backup og meta

Tawa-Tawa Para Sa Asthma, Epektibo Nga Ba Ito?

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD · Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

Tawa-Tawa Para Sa Asthma, Epektibo Nga Ba Ito?

Ang Tawa-tawa ang madalas na hinahanap na damong gamot para sa taong may Dengue, ngunit may ilang nagsasabing mabisa din ang tawa-tawa para sa asthma. Kamakailan lang, sumailalim ito sa pagsusuri bilang karagdagang gamot sa mild to moderate na mga kaso ng COVID-19. Ano ang katotohanan sa likod nito? Nakagagamot ba talaga ang tawa-tawa para sa asthma at iba pang respiratory diseases? 

Saan ito Ginagamit?

Ang Tawa-tawa ay isang uri ng damo na tumutubo sa mga damuhan, tabi ng kalsada, at mga daanan sa buong Pilipinas. Ito rin ay tinatawag minsang “gatas-gatas” dahil sa magatas na katas nito. 

Likas na mabuhok ang halamang ito at tipikal na natatagpuan sa tropical areas. Kilalang-kilala ito dahil sa taglay nitong medicinal benefits at kilala rin bilang “asthma plant”. 

Ngunit kaya ba talagang gamutin ng Tawa-tawa ang asthma? Epektibo ba ito sa paggamot sa dengue? Narito ang benepisyong medikal ng Tawa-tawa. 

Para Saan ang Tawa-tawa?

  • Maaaring makatulong ang Tawa-tawa sa paggamot ng respiratory illnesses. Gumagamit ang traditional medicine sa Pilipinas ng tawa-tawa para sa asthma, ubo, at Bronchitis. Dahil ito sa anti-inflammatory properties ng halamang ito na maganda upang mapawi ang iritasyon sa mga daanan ng paghinga. 
  • Ang mga dahon ng halamang gamot na ito ay puwedeng makabawas sa anxiety (pagkabalisa) at levels ng stress.
  • Ang Tawa-tawa sa paggamot ng mga sintomas ng Dengue. Maraming tao ang nagtataka kung paano gagamitin ang Tawa-tawa sa Dengue. Sa ngayon, ang tanging alam ng mga eksperto ay hindi talaga napagagaling ng Tawa-tawa ang Dengue, kundi nakatutulong ito upang mapataas ang platelet count. 
  •  Kapag ininom bilang tsaa, maaaring makatulong ito upang mapawi ang hypertension sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood pressure. 
  • Ang Tawa-tawa para sa Diarrhea. Napag-alamang ang halamang ito ay may antidiarrheal activity at minsang ginagamit bilang alternatibong gamot sa Diarrhea. Ginagamit din ito bilang gamot sa Dysentery at Enteritis.  

Iba pang potensyal na gamit ng tawa-tawa:

  • Ang Tawa-tawa bilang gamot sa mga sakit sa balat. Sa ilang mga kaso, epektibo ang mga dahon ng Tawa-tawa kapag ginamit bilang gamot sa mga sakit sa balat gaya ng pigsa, sores, at mga sugat. Puwede rin itong gamitin sa paggamot sa athlete’s foot. 
  • Kilala rin ang halamang ito na ginagamit sa pagpapagaling ng mga impeksyon sa mata, at binabawasan ang mga senyales ng pink eye o Conjunctivitis. 
  • Puwede ring makatulong ang Tawa-tawa upang mabawasan ang mga bulate sa bituka.
  • Kilala ang Tawa-tawa bilang natural na diuretic. Nagiging sanhi ito upang maihi ang tao na nakatutulong upang mailabas ang mga lason o dumi sa katawan at magkaroon ng magandang pagdaloy sa pantog.  
  • Ang mga ugat ng Tawa-tawa ay isa ring breast-milk stimulant. Kapaki-pakinabang ang mga ugat nito para sa mga nagpapasusong ina na nahihirapang magkaroon ng sariling gatas.
  • Ginagamit din ng ilan ang mga dahon ng Tawa-tawa upang mabawasan ang mga sintomas ng Syphilis. 

tawa tawa para sa asthma

Paano ito gumagana?

Napag-alamang may taglay na kakaibang properties ang tawa-tawa para sa asthma. Ni-re-relax nito ang bronchial tubes at may depressant effect sa respiration. 

Ito ang dahilan kung bakit pangunahing ginagamit ang tsaa ng Tawa-tawa sa paggamot sa asthma at iba pang respiratory diseases. Tinutulungan nito ang pasyenteng makahinga nang mas mabuti. 

Natagpuan din sa katas ng Tawa-tawa ang ethanol, na may taglay na anti-bacterial at anti-fungal properties.

Dagdag pa, polyphenol extract ng halamang ito ay napag-alamang isang anti-amoebic. Puwedeng gamitin ang dahon ng Tawa-tawa sa mga sugat, pigsa, at athlete’s foot. 

Nakatutulong naman ang pagiging diuretic ng Tawa-tawa upang malinis ang katawan mula sa mga dumi, dahil nakapagdudulot ito ng mas maraming pag-ihi. Nalaman ding may antioxidant acitivity ang Tawa-tawa, na nakatutulong upang protektahan ang mga selula mula sa pagkasira. 

Nakita ring ang katas ng Tawa-tawa ay nagpapaganda ng galactogenic activity sa mga guinea pig, nagpapataas ng development ng mammary glands at nag-uudyok ng secretion. Ito ang dahilan kung bakit epektibong breast milk stimulant ang Tawa-tawa para sa mga nagpapasusong ina. 

Ang iba pang properties ng Tawa-tawa ay antimalarial, antidiarrheal, at anticancer.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago ako gumamit ng Tawa-tawa?

Tiyaking makikipag-usap ka sa iyong doktor o sa isang healthcare professional bago gamitin ang tawa-tawa para sa asthma at iba pang mga sakit. Maaari itong magkaroon ng side effects o interactions sa iyong gamutan o kondisyong pangkalusugan. 

Gaano ito kaligtas?

Marami pang mga pag-aaral ang hindi pa nagagawa tungkol sa halamang Tawa-tawa. Bagaman madalas ginagamit dahil sa medical properties nito, may taglay pa rin itong toxic chemicals na maaaring makasama kapag kinonsumo. 

Puwede itong magdulot ng pagsusuka, kaya’t hindi ipinapayo ang malalaking doses ng Tawa-tawa. Tiyaking kumonsulta sa iyong doktor bago gumamit ng Tawa-tawa, lalo na kung naggagamot ka o may kasalukuyang kondisyong pangkalusugan.  

Espesyal na Pag-iingat at mga babala

May taglay na latex ang katas ng halamang Tawa-tawa. isa itong toxic kapag nakain at maaaring maging sanhi ng external irritation. Maaari itong magdulot ng sensitive skin reactions at matinding pamamaga, lalo na kung nadikit sa mga mata o sa bukas na sugat. Kahit tuyo na, puwede pa ring maging toxic ang halamang ito. Likas rin itong carcinogenic, kaya’t ang matagalan at regular na contact sa katas nito ay hindi ipinapayo. 

 Maaari ding makaapekto ang Tawa-tawa sa sperm motility ng mga lalaki.

Ang paggamit naman ng Tawa-tawa sa mga buntis, sa kabilang banda, ay hindi pa rin napatutunayang ligtas, kaya’t tiyaking makapagtatanong sa doktor bago isama ang Tawa-tawa sa iyong diet. 

Kumonsulta sa iyong doktor para sa tamang diagnosis at treatment bago gumamit ng Tawa-tawa bilang gamot. Tiyakin ding mahugasan nang mabuti ang mga dahon nito bago gamitin. 

Side Effects

Anong klaseng side effects ang puwede kong makuha sa Tawa-tawa?

Humingi agad ng tulong kung makaranas ng allergic reactions gaya ng pamamantal, pamamaga ng mukha, dila, o lalamunan, o nahihirapang huminga matapos kumonsumo ng Tawa-tawa. 

Interactions

Ano ang puwedeng mag-interact dito?

Humingi ng payo sa iyong doktor at tamang treatment bago gumamit ng Tawa-tawa dahil puwede itong magdulot ng harmful reactions sa iyong kasalukuyang medikasyon o kondisyong pangkalusugan. 

Kabilang sa iba pang side effects ng Tawa-tawa ang nausea, vomiting, at gastrointestinal pain. Sinasabi ring nakapagdudulot ito ng depressant effect sa puso kapag nasobrahan ng pagkonsumo. 

Napag-alaman ding nakababawas ng sperm motility ang Tawa-tawa para sa mga lalaki. 

Dosage

Ang mga impormasyong ibinigay ay hindi pamalit sa payong medikal. PALAGING kumonsulta sa iyong herbalist o doktor bago gamitin ang medikasyong ito. 

Ano ang kadalasang dose?

Kumonsulta sa doktor para sa tamang diagnosis at treatment para sa iyong mga karamdaman, bago gumamit ng Tawa-tawa. Makapagrereseta din sila ng tamang dosage. Depende sa kondisyon, maaaring mag-iba ang dose nito sa bawat pasyente. 

Sa anong mga anyo ito puwedeng magamit?

Madalas na mahahanap ang Tawa-tawa sa mga pamilihan bilang tsaa – candied o nasa capsule – upang madaling i-brew. Gayunpaman, kung makakita ka ng nakatanim na Tawa-tawa, puwede mong kunin ang halamang ito, kunin ang mga ugat, linisin, saka pakuluin para maging tsaa. Ngunit pakiusap, kumonsulta muna sa doktor bago ito gamitin, maging ang iba pang halamang gamot. 

Para naman sa external na paggamit gaya sa mga sugat at sores, puwedeng dikdikin ang halamang ito hanggang sa makuha ang katas. Ito ang ipapahid sa apektadong bahagi ng balat gamit ang cotton pad.  

Hindi nagbibigay ang Hello Health Group ng payong medikal, diagnosis o treatment.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Euphorbia hirta: Its chemistry, traditional and medicinal uses, and pharmacological activities https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3249903/

Euphorbia hirta (asthma plant) uses, health benefits, and common name https://www.medicinalplantsanduses.com/euphorbia-hirta-uses-health-benefits

4 surprising benefits of Euphorbia hirta https://www.organicfacts.net/health-benefits/herbs-and-spices/euphorbia-hirta.html

20 super health benefits of tawa tawa plant https://drhealthbenefits.com/herbal/herbal-plant/health-benefits-tawa-tawa-plant

Euphorbia hirta http://tropical.theferns.info/viewtropical.php?id=Euphorbia+hirta

Tawa-tawa contains active ingredients that may help dengue hemorrhagic fever (DHF) patients – study http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/dengue-updates/2631-tawa-tawa-contains-active-ingredients-that-may-help-dengue-hemorrhagic-fever-dhf-patients-study

Asthma weed/tawa-tawa http://www.herbanext.com/philippine-medicinal-herbs/tawa-tawa

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.

Nakatulong ba ang artikulong ito?


Mga Kaugnay na Post

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?