pinaniniwalaan na ang lahat ng bagay sa mundo ay may dalawang magkasalungat na panig. Ang layunin ay magkaroon ng kumpletong balanse at pagkakaisa. Kapag nagawa mong balansehin ang dalawang panig na ito sa loob ng iyong katawan, ang mararamdaman mo ay malusog at normal.
Kapag may imbalance, ang pakiramdam ay maysakit. Ang layunin ng TCM ay ibalik ang balanseng iyon sa pagitan ng dalawang panig ng iyong Qi.
Ang Acupressure ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa TCM na ginagamit mapanatili ang balanse ng Qi.
Paano Ito Gumagana?
Sa TCM, pinaniniwalaan na ang Qi ay dumadaloy sa mga channel sa buong katawan. Ang mga channel na iyon ay tinatawag na meridian. Pinaniniwalaan na ang mga channel na iyon ay nag-uugnay sa vital organs ng katawan ng tao.
Sa mga channel na iyon, may ilang partikular na bahagi na mabuting target ng karayom sa acupuncture. Ito din naman ang target ng pressure sa acupressure.
Dapat tandaan na ito ang pagkakatulad ng acupuncture at acupressure. Ang dalawang ito ay nagta-target sa points na iyon para kontrolin ang daloy ng Qi kasama ang meridians sa katawan. Dahil magkakaugnay ang mga meridian sa lahat ng vital organs ng katawan, ang pagkontrol sa Qi sa ilang partikular na bahagi ay maaaring may epekto sa isang organ na maaaring nasa ibang lokasyon.
Ano Ang Mangyayari Sa Isang Acupressure Session?
Ginagamit ng mga practitioner ng acupressure ang kanilang mga kamay, siko, paa, at mga kagamitan para maglapat ng pressure sa katawan. Kung minsan ay ginagamitan din ng massage o stretching.
Kung sasailalim ka sa isang acupressure session, kakailanganin mong humiga sa isang massage table. Ang kasunod ay sisimulan ng practitioner ang paglalagay ng pressure sa mga pressure point. Nakadamit ka ng buong session. Ang bawat session ay karaniwang tumatagal ng isang oras. Maaaring tumagal ng ilang session para magkaroon ng full effect at makuha ang benepisyo ng acupressure.
Habang ang layunin ng acupressure at TCM, sa pangkalahatan, ay ibalik ang balanse ng enerhiya ng buhay sa katawan, may mga nagmumungkahi na makakatulong din ito sa paggamot sa mind and spirit. Minsan iminumungkahi na ang practitioner ay mag-transmit ng vital energy sa katawan ng pasyente sa bawat session.
Hindi lahat ng practitioner ng acupressure ay naniniwala sa mas tradisyonal na mga claim. Marami ang nag-uugnay sa healing qualities ng practice at benepisyo ng acupressure sa iba pang mga dahilan tulad ng:
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap