backup og meta

Nasal Congestion: Ano ang Sanhi Nito?

Nasal Congestion: Ano ang Sanhi Nito?

Ang nasal congestion ay karaniwang sintomas ng mga pasyenteng nakakaranas ng respiratory conditions tulad ng flu o rhinitis. Ito ay mga pagbara sa paglalakbay ang hangin sa nasal passages. Maaaring maging lubhang hindi komportable ito at nagpapahirap sa paggawa ng ilang gawain. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang nagiging sanhi ng nasal congestion at home remedies para dito.

Ano ang sanhi ng nasal congestion

Ang baradong pakiramdam ay nagpapahiwatig na may nakabara sa nasal airways. Kadalasan, ito ay dahil sa pamamaga ng tissue, pagdami ng nasal secretions, at maging mga pagbabago sa nasal passage structures. Bilang resulta, ang pasyente ay pwedeng makaranas ng pansamantalang pagkawala ng pang-amoy.

Mga karaniwang sanhi ng nasal congestion:

Trangkaso o influenza. ang trangkaso ay viral infection na umaatake sa lalamunan, baga at ilong. Ang nasal congestion ay karaniwang sintomas ng trangkaso.

Sipon. Hindi gaanong malubhang viral infection ng respiratory ang sipon. Ang sipon ay maaaring maging sanhi ng nasal congestion.

Sinus Infection. Kilala rin itong acute sinusitis. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng pamamaga at pamamaga ng sinuses o mga puwang sa loob ng ilong.

Bilang karagdagan, ang iba pang mga sanhi ng nasal congestion ay:

  • Hay Fever (allergic rhinitis)
  • Sobrang paggamit ng mga nasal spray 
  • Nasal Polyps
  • Vasomotor Rhinitis
  • Pagbubuntis

Paano gamutin ang nasal congestion

Kasama sa treatment para sa mild cases ay over-the-counter na mga gamot at home remedies. Depende ito sa sanhi o sanhi ng nasal congestion. Para sa malalang kaso ng respiratory infections, kailangan ang medical assistance.  

Mga over-the-counter na gamot

Maraming mga gamot na makakatulong sa nasal congestion. Bagaman nakadepende ito sa uri at dami ng kailangan, maaaring mabili nang walang reseta ang decongestants tulad ng mga nasal spray, Phenylephrine, Oxymetazoline, at Pseudoephedrine. Bukod pa rito, ang mga may nasal congestion dahil sa allergies ay maaaring gumamit ng antihistamines upang makaramdam ng ginhawa. 

Home remedies para sa nasal congestion

Karaniwan, ang home remedy para sa nasal congestion ay ang rehydration. Ito ay upang mapanatiling moist at healthy ang nasal passages at sinuses. Tandaan ang mga sumusunod:

  • Isaalang-alang ang paggamit ng humidifier sa bahay at pag-inom ng maraming likido upang ma-rehydrate ang mga sinus
  • Subukan ang steam inhalation sa kaldero ng maligamgam na tubig
  • Gumamit ng nasal saline spray kung kinakailangan (iwasan ang labis na paggamit)
  • Maglagay ng mainit at basang tuwalya sa mukha upang maibsan ang tensyon at lumuwag ang nasal passage.
  • Magpahinga nang nakataas ang ulo para sa komportableng paghinga.

Professional medical assistance

Kinakailangan ang propesyonal na tulong medikal matapos gawin ng pasyente ang lahat ng paraan ng paggamot para sa nasal congestion. O kapag hindi matukoy ang sanhi ng nasal congestion. Ito ay lalo na kung ang mga sintomas ng isang tao ay sanhi ng underlying health condition.

Kadalasan, maaaring humingi ng medikal na tulong kung ang alinman sa mga sumusunod ay nangyari: 

  • Ang nasal congestion ay tumagal ng sampu o higit pang araw at/o mataas na lagnat na tumatagal ng tatlong araw o higit pa.
  • Berdeng nasal discharge o madugong nasal discharge 
  • Pagkakaroon ng mga sintomas ng hika, emphysema, at anumang impeksyon o sakit na nagpapahina sa immune system ng isang tao
  • Nasal congestion na nauugnay sa kamakailang pinsala sa ulo ng pasyente
  • Kung ang pasyente ay may tumor o nasal polyp, maaaring kailanganin ang operasyon

Key Takeaway

Karaniwang sanhi ng nasal congestion ang trangkaso, common cold, at sinus infections. Ang allergic rhinitis, nasal polyp, at sobrang paggamit ng mga spray ng ilong ay maaari ding maging sanhi ng kondisyon. Tandaan din na ang nasal congestion ay karaniwang nawawala pagkatapos ng ilang araw.
Maaaring makatulong sa nasal congestion ang mga over-the-counter na gamot at home remedies. Pinakamainam na humingi ng medical assistance kapag ang pagbara ay sanhi ng isang mas malubhang kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Tenga, Ilong, at Lalamunan dito.   

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pathophysiology of nasal congestion
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2866558/
Accessed December 6, 2020

Nasal congestion
https://www.mayoclinic.org/symptoms/nasal-congestion/basics/definition/sym-20050644
Accessed December 6, 2020

Stuffy or runny nose – Adult
https://medlineplus.gov/ency/article/003049.htm
Accessed December 6, 2020

Epidemiology and burden of nasal congestion
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2866547/
Accessed December 6, 2020

Runny nose: Symptoms, Causes, Care and Treatment
https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17660-runny-nose
Accessed December 6, 2020

Rhinitis (Nasal allergy)
https://www.aafa.org/rhinitis-nasal-allergy-hayfever/
Accessed December 6, 2020

Influenza (flu)
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/flu/symptoms-causes/syc-20351719#:~:text=Influenza%20is%20a%20viral%20infection,that%20cause%20diarrhea%20and%20vomiting.
Accessed December 6, 2020

Common cold
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605#:~:text=The%20common%20cold%20is%20a,can%20cause%20a%20common%20cold.
Accessed December 6, 2020

Kasalukuyang Version

03/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Sa Polyps Sa Ilong?

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Sinusitis


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement