backup og meta

Alamin: Bakit nagdudugo ang ilong, at ano ang solusyon dito?

Alamin: Bakit nagdudugo ang ilong, at ano ang solusyon dito?

Ang pagdurugo ng ilong ay nangyayari kahit kanino, at maaaring hindi ito mapanganib o sintomas ng isang bagay na mas nakakaalarma. Kung nais mong alamin kung bakit nagdudugo ang ilong at ang solusyon dito, narito ang mga dapat mong malaman. 

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Mga sanhi kung bakit nagdudugo ang ilong

Pagkalikot ng Ilong

Ang pagkalikot ng ilong ay isa sa mga mas karaniwang dahilan kung bakit nagdudugo ang ilong. Ito ay nangyayari halimbawa, kapag hindi mo sinasadyang nakalmot ng kuko mo ang loob ng ilong mo.

Ang pagdurugo ay kadalasang kakaunti at maaaring huminto pagkatapos ng ilang minuto. Ito ay medyo madaling maiwasan. Gumamit ng tissue upang dahan-dahang linisin ang iyong ilong.

Tuyong Hangin

Ang dry air ay isa pang karaniwang sanhi kung bakit nagdurugo ang  ilong. Ang mga taong nakatira sa mas tuyong klima ay maaaring makaranas ng medyo madalas na pagdurugo ng ilong. Dahil natutuyo nito ang mga lamad ng ilong, na nagiging mas madaling kapitan ng mga impeksyon at pagdurugo.

Gayunpaman, maaari rin itong maging karaniwan sa mga buwan ng taglamig dahil sa mainit na hangin sa loob ng bahay. Dahil matutuyo ng hangin sa loob ang iyong mga daanan ng ilong. Maaari din nitong gawing marupok ang blood vessels mo sa ilong, na maaaring pumutok at dumugo.

Mga impeksyon

Ang isa pang sagot kung bakit nagdurugo ang ilong ay adenoids, sinuses, at nose lining. Halimbawa, ang karaniwang sipon at acute at chronic sinusitis. 

Mga Allergy

Madalas nagiging irritated at makati ang ilong mo dahil sa mga allergy. Humahantong din ito sa madalas na pagbahing. Ang mga sintomas ng allergy (pagbahing, pangangati, atbp.) ay maaaring makairita sa ilong mo, na nagiging sanhi ng pagdurugo ng iyong ilong.

Non-Allergic Rhinitis

Kung nakakaranas ka ng malala na pagbahing at pagbabara ngunit hindi ito mula sa allergy, ito ay maaaring non-allergic rhinitis. Ang rhinitis ay walang maliwanag na dahilan, ngunit ang mga sintomas ay halos kapareho ng allergic rhinitis tulad ng hay fever.

Katulad kung paano nangyayari ang allergy, ang mga sintomas ng non-allergic rhinitis ay maaaring makairita sa ilong mo.

Blood Thinners

Ang mga daluyan ng dugo sa iyong ilong ay malapit sa balat, kaya naman mas malamang na masira at dumugo. Gayunpaman, ang mga pampanipis ng dugo ay kadalasang bihirang sanhi kung bakit nagdurugo ang ilong. Sa halip, maaaring ito ang dahilan kung bakit lumalala ang pagdurugo ng ilong.

Ang mga blood thinner ay nagpapanipis ng dugo, na nagpapahirap sa dugo na mamuo. Ginagawa nitong mas mahirap na pigilan ang pagdurugo.

Gayunpaman, ang gamot mo ay hindi kailangang “blood thinner” para maging malabnaw ang iyong dugo. Ang aspirin ay isang halimbawa.

Tandaan na may iba pang mga bagay na iyong kinakain na maaaring magpanipis ng dugo mo. Halimbawa, luya, bitamina E, at ginseng.

Deviated Septum

Kung ikaw ay nagtataka kung ang “nose bleed ay sintomas ng anong kondisyon?” isang pangunahing dahilan ay isang deviated septum.

Ang deviated septum ay isang kondisyon kung saan ang manipis na wall, na tinatawag na nasal septum na nasa pagitan ng mga daanan ng ilong, ay nalihis o wala sa gitna. Ang ilang mga tao na nakakakuha ng labis na pagkakalantad sa epekto ng pagpapatuyo ng daloy ng hangin ay maaaring humantong sa pagdurugo o crusting.

Chemical Irritants

Ang ilang mga kemikal ay maaaring dahilan kung bakit nagdurugo ang ilong. Halimbawa, bleach, ammonia, usok ng sigarilyo, atbp. Maaaring matuyo ng mga kemikal na ito ang iyong ilong at gawing marupok ang mga daluyan ng dugo.

Bleeding Disorders

Gaya ng nabanggit kanina, ang blood thinners ay maaaring magpalubha ng nosebleeds. Ang ilang mga sakit sa pagdurugo tulad ng hemorrhagic telangiectasia at hemophilia ay maaaring maging mahirap para sa iyong dugo na mamuo at humantong sa isang mabigat o matagal na pagdurugo ng ilong. 

Medication at Nasal Spray

Ang ilang partikular na gamot at nasal sprays na kadalasang gumagamot sa barado, runny, o makating ilong ay maaari ding maging dahilan kung bakit mayroon kang nosebleed. Halimbawa, ang mga decongestant at antihistamine ay maaaring magpatuyo ng iyong mga lamad ng ilong, na ginagawa itong madaling dumudugo.

Mabuti na lang, madalas lamang itong nangyayari kung palagi mong gagamitin ang mga gamot na ito at mga spray ng ilong. Sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor kapag ginagamit ang mga ito.

Trauma/Injury sa Ilong

Siyempre, ang anumang pinsala o trauma sa ilong ay madaling maging sanhi ng iyong pagdurugo ng ilong. Kung natamaan mo ang iyong ilong, maaari nitong masira ang nasal blood vessels at magdulot ng pagdurugo ng ilong. Kung may bagay na na-stuck sa iyong ilong, maaari rin itong maging sanhi ng pagdurugo ng ilong.

Ang ilang hindi gaanong karaniwang sanhi ng pagdurugo ng ilong ay maaaring kabilang ang:

  • Pag-opera sa ilong at/o facial surgery
  • Pag-inom ng alak
  • Mga polyp sa ilong
  • Paranasal and nasal tumors
  • Pagbubuntis

Paano Maiiwasan ang Nosebleeds

Bagama’t walang tiyak na paraan para maiwasan ang pagdurugo ng ilong, maaari mong subukan ang mga tip na ito:

  • Dahan-dahan kung sisinga
  • Huwag mong kalikutin ang iyong ilong
  • Kapag may tuyong hangin, subukang gumamit ng dehumidifier
  • Tumigil sa paninigarilyo pagkatapos ay iwasan ang secondhand smoke
  • Mag-ingat upang maiwasan ang nasal injury ( magsuot ng proteksyon, maiwasan ang mga kemikal na irritant, atbp.)

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?

Karaniwan, dapat kang bumisita sa isang doktor kung ang iyong ilong ay hindi tumitigil sa pagdurugo pagkatapos ng 20 minuto. Ang iba pang nakakabahalang mga senyales na kailangang agad na magpasuri ka ay kung magkakaroon ka ng nosebleed pagkatapos ng pinsala sa ulo, nakakaramdam ka ng pananakit, o pakiramdam ng ilong ay napinsala/kakaiba, atbp.

Key Takeaways

Bakit nagdudugo ang ilong ko? Maaaring may maraming dahilan, ngunit ang pagdurugo ng ilong ay karaniwang itinuturing na hindi nakakapinsala. Kung ang iyong ilong ay nagdurugo ng higit sa 20 minuto o nagkaroon ka ng pinsala sa ulo, humingi ng agarang medikal na atensyon. Palaging kumunsulta sa iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is my nosebleed the result of winter air?, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/is-my-nosebleed-the-result-of-winter-air, December 6, 2020

Nosebleeds, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/nosebleeds, December 6, 2020

Allergies, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/symptoms-causes/syc-20351497, December 6, 2020

Nonallergic rhinitis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nonallergic-rhinitis/symptoms-causes/syc-20351229, December 6, 2020

Before Using Aspirin to Lower Your Risk of a Heart Attack or Stroke, What You Should Know, https://www.fda.gov/drugs/safe-daily-use-aspirin/using-aspirin-lower-your-risk-heart-attack-or-stroke-what-you-should-know#:~:text=Now%20studies%20show%20that%20because,blood%20clot%20in%20the%20brain., December 7, 2020

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Sinusitis

Nasal Congestion: Ano ang Sanhi Nito?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement